Load-Chapter 8

140 14 0
                                        

  Therese's Point of View

Alas dos ng maalala ko ang meet up namin nila Kate at Alex. Agad akong nag-ayos at namili ng susuotin.

"Wala na akong mga pantalon?" Tanong ko sa sarili ko habang naghahalungkat ng damit sa closet ko.

No choice ako kundi gamitin ang pinakamahabang dress na meron ako. I used to love dresses but know I hate it. Bakit? Nakadress kasi ako nung time na umiyak ako sa harap ng isang gagong lalaking nagngangalang Jake.

Iniling ko na lang ang ulo ko ng maalala ko nanaman siya. Ang mga taong kagaya niya ay dapat binabaon na sa limot, mas maganda nga kung ibabaon mo sa lupa pero baka mahuli pa ako ang ending eh kulong ako.

Since naligo na ako kaninang umaga ay nag-ayos nalang ako kaagad. Nakasuot ako ng Floral dress na may design na sunflowers, medyo laglag sa balikat ko dahil yun yung style niya.

Dahil ayoko ng heels ay napagpasyahan kong mag flats. May komportable kasi tsaka masakit sa paa ang heels.

Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko at nagpulbo nalang tsaka liptint. Matapos ng ilang minutong pagaayos ay bumaba na ako ng hagdan.

"Ma, pupunta lang po akong Park, kasama ko po sina Kate tsaka si Alex," paalam ko kay Mama na nagwawalis.

"Oh, mabuti yan at nagkakasundo kayo. Sige, wag kang masyadong papagabi ah?" Sagot ni Mama sabay beso sa akin.

"Opo, Ma," saad ko bago tuluyang umalis.

—  

  Narito ako ngayon sa swing ng playground kung saan ko nakilala si Kate. Tinext ko na rin si Alex kung nasaan ako at sa tingin ko ay papunta na iyon.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng batang sumisigaw.

"Ate Thereseee!"

Napalingon ako at napatayo ng swing. Ngumiti ako kay Kate na agad lumapit sa akin habang hila hila ang kapatid niyang nakatitig lang sa akin.

"Hi, Kate! Hi, Alex!" Bati ko sabay kaway sa kanilang dalawa.

"Hoy, kuya, matunaw si Ate Therese nyan!" Sigaw ni Kate kay Alex na siyang ikinatawa ko.



Alex's Point of View


"Hoy, kuya, matunaw si Ate Therese nyan!"

Nabalik ako sa wisyo ng sigawan ako ni Kate sabay yugyog ng kamay ko. Natawa naman si Therese kaya napayuko ako. Shemay, ang ganda kasi eh.

"So, saan tayo?" Tanong ni Therese habang nakatingin sa aming dalawa ng kapatid ko.

"Ate, Kuya, may nakita akong turo-turo doon malapit sa labasan, bili tayo!" Aya agad ni Kate.

Tumango nalang si Therese. Ngumiti ng malapad si Kate at nauna sa paglalakad. Magkatabi kaming naglalakad ni Therese.

"Alex, okay ka lang ba?" Nagulat ako sa tanong ni Therese kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Ah, oo naman, mas okay pa sa okay," sabi ko sabay ngiti.

"Namumula ka kasi eh," puna niya pa kaya napakamot nalang ako sa leeg ko.

Nyemas, masyado akong transparent. Huhu.

"Wala 'to," saad ko na lamang.

"Kuya, 10 piso pong fishball," napalingon ako at nasa harap na pala namin si Manong na nagtitinda ng turo-turo.

  "Ah, Therese, ano gusto mo? Libre kita," sambit ko sabay tingin kay Therese.

"Hala, huwag na," tanggi niya naman.

"Okay lang, dali na," pilit ko pa kaya naman napangiti si Therese.

"10 pisong fishball rin." 



Nakaupo kami ngayon sa isang bench habang kumakain, nasa tapat kami ng isang skating rink. Marunong kaming dalawa nyan ni Kate pero hindi yata kami marunong sa yelo.

"Skate tayo?" Wala sa sarili kong pag aaya sa kanilang dalawa na busy rin sa pagkain.

