Therese's Point of View
Abala ako sa paglilinis ng Ref ng biglang magsalita si Mama.
"Anak, oo nga pala, ibalik mo ito kay Mars," sabay abot sa akin ng dalawang sinulid. Yung malaki.
Tinigil ko muna ang pagpupunas at saka kinuha iyon mula sa table at umalis na.
Nang makarating ako sa pinto ay sakto palang nandun si Alex sa tindahan, mas nauuna kasi yung tindahan nila bago yung mismong bahay. Nakakapagtaka. May kaya na sila so bakit pa magtitinda?
Lumapit na lang ako sa tindahan.
"Alex?" Agaw pansin ko sa kaniya. Gusto ko na rin kasi matapos maglinis kasi gusto ko na maligo.
"Ay, maganda!!" Napapitlag siya sa kinauupuan at agad na napatingin sa akin.
Wala pang ilang segundo siyang nakatingin sa akin ay yumuko na siya agad at napakamot sa batok.
"Uh, pinapabigay ni Mama, ibalik ko raw sa Mama mo," I smiled at inilapag ang dalawang malaking sinulid sa tindahan.
Hindi pa rin siya sumasagot kaya naman nagpaalam na ako.
"Ah, sige Alex, una nako," paalam ko at nagsimula ng maglakad palayo.
"Therese!!"
Lumingon naman ako ng marinig kong tinawag niya ako.
"Bakit?" Lumapit ako dahil nasa gitna na ako ng kalsada, baka mamaya masagasaan pa ako dito eh.
"Uhh, ano," tila nahihiya pa siya habang nakayuko.
"Hmm?" Hinintay ko ang sasabihin niya. Nasa tapat kami ng bahay nila.
"Kasi--"
"ALEEEEXXX!! HALIKA RITO!" Naputol ang sasabihin niya ng marinig naming pareho ang sigaw ng kaniyang ina sa loob ng bahay.
"Sige po, Mama!!" Sigaw pabalik ni Alex ng nakatalikod sa akin.
Humarap siyang muli.
"Sa text mo nalang sabihin, mauuna na ako," muling paalam ko at tuluyan na ngang umalis at pumasok ng bahay.
--
Alex's Point of View
Nakaupo ako ngayon sa salas, sa hindi malamang dahilan ay sumama ang pakiramdam ni Kate.
"Kuya?"
Tumingin ako kay Kate na nakahiga ngayon sa lap ko habang ako ay nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
"Gusto mo ba si Ate Therese?"
Napantig naman yung tenga ko sa biglang sinabi ni Kate. Tinignan ko lang siya at ngumiti.
"Secret," sabi ko at saka tinakpan ang mga mata niya.
Nainis naman siya kaya agad niya itong tinanggal.
"Waaa, seryoso naman ako Kuya ih!" Tanong niya gamit ang hindi-ko-maclassify-tone niya.
"Kate? Umakyat ka na ng kwarto mo, may ipapagawa ako sa kuya mo eh," utos ni Mama na mula sa kusina.
"Oh, tayo ka na raw dyan," sabi ko sabay tampal ng mahina sa noo niya.
Tumayo naman siya at saka ako pabirong hinampas. Bago pa siya makaakyat ay tinignan niya muna ako.
"Bully!" Sigaw niya pa kaya tumawa na lamang ako.
--
"Aish," nanatili lang akong nakahiga at nakapirmi sa kama ko.
Kakatapos lang ng hapunan, oo, hapunan, OA kasi sa fast forward si Author niyong lutang ang utak.
Anyways, bored na bored ako. Binuksan ko na yung TV kani-kanina lang at wala manlang magandang mapanood, sinubukan ko na rin manood ng sine pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko maintindihan. Para bang lumulutang ang isip ko sa kung saan.
Bwisit naman oh.
Kinuha ko nalang ang phone ko tsaka ako nagbrowse ng social medias katulad ng Facebook, Twitter, Instagram pati Friendster ko chineck ko na rin pero wala, ni hindi manlang naalis ang boredom ko.
Inis akong napatayo at tinignan ang oras. 8:06pm.
Tumayo ako at pumunta sa cabinet ko, kinuha ko ang jacket na unang nahagip ng mga mata ko at sinuot ito. Lumabas ako ng bahay at tyempo namang maagang natulog sila Mama at Kate, siguro napagod kanina. Bakit?
Flashback:
Pumasok ako sa bahay matapos akong iwan ni Therese sa tapat ng bahay namin.
"Bakit po, Ma?" Tanong ko ng makapasok ako sa front door.
Hindi ko sila makita sa kusina, living room, sa mga kwarto nila at sa CR.
"Ma!" Nakalimutan kong medyo bungol nga pala si Mama.
"Nasa bakuran kami, Nak!" Sigaw ni Mama mula sa kung saan.
Agad akong pumunta sa bakuran sa likod ng bahay, nandun si Mama at si Kate at busy sa pagbubukas ng mga pakete ng seeds, mukhang magtatanim kami ah.
End of Flashback
Kaya siguro maaga ang tulog nila. Naisipan kong pumunta sa bakuran, meron kasing upuan dun na nabebend, ang ganda nga eh, parang pwedeng pang stargazing.
Tumungo ako sa Bakuran at hinanap ang upuan, nang makita ay kinuha ko ito at umupo, inadjust ko yung upuan sa gusto ko at tumitig sa Stars.
"Ang ganda," banggit ko ng tinitigan ko ang stars.
Dati, noong kasama pa namin si Papa, mahilig kaming mag stargazing, eto yung hilig naming dalawa. Nakakamiss lang.
"Pa, miss na kita," paglalahad ko habang patuloy na nakatingin sa mga bituin.
"Sayang, hindi mo nayakap si Kate," dagdag ko pa.
"Lagi ka niyang tinatanong sa akin pero konti lang ang nasasabi ko sa kanya. 6 years lang kasi tayong nagkasama," nagsimulang tumulo ang luha ko ng maalala ko yung trahedya.
Flashback
"Hello?...Ano?" Napatingin ako kay Mama ng biglang kumalabog ang telepono.
"Mama?" Tawag ko pero nakita ko ang pagtulo ng luha niya.
Kabuwanan na niya at ako ay isang 12 years old na gwapong nilalang na ako. Napaupo siya sahig at tuloy tuloy na tumulo ang luha niya.
"Ma? Ma, bakit po? Ma, baka maipit mo po si Baby Kate," sabi ko at lumapit sa kaniya.
Patuloy siya sa pag iyak at paghagulgol sa sahig. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya niyakap ko na lang siya at pinatahan.
"Sino po nang away sayo, Mama? Dali, sumbong natin kay Papa," sabi ko.
"Victor..." yun lang ang tanging nabanggit ni Mama.
End of Flashback
Noong araw na yun, nung nalaman kong wala na si Papa, umiyak ako ng todo. Sabay kami ni Mama na nagiyakan. Muntik pa ngang makunan si Mama dahil nastress siya masyado sa pagkawala ni Papa. Pero nagulat na lang ako dahil isang araw, okay na si Mama. Kumakain na siya, inaalagaan niya na sarili niya at ako.
"Papa, miss na miss na miss na kita."
—
Author's Note:
So, ayan, medyo naliwanagan na tayo sa buhay ni Alex. Hoho. Medyo lame, sorry.
Vote. Comment. Share.
Facebook: Cassandra Joy Mapanao
BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Krótkie OpowiadaniaCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.