Therese's Point of View
Kasalukuyan akong nakadapa sa kama at nanonood ng mga palabas.
Nanonood ako pero kahit isa sa mga nangyayari, hindi ko maintindihan.
It's been 3 years. 3 years mula ng iniwan kami ni Papa. 3 years mula ng naiwan kaming dalawa ni Mama.
Hindi ko namalayang tumulo na pala yung luha ko. At ang nakakatawa pa, action ang pinapanood ko tapos umiiyak ako.
Namimiss ko na si Papa. Pero iniwan niya kami kaya hate ko na siya.
Napapikit ako ng maalala ko nanaman kung anong nangyari dahil rinig na rinig at kitang kita ko lahat ng nangyari.
Flashback (3 years ago)
Bumaba ako para sana umalis at makipagkita kay Jake. 15 years old palang ako kaya hindi pa kami legal.
Nasa hagdan na ako nang makita kong umiiyak si Mama habang si Papa naman ay paalis na na may dalang mga bagahe at maleta.
"Please naman, Rey! Wag mo kong iwan!" Pagmamakaawa ni Mama habang nakakapit kay Papa.
Tuluyan akong bumaba habang unti unting namumuo ang luha sa mga mata ko.
"Papa?" Napahinto silang dalawa at tinignan ako.
Tumulo na yung luha ko ng makitang umiiyak si Mama. Ang sakit sa pusong makita yung Mama kong umiiyak at nasasaktan.
"I-iiwan mo kami?" Nagkandautal utal na ang garag kong boses dahil para bang gripo ang mata ko kakaiyak.
Hindi ako pinansin ni Papa at tuluyan ng umalis. Naiwan kami ni Mama na umiiyak. Sobrang sakit. Ang sakit. Tapos dumoble pa yung sakit nung makita kong humagulgol na si Mama.
Dali dali akong lumapit sa kanya tapos niyakap ko siya.
End of Flashback
Mula ng araw na iyon ay nagbago si Mama. Malaki ang pinagbago niya.
Tulad nalang ng hindi pagkain, laging lasing, sinusumbatan at sinasaktan ako, hindi lang physically pati emotionally.
It hurts so much pero tiniis ko iyon. Isang taon matapos ang pagmumukmok ni Mama ng matauhan siya nang makita ang mga pasa ko na gawa niya.
Flashback (uli, 2 years ago)
Nasa kwarto ako ngayon at umiiyak lang sa unan ko. Punong puno ng mga pasa ang katawan ko dahil na rin kay Mama.
"Hoy babae!" Napapikit ako ng tawagin ako ni Mama.
Tumayo ako at ininda ang sakit ng katawan ko. Ako na rin kasi ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Tulad ng paglalaba, pagluluto, paglilinis at iba pa.
"P-po, Mama?" Pilit kong inayos ang tayo ko.
Pagod na pagod na ang katawan ko kaya naman kumapit ako sa hawakan sa hagdan para magkaroon ng suporta.
Lumingon sa akin si Mama at tila natigilan ng makita ako. Lumambot ang ekspresyon niya at nagsimula siyang umiyak.
Bigla siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napangiwi ako sa sakit pero napangiti ako at umiyak.
"Anak....anak....sorry....sorry, sorry, Anak. Patawarin mo si Mama, sorry anak," nagsimula siyang magsorry ng paulit ulit habang yakap pa rin ko.
End of Flashback
Napangiti ako sa pagitan ng mga luha kong patuloy pa ring tumutulo.
Tumungo ako sa bintana at tumingala sa mga bituin.
Umalis nalang ako ng may maalala ako tungkol sa bituin, ang gagong si Jake na niloko at pinagpalit ako.
Napangiti ako ng mapait ng maalala ang paghihiwalay namin, isa siyang malaking pak at shet.
Nakakainis dahil sa buong 3 years namin, ewan ko kung gaano katagal na niya akong niloloko.
At nakakainis dahil iniyakan ko yung hayop na yun, mga ilang araw ko ring iniyakan bago ako natauhan.
Kaya nga relate na relate ako sa sinabi ni Cali dun sa My Ex and Whys eh. yung linyahang "pero kahit anong ganda, nagagawa pa ring ipagpalit."
Tapos yung isa pa, "When you choose to love, dapat tapat. Kasi kung mahal mo, bakit mo sasaktan?"
Sapul ako dun pero hinding hindi na ulit mangyayari yun dahil balak ko ng mag madre.
---
Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Kinusot ko ang mga mata ko at saka bumangon.
Nakatulog pala ako kagabi nung inaalala ko yung gago kong ex.
Tumayo ako at ginawa na ang morning rituals ko, nagtoothbrush, naligo, nagbihis, nag ayos. Matapos ang 1 oras ng morning rituals ay bumaba na ako para mag breakfast.
"Good morning, Ma!" Bati ko kay Mama nang makita ko itong busy sa panonood ng hindi-ko-alam ang title.
"Good morning, Nak! May breakfast na dun sa may kusina," sabi niya atsaka ako nginitian.
Pumunta ako sa kusina na at nakita ang breakfast. Hotdogs, bacons, hams at hotdogs. Ang dami diba? Ewan ko ba kay Mama, andami lagi mag luto.
Kumain na lang ako ng tahimik.
--
Narito ako ngayon sa kwarto at nagiisip ng mga pwedeng gawin. Nakaupo ako sa kama habang nililibot ang tingin ko sa kwarto ko.
Maliit lang ang kwarto ko pero sakto lang para sa akin. Pumunta ako sa study table ko at binuksan ang laptop. Oo nga pala, yung ginagawa kong story namin ni Jake.
Akala ko kasi forever ko na siya pero ang gago may ka-forever ng iba. Binuksan ko ang ginawa kong story at saka nagtype.
Pinatay ko si Jake sa huli at iniba ang genre, ginawa kong teenfiction. Matapos ang ilang editing ay pinublish ko ito.
Tinignan ko ang orasan at nakitang 9:09am na pala. Isang oras ko ring tinapos ang istorya.
*twweeettt*
Napatingin ako sa phone ko sa kama at saka binuksan ang bagong mensahe.
From: Alex
Hi! Punta tayo sa park with Kate mamayang hapon??
Napakunot naman ang noo ko at napagpasyahang pumayag dahil wala rin naman akong gagawin.
To: Alex
Okay, see you there at 3pm.
--
Author's Note:
Gigil ako ngayon kaya sorry sa update kung pangit. Grr. Ang ikli pa, sorry naman. huhu.
Vote. Comment. Share
Facebook: Cassandra Joy Mapanao
BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Storie breviCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.