"Yaaah, sige kuya!" Gaya ng inaasahan ay pumayag agad si Kate.

"Hindi ako marunong, eh. Kayo nalang," saad ni Therese.

"Tuturuan ka ni Kuya. Sama ka na ateeee," pagpupumilit ni Kate kay Therese.

"Hmm," tila nag isip saglit si Therese ng kanyang final decision.

"Okay!"

"Yeeeheeeeyy!"

Tapos na rin kaming kumain kaya naman nagsimula na kaming maglakad patungo sa Skating Rink. Pabilog siya and then merong fountain sa gitna. Closed siya tapos sa loob nun meron ring mga nagtitinda ng mga pagkain.

Pagkapasok ay dumeretso kami sa kuhaan ng skates. Mura lang siya, 50 pesos per hour. Since nakamedyas ako ay hindi na ako bumili ng medyas. Pero itong si Kate at Therese kinailangan pang bumili. Ako na ang sumagot sa medyas ni Kate dahil kukulangin raw ang pera niya.

Kailangan kasing nakamedyas ka eh. Nang makapagsuot ng skates ay tumayo na kami ni Kate, habang si Therese ay nanatiling nakaupo.

"Kuya, ikot ikot lang ako, hehe," sabi ni Kate tsaka nagwave at lumayo sa amin.

Iniabot ko ang kamay ko kay Therese para tulungan siyang tumayo. Ngumiti naman siya at tinanggap ito.



"Wow, marunong ka na, Ate?"

Nakasunod na ngayon sa amin si Kate habang nagsskates kami ni Therese.

"Fast learner siya eh, naka-ilang bagsak nga lang," natatawa kong sabi.

"Cheee! Paano bigla bigla mo nalang ako binibitiwang kupal ka," sambit naman ni Therese.

"Hahahaha! You're welcome," saad ko na lamang.

Sa loob ng isang oras ay natuto siya. Nag extend kami ng oras at may 20 minutes nalang bago ang pagsosoli ng skates.

Sa loob ng isang oras na yon ay masasabi kong naging komportable na kami sa isa't isa. Nawala na yung hiya namin at parang ang tagal tagal na naming magkakilala.

"Ay tokwa!"

Kamuntikan ng matumba si Therese ng bigla siyang ma out of balance pero buti nalang at nasalo ko siya.

"Ingat, bopols ka pa naman minsan," pang aasar ko kaya agad niya akong binitawan.

"Che!"

Natapos ang huling bente minuto at kasalukuyan kaming kumakain ng burger. Nasa loob pa rin kami ng skating rink at nanonood sa mga nagsskate.

"Oh, 8 na sakin," anunsyo ni Kate ng ituro ang lalaking nakasalampak sa skating rink.

Naglalaro kasi kami, padamihan ng makikitang matutumba. Ang parusa? Manlilibre ng ice cream.

"Ops, 10 na ko, hahahaha," sabi ni Therese.

"Waaaa, lugi akoooo!" Kunwaring maktol ko kaya natawa silang dalawa sa akin.


  "Ilan, iho?" Tanong ni Mamang nagtitinda sa dirty ice cream.

Yes, natalo ako. Huhu. Goodbye, money na natira kong allowance.

"3 po, dalawang vanilla tapos isang chocolate," sagot ko naman at nagbigay ng bayad.

Nang matapos ay kinuha ko na ang ice cream. Alas singko na rin kaya naman napagpasyahan na naming umuwi habang kumakain ng ice cream.

"Sarap, lalo na kapag libre, 'no, Kate?" Pang aasar na tanong ni Therese.

"Yeaaah!"

Nag apir pa ang dalawa at nagtawanan. Maya maya ay nakarating na rin kami sa tapat ng mga bahay namin.

"Bye, guys!"

"Byeee!"

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan namin si Mama na nagluluto. Binati lang namin siya at umakyat na ng kwarto para makapag bihis.

*bzzt!*

From: Therese
Thank you for today. Nag enjoy ako.


Napangiti nalang ako at bumaba na.



Author's Note:

Medyo mahaba kesa sa normal kong updates, hoho.

Vote. Comment. Share

Facebook: Cassandra Joy Mapanao
  

Load. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon