Alex's Point of View
"Ah, hehe, ako nga po, Sir," sabi ko nalang habang naiilang.
"Hmm, ilang taon ka na?" Nagsimula ang tanungan.
Pinaupo niya ako sa isang sofa kaya naman umupo nalang ako.
"18 po."
"Kelan mo nakilala ang anak ko?"
"Last week po yata?"
"Last week?"
"Kakakilala lang po namin, Sir."
"Kakakilala niyo palang and nililigawan mo na siya? Are you sure you love my daughter? Or baka naman crush mo lang siya?"
"I do love your daughter, Ser. I fell inlove with her easily but I know I fell deep. And gagawin ko po lahat para makuha ang loob niyo."
"No need."
Hindi ko alam pero kumabog ang dibdib ko pagkarinig ng 'no need'. Baka kasi ma-busted ako ng Papa niya.
"Pumapayag na ako."
Nahinto ako. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Pumapayag na siyang ligawan ko ang anak niya.
"Salamat po Sir," ngumiti akong muli atsaka nag-bow ng kaunti.
"From now on, call me Tito, hijo," sambit niya at nginitian ako.
"Sige po, Tito. Pwede po ba kaming lumabas?" Magalang kong tanong kay Tito.
"Sige. Gigisingin ko lang siya, puyat yata kagabi eh," sabi ni Tito at saka tumayo at tinungo ang hagdan.
Naghintay ako sa baba.
--
Therese's Point of View
"Anak?"
Nagising ako nang biglang tumama sa mata ko ang liwanag. Napadilat ako at nakita ko si Papa na binuksan ang mga bintana.
"Papa?"
Ngumiti siya sa akin at lumapit sa kama ko. Umupo siya rito. Kaya bumangon ako at ngayon ay nakaupo na rin.
"Approve sakin ang manliligaw mo," anunsyo niya.
Ngayon ko lang naalala na ngayon nga pala ang meet nila ni Papa. Hindi ko alam pero napangiti ako.
"Tell me honestly, do you love him already?" Tanong ni Papa habang nakatingin sa mga mata ko.
Actually, hindi ko alam kung mahal ko na siya. Oo, kinikilig ako pero big word ang "mahal" or "love" so kailangang pag isipan ito ng mabuti. Ayoko kasing sabihin kong mahal ko siya tapos gusto ko palang pala. I'm not yet sure pero..
"I like him, Papa," ngumiti ako.
"Hmm, he sure loves you. Grabe yung determination niya kanina," puna niya sabay pat sa buhok ko.
"Mag ayos ka na, magdadate kayo ngayon," anunsyo niya.
Tumango lang ako kaya naman umalis na siya. Nagsimula na akong mag ayos ng mabilis. Toothbrush. Ligo. Pili damit. Suklay. Pulbo. Liptint and voila, I'm ready!
Nakasuot ako ngayon ng off shoulder at ripped jeans. Inilugay ko lang ang buhok ko.
Bumaba na ako at nakita ko naman si Alex na nakaupo sa couch. Tumayo siya at lumapit sa akin. Umaga palang kaya fresh ang siraulo, mukhang ang saya niya pa nga eh. Siguro dahil inaprubahan na ni Papa ang pangliligaw niya.
"Yo, Future Girlfriend," ngumiti pa siya sabay wave ng konti.
"Mukha kang timang," sabi ko nalang. Mukhang timang pero cute.
Wait...did I just say cute? The fudge?
"Gwapo naman," sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Wag ka ngang mahangin," sambit ko habang naka poker face.
Lumabas na kami pero bago tuluyang maglakad ay narinig namin si Papa na nagbilin.
"Hanggang tanghalian lang kayo ah?" Saad ni Papa.
"Opo, Tito," Alex said sabay salute kay Papa.
Tumango lang si Papa atsaka pumasok na sa bahay. Nagsimula na kaming maglakad.
"Saan tayo?" I asked him.
"Hmm, how about let's watch a movie?" He suggested.
Napaisip naman ako at tumango.
Nag-para kami ng taxi at sinabi ang gusto naming puntahan.
--
Narito na kami sa sinehan, namimili na ako ng mapapanood namin.
"Eto nalang, yung kela Pia at Gerald," turo ko doon.
Tumango lang siya at hinatak ako para bumili ng popcorn. Halata namang may crush sa kaniya si ateng nasa counter kaya't parang nagkaroon ng sariling buhay ang mga kilay ko at napataas ito.
Matapos ang ilang minuto ay pumasok na kami sa sinehan. Medyo maraming tao pero hindi naman puno.
"You're so cute when you're jelous."
Napatingin naman ako kay Alex at tinaasan siya ng kilay.
"Jelous?"
"Yeah, sus, selosa naman ng Future Girlfriend ko! Don't worry, sayo lang ako." Kumindat pa si siraulo.
"Ambisyoso, hindi ako nagseselos, Mister Mahangin," sabi ko sabay irap, hindi ako sure kung nakita niya yun dahil madilim.
Nagsimula na ang movie kaya dumukot ako sa popcorn.
"Sus, hindi daw eh kung makatingin ka dun kay Miss eh halos patayin mo na," natatawa nitong sambit pero mahina lang.
"Hibang ka ba, ha? Anong tinira mong drugs? Hindi-ako-nag-se-se-los, okay?" Diniinan ko pa bawat syllables ng NAGSESELOS.
"Hindi daw, kaya pala kasing taas na ng Mount Everest yung kilay mo kanina," sumbat niyang muli.
"Tss, whatever."
—
Matapos ang isang buong movie ay napagpasyahan naming mag karaoke. Wala lang.
"Ano bang magandang kanta?" Tanong ko habang nakatingin sa songbook.
Hindi panget yung boses ko pero hindi ko rin masasabing maganda. Ewan, basta yung medyo okay, I guess?
"Ikaw, maganda, pero hindi ka kanta," banat ni Alex.
Ngumiwi naman ako.
"Wala akong limang piso ngayon, Mister Mahangin," sambit ko nalang.
Nang makapili ng kanta ay priness ko agad ang number nito. Nag-hintay lang ako sandali at nagsimula na ito.
—
Alex's Point of View
Tinitigan ko lang ang likod ni Therese habang kumakanta siya. Hindi pangit ang boses niya, okay lang sa tenga.
"But there's a hope that's waiting for you in the dark, you should know you're beautiful just the way you are, and you don't have to change a thing the world can change it's heart. No scars to your beautiful, we're stars and we're beautiful!" Kanta nito.
"You really are beautiful." I smiled as I said those words.
—
Author's Note:
Oops, last update for today. Baka ubos na yung load bukas but I'll try to update tomorrow. Hehe. Till next update!
Vote. Comment. Share.
Facebook: Cassandra Joy Mapanao
![](https://img.wattpad.com/cover/144617297-288-k997133.jpg)
BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Short StoryCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.