Load-Chapter 15

89 8 0
                                    

Alex's Point of View

Tahimik lang ako habang naka-upo, hinayaan ko lang na umiyak si Therese sa balikat ko. Basa na rin yung tshirt ko pero okay lang.

"Alex..."

Tinignan ko siya, umayos na kami ng upo. Pinunasan niya yung luha niya. Mahigit 10 minutes siyang umiyak. Maga yung mga mata niya.

"Paano kapag may nanakit sayo, tapos babalik sayo, tatanggapin mo pa ba?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Si EX mo ba yan?" Pabalik kong tanong.

"Hindi," mabilis niyang sagot. Pinunasan niyang muli ang luhang tumulo.

"Sino?"

"S-si Papa."

Nagsimula siyang magkwento. Umiiyak pa rin sya pero hindi na ganun katindi kanina.

"Para sa akin? Bigyan mo muli siya ng chance," sagot ko matapos ang mahabang palaniwagan niya.

"Is it worth taking the risk?" Tanong niyang muli.

"How can you know if you won't try?" Balik kong tanong sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at tumango.

"Ngayon, wag ka ng umiyak, ayokong nakikita kang umiiyak, okay?" Nginitian ko siya tapos inayos ko yung buhok niya.

"Okay."

--

Therese's Point of View

Bumalik na ako sa bahay. Nandun si Mama at Papa, nakaupo sila sa couch at nakaharap sa pinto.

"Galing ka ba kela Alex, anak?" Tanong ni Mama. Tumango lang ako.

"Sino si Alex?" Napatingin ako kay Papa ng tanungin niya ako.

"Manliligaw ko po, Papa," ngumiti ako sa kaniya.

Halatang nagulat silang dalawa ni Mama. Tumayo si Papa at lumapit sa akin. Itinaas niya ang kamay niya na para bang iniimbitahan ako para yumakap. Ngumiti akong muli at niyakap siya.

"I miss you, Papa," sabi ko at muli, tumulo ang luha sa mga mata ko.

"I miss you too, Anak," sagot ni Papa matapos kumalas sa yakap.

"Nakakainggit naman yan, sali niyo ko," saad ni Mama.

"GROUP HUG!"

--

Narito kami sa Mall, nagsimulang bumawi sa amin si Papa. Dinate niya kami. Nagpunta kaming arcade, sinehan tapos ngayon ay magdidinner na kami. Natutuwa akong makitang masaya si Mama.

"Anak, gusto kong makilala ang Alex na iyan, ha?" Saad ni Papa sa gitna ng pagkain namin sa isang dine restaurant.

"Opo, Pa. Kelan po ba?" Tanong ko matapos lunukin ang nginunguya ko.

"Bukas, pwede ba?"

"Okay po, sasabihan ko po siya paguwi natin."

Matapos ang Dinner namin ay napagpasyahan naming umuwi na. May sasakyan si Papa kaya hindi hassle. 10 minutong byahe at nakarating na kami sa bahay ng matiwasay.

"Good night, Anak."

"Good night, Anak. Bukas ah?"

"Opo. Goodnight Mama, Papa."

Pumasok na ako ng kwarto. Pagkapasok ay nagbihis muna ako ng pangtulog tapos nag toothbrush. Matapos nun ay tinawagan ko si Alex habang binubuksan ko ang laptop ko.

Ilang ring lang at sinagot na niya ito kaagad.

"Hello, Future Girlfriend!"

"Hello."

"Bakit ka napatawag?"

"Gusto ka kasing ma meet ni Dad. Pwede ka bukas?"

"Seryoso?"

"Oo nga, ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Pwede ako bukas, anong oras ba?"

"Hmm, umagaa yata. Walang nasabing oras si Papa eh."

"Okay, sige."

"Okay."

*tooot toooot*

Pinatay ko na ang tawag at humarap na sa laptop ko para masimulan ang panibagong update.

--

Alex's Point of View

Gumising ako ng maaga. Pagkagising ay sandali muna akong tumitig sa kawalan. Ngayon ko imemeet ang Dad ni Therese na bumalik muli sa kanila after 3 years (ayon sa kuwento ni Therese). Kinakabahan ako pero okay lang, keri ko to. Pogi ko kaya.

Tumayo na ako at naghanap ng magandang damit. Ilang minuto rin akong naghanap. Napagpasyahan kong mag suot ng trunks at sando...joke lang! Ano? Pupunta lang beach? Napagpasyahan kong mag suot ng light blue tshirt na plain tapos jeans na medyo tastas, pero hindi kita yung skin.

Tumungo na ako ng banyo at naligo.

After 30 minutes ng paliligo ay nagsimula na akong magpapogi. Pogi na naman ako pero nagpapogi pa ako lalo.

Pagkatapos ay bumaba na ako. Nakita ko si Kate na nasa salas, naglalaptop, naglalaro nanaman siguro ito ng Friv. Favorite niya yon eh.

"Saan ka pupunta Kuya? Date?" Tanong ni Kate nang mapansin niya ako.

"Imemeet ni Kuya ang papa ni Therese," sagot ko habang inaayos ang buhok ko ng konti.

"Akala ko ba, iniwan sila ng Papa nila?" Takang tanong ni Kate.

Ngumiti ako, "Binalikan na sila kahapon. Oh siya, una na ako. Goodluck nalang sa akin."

Tumungo na ako sa labas at bumuntong hininga muna bago magsimulang maglakad patungo sa bahay nila Therese.

"Kaya mo yan, Alex. Pogi ka, okay?" Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Kumatok na ako at naghintay na may magbukas ng pinto. Tumambad sa akin si Tita.

"Oh, hayan ka na pala. Hindi pa gising si Therese eh. Pero gising na ang papa niya," bungad ni Tita.

"Okay lang po, susurprise ko nalang siya kung sakaling magustuhan po ako ni Ser."

Pinapasok niya ako at tumambad sa akin ang tatay ni Therese.

"Iho? Ikaw si Alex?"

Nagulat ako dahil siya yung napagbentahan ko ng Marlboro Lights.

--

Author's Note:

Very short update? Sorry na, huhu. 

Vote. Comment. Share.

Facebook: Cassandra Joy Mapanao

Load. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon