Load-Chapter 17

109 8 0
                                    

Therese's Point of View

Sabado ng umaga. Medyo napagod ako dun sa ginawa naming date together. Bumagon ako ng may ngiti sa labi. Ginawa ko na ang morning rituals ko at pagkatapos ay bumaba na ako para sa almusal.

"Good morning, Ma, Pa," bati ko ng may ngiti sa labi.

"Hmm, ang blooming mo ngayon anak ha?" Puna ni Papa sa akin habang tinutulungan si Mama na maghain.

Naglakad na ako patungong kusina, "Maganda lang gising ko, Pa."

"Parang dati lang nagmumukmok ka pa dahil kay Jake," natatawang sambit ni Mama.

"Mama naman, pinaalala mo pa yung bwisit kong ex," saad ko nalang.

"Bakit nga pala kayo naghiwalay?" Tanong ni Papa sa akin.

"May ka-forever na po siyang iba, Pa," I bitterly answered.

"Oh," yun na lamang ang tanging nasabi ni Papa.

Nagsimula na kaming kumain. Namiss ko to. Namiss ko yung salo salo kami sa pagkain.

--

Matapos ang almusal, ako ang naghugas ng pinagkainan, naglinis na rin ako ng bahay at saka ako umakyat sa kwarto. Kinuha ko ang laptop ko at dumeretso sa kama, mas komportable kasi rito.

Nang mabuksan ay agad akong pumunta sa story ko at nagsimulang mag tipa para sa panibagong update.

*ting* (ringtone niya yan, sorry amans, ala ako maisip eh)

Kinuha ko ang phone ko at binasa ang mensahe.

From: Alex

Good Morning, Future Girlfriend.

Napangiti ako at agad akong nagreply.

To: Alex

Good Morning din.

Sent!

Inilapag ko ang cellphone ko at muling humarap sa laptop. Mag tatype na sana ako nang biglang mag ring ang cellphone ko.

*krrriiiingggg krrriiiiinggg*

"Hello, Future Girlfriend."

"Yeah, hello. Bakit ka napatawag?"

"Wala, namiss ko lang boses mo."

"Oh, narinig mo na, pwede ko na bang ibaba?"

"YAAAH, may ginagawa ka ba?"

"Nag susulat ako, Mister Mahangin."

"Psh. Punta sana tayong Enchanted Kingdom eh."

"Enchanted Kingdom? Hmm, when?"

"Ngayon sana."

"Okay, I'm up."

"Weh?"

"Yeah, pero mamaya maya na, tatapusin ko lang 'to. Mga 10am ganun."

"Okay, sunduin kita."

"Kala mo naman talaga magkalayo ang bahay natin."

"Hahaha! Basta, susunduin kita."

"Okay, okay."

"Okay, bye. I love you."

*toooot tooooot toooot*

Napangiti naman ako at nagsimula na muling mag tipa.

--

Matapos ang isang oras ay nakatapos na rin ako sa wakas ng dalawang chapter. 10:01am na rin kaya minabuti kong mag ayos na tutal nakaligo na ako.

Load. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon