Therese's Point of View
"Ma, punta muna akong park," paalam ko kay Mama na kasalukuyang nanonood ng paborito niyang teleserye.
"Sige, wag kang late umuwi ah?" Bilin niya kaya tumango na lang ako.
Lumabas na ako at pumunta sa Park. Sobrang bored ko na kasi sa bahay. Tsaka ang tagal ko na ring hindi nakakalabas. Bwisit na Jake. Minahal ko ng totoo tapos ang gago, niloko lang ako.
Flashback:
"Babe, ibreak mo na kasi 'yang Therese na yan!" Rinig kong sabi ng isang babae.
"Oo, mamaya, sawa na rin kasi ako dun. Nakakainis kasi siya, masyadong mahigpit," napanganga ako ng marinig ang boses ni Jake.
Lumabas ako mula sa pinagtataguan at tinignan sila ng matalim. Tumawa ako.
"Hahahahahahahahaha! