Load-Chapter 12

142 11 0
                                        

Author's Note: Wala eh, sinisipag talaga ko and you can't do anything about it. Hoho.

Therese's Point of View

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hinila ang bewang ko. Nadama ko ang mabilis na ugoy ng hangin na para bang may dumaan mula sa likod ko.

"Watch out!"

Humarap ako kay Alex, nakatingin ito deretso sa mga mata ko. I can see sincerity in his eyes. Ngumiti siya bago sabihin ang mga katagang nagpabaliw sa sistema ko.

"I like you so much, Therese. And I'll do everything, as in everything to make you mine."

--

Nasa kwarto ako at naaalala ko nanaman ang nangyari kanina. Hindi niyo ako masisisi, I have trust issues lalo na't dalawang beses na akong iniwan ng lalaki.

Una ay si Papa at ang pangalawa naman ay si Jake, ang gago kong ex.

"Is it worth taking the risk?" Tanong ko sa sarili ko.

Because I'm tired. I'm tired of trusting someone and they ended up breaking that trust. I'm tired of giving my heart to someone and they will always gave my heart back broken.

Inisa isa ko ang symptoms. Oo, aaminin kong nabibilisan ako sa mga nangyayari. Nung sinasabi niya ang bawat kataga ng sinabi niya kanina, "I like you so much, Therese. And I'll do everything, as in everything to make you mine." Sobrang nag-hype yung puso ko.

Yung parang may mga kabayo na nandun tapos nagkakarerahan, tapos hindi ko napipigilan yung ngiti ko, hindi ko napipigilan yung pag init ng pisngi ko. Actually, tama si Alex, kinikilig ako.

Si Alex yung tipong happy-go-lucky, sobrang saya niya lagi, kahit maliit na bagay, ikinatutuwa niya rin. Si Alex rin yung tipong magalang. Sa sidewalk vendor, kela Mama at Tita, siya na yung tipong 'too good to be true'.

Eh ako? Ako yung babaeng mukhang mahinhin pero mataray talaga, short tempered ako, mabilis mapikon tapos hindi ako masyadong nagpapakita ng feelings ko.

We're totally opposite pero parang feeling ko siya na yung 'the one' ko. Parang nararamdaman kong kami yung para sa isa't isa.

Meant to be. Destiny. Fate to be with each other or kung ano ano pa. Feeling ko talaga eh.

I unconsiously smiled. Am I freaking inlove with that Mister Mahangin?

--

I woke up with a smile plastered on my face, ewan ko kung bakit, maganda ang gising ko ngayon.

Tumingin ako sa salamin na nasa harap lang ng pinakakama ko. Ang bright ng aura ko ngayon. Which is very rare.

Dumiretso na ako sa banyo at saka ko ginawa ang mga morning rituals ko.

Matapos nun ay bumaba na ako. Nagulat ako ng makitang nasa baba si Alex at prenteng nakaupo sa sofa. Feel at home ang abnormal na may lahing air conditioner.

"Good morning, Future Girlfriend," he winked at me.

Inirapan ko lang siya kahit na ang totoo ay pilit kong itinatago ang mga ngiti ko.

Pumunta akong kusina, wala doon si Mama.

"Si Tita na kela Mama, tinuturuan nila si Kate na mag bake ng pastries," sabi ni Alex mula sa Salas.

Hindi ako sumagot at kumuha na lang ng makakain. Binuksan ko ang tv at naupo sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito, Mister Mahangin?" Tanong ko ng hindi lumilingon sa kaniya.

"Yan na ba ang CS natin? Mister Mahangin at Miss Limang Piso?" kita ko sa peripheral vision ko ang pag ngisi nya.

Agad ko siya hinarap at inirapan.

"Miss Limang Piso?" Ulit ko sa sinabi niya.

Wtf, wala na ba siyang maisip na mas maganda dun.

"I prefer Future Girlfriend."

"Sus, tignan mo to, gusto rin pala ang tawag ko sa kanyang Future Girlfriend," sabi niya habang tumatawa tawa pa.

OMG, DID I SAID IT OUT LOUD?

"Tss, whatever," sabi ko na lang at tumingin muli sa TV.

Sinundot sundot niya ang tagiliran ko pero sorry siya, wala akong kiliti sa beywang no.

"Ano nanaman ba?" Sabi ko ng hindi siya tumigil sa pagsundot.

"Tara, date ulit tayo?" Aya niya. Napataas naman ang kilay ko.

"Ulit?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Oo, nag date tayo kahapon ah?"

Napaisip ako. I guess I'll consider that as a date. Tahimik akong tumango. Okay, let's give this a chance.

--

"SHOUT OUT TO MY EX! YOU'RE REALLY QUITE THE MAN! YOU MADE MY HEART BREAK AND THAT MADE ME WHO I AM!"

Busy ako sa pagsabay sa kanta ng Little Mix. Hashtag relateable.

Nasa kotse kami ngayon ni Tita, nagpaalam kaming mag roadtrip at babalik bago maghapunan. Pumayag naman sila dahil mukhang botong boto sila sa amin. Tss.

"HERE'S TO MY EX! HEY LOOK AT ME NOW WELL I'M, I'M ALL THE WAY UP I SWEAR YOU'LL NEVER, YOU'LL NEVER BRING ME DOWN!" tuloy ko pa habang nasa labas ang mga kamay ko sa bintana.

Hoho, ang sarap ng hangin kasi hindi maalinsangan, hindi rin masyadong malamig. Tuloy ang kanta sa radyo.

"Relate na relate ka ah?" Puna sa akin ni Alex na nasa drivers seat at syempre, nagdadrive.

Dere-deretso lang ang tinatahak naming daan, actually, pupunta kami sa pinakamalapit na beach.

Ang goul namin? Makita ang paglubog ng araw. Dala ko rin ang camera ko para makakuha ng mga litrato.

"Hmm, 1 kilometer away pa," anunsyo ni Alex.

Pwede pang matulog. Wala kasi ako masyadong tulog these past few days. Papano ba naman, halos araw araw yata may sinasabi itong si Alex na nakakaapekto sa buong katawan ko.

Tumugtog ang next na kanta. Tadhana by Up Dharma Down (AN: tama ba yung spelling, huhu)

"Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo"

Ang ganda netong kantang ito eh. Isa ito sa mga naging paborito ko.

"Bakit di pa patulan?! Ang pagsuyong nagkulang?! Tayong umaasang hilaga't kanluran, ikaw ang hantungan! At bilang kanlungan mooo! Ako ang sasagip sayo ohhh!" Sumabay kaming pareho sa kanta at napatawa.

--

"Psst, Future Girlfriend, we make it on time, magsisimula pa lang ang sunset," nagising ako ng makaramdam ng pagtatapik sa mga pisngi ko.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko, tumambad sa akin ang mukha ni Alex kaya agad kong tinampal ito ng mahina.

Lumabas ako at napanganga sa nakita ko. I took a glance on my watch.

3pm, meron pang ilang oras bago mag sunset.

--

Author's Note:

BItin? HAHAHAHA, bahala kayo dyan. Till next update.

Vote. Comment. Share.

Load. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon