Load-Chapter 19

112 8 0
                                    

Alex's Point of View

"ALEX DEVIN, SINASAGOT NA KITTAAAAAA!!!!"

Hindi ko alam pero parang biglang huminto yung mundo ko nung marinig ko yun. Parang lahat ng moments namin, nagbalik sakin. Mula nung una ko siyang makita, nung nag reply siya sakin, nung kasama niya si Kate sa park, yung kumain kami sa kanila, yung set up na meet up, yung umamin ako through phone, yung niligawan ko siya at nung nakilala ko yung Papa niya.

Pagkababa ko ay tila naiwan ang buong katawang lupa ko sa itaas, ni hindi ko manlang napansin na bumulusok kami pababa dahil dun sa revelation na yun.

"Hey, Alex, okay ka lang ba?" Napagtanto ko nalang na wala na kami sa EKstreme tower.

"G-girlfriend na kita?" Utal kong sabi, ayaw mag digest sa utak ko.

"Oo," ngumiti siya sa akin.

Feeling ko biglang nag blur yung background, yung siya lang yung nakikita ko, yung ngiting maganda niya lang yung nahahagip ng mata ko.

Parang nagkaroon ng sariling utak ang katawan ko, hinila ko siya at niyakap. Sobrang saya ko.

No words can describe how fvcking happy I am today. May 12, 2017. Siguro magiging siya yon sa unforgettable date ko.

Tinugon niya ang yakap ko, tumulo bigla ang luha ko, sheet of paper, ang bakla ko pero sobrang saya ko.

"I can't promise you, but I will do everything to not hurt you," I said as I kissed her on the forehead.

"Thank you for giving me a chance, Therese. You don't know how happy I am. I love you," I said once more.

--

Therese's Point of View

Tumingin ako sa labas ng bintana. He's mine now. Alex is mine. I smiled. Sana hindi ko pagsisihan.

"Therese?"

Tinignan ko siya, "Yeah?"

"What's our callsign?"

"Callsign?"

"Yeah."

"Para saan? Kailangan ba talaga yun?"

"Wala, gusto ko lang."

"Hmm."

"Ako na mag iisip."

"Okay."

"Honey?"

"Eww."

"Baby?"

"Kadiri."

"Babe?"

"Common."

"Beb?"

"Yuck."

"Love?"

"Hmm."

"You like love?" Tanong niya sa akin.

"Hm, okay, let's go with love," I smiled.

"Uh, love?" Tawag niya sa aking muli.

Tinignan niya ako, magsasalita na sana siya ng manlaki ang mga mata ko.

"SHIT! ALEEEX!"

"Ano yon, Love?" Tanong niya.

"TRUCCCKKKK!!"

Lumingon siya sa gilid niya, nanlalaki ang mata, bago sumalpok ay niyakap niya ako as he says something.

"I love you, Love."

And everything went black.

--

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko, puti. Puro puti ang nakikita ko. Inilibot ko ang mata ko at nagulat nang mapagtantong nasa hospital pala ako.

Bigla kong naalala si Alex, aksidente.

"Anak--"

"Mama? Papa? Asan si Alex? Okay lang ba siya?"

"Anak, anong nararamdaman mo?" Tanong ni Papa habang si Mama ay tumatawag ng nurse para ipaalam na gising na ako.

"Papa, asan si Alex? Okay lang ba siya?" Tanong kong muli dahil baka hindi nila marinig.

"May masakit ba sa'yo anak?" Tanong naman ni Mama sa akin.

"Okay lang po ako, asan po si Alex?" Tanong kong muli.

"Mama? Papa? Asan po siya? Gusto ko po siya makita," sambit ko. Nanatili silang tahimik kaya binalot ako ng kaba.

"Ma?" Hindi ako tumigil at tinanong ko siyang muli.

"Anak, na-comatose ka for 1 week, mabuti at nagising ka, isang napakalaking truck ang nakabangga sa inyo, hindi nakaligtas si Alex dahil pinrotektahan ka niya. Tinupad niya ang pangako niya sa akin, inalagaan ka niya." Paliwanag ni Mama.

Huminto ang lahat ng senses ko. Hindi ako makagalaw. Hindi.

"Ha? Hindi pwede, Ma. Hindi pa siya patay, baka naman iba yong nakita niyo?" Nagsimulang tumulo ang luha ko.

"Wala na siya anak, wala na si Alex, isa pa ngang himala na nabuhay ka dahil malaki talaga ang nakabangga sa inyo. Dead on arrival na si Alex pero ikaw, na-coma ka," saad naman ni Papa.

"Hindi! Ano ba kayo?! Buhay pa si Alex! Buhay pa! Asan siya?! Gusto ko siyang makita!" Nagsimulang kumabog nang napakalakas ang dibdib ko.

Hindi. Hindi pwedeng patay na siya. Kasasagot ko lang sa kanya, magcecelebrate pa kami ng monthsarry, ng anniversarry. Hindi. Hindi talaga pwede.

"A-anak, kumalma ka lang, kakagising mo lang," sinubukan akong pakalmahin ni Mama pero patuloy akong nagwala.

"Dapat hindi na lang ako nagising! Gusto kong kasama si Alex! Gusto ko...gustong gusto ko siyang...kasama...Mama, g-gusto k-ko," I breathe in for air.

Feeling ko kinakapos ako ng hangin. Hindiii! Kailangan kong makita si Alex, buhay pa siya. Buhay pa. Oo, tama, buhay pa siya.

"Anak, anak, alam kong masakit pero kailangan mong kayanin."

Yun ang mga huling narinig ko bago may pumasok na nurse at tinurukan ako ng kung ano. Unti unting nakatulog ako.

"Alex..."

--

Tumulo ng tumulo ang luha ko ng makita ang puntod ni Alex, 3 days na matapos kong malaman ang nangyari, kalalabas ko lang ng ospital.

Kasama ko sila Mama at Papa.

"Iwan na muna kita, Anak," narinig kong sabi ni Mama.

"A-alex," huminga akong muli dahil feeling ko mauubusan ako ng hangin.

Parang gripo yung mga mata ko.

"Alex, hindi nga ako nasaktan physically...pero sobrang sakit emotionally..bakit mo ko iniwan? Ang sakit sakit...sana sinama mo nalang ako..s-sana kasama kita ngayon dyan sa langit..L-love, kakasagot k-ko lang sayo ah...b-bakit naman i-iniwan mo ako agad?"

Lumanghap akong muli ng hangin, ang sakit isipin. Ang sakit sakit sakit.

"I-I love you, L-love."

--

Author's Note:

Sorryyyy, di ako marunong gumawa ng scenes na nakakaiyaaaak, huhu. Sensia. Goodbye, Alex. NEXT UPDATE: EPILOUGEEEE!

Vote. Comment. Share.

Facebook: Cassandra Joy Mapanao

Load. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon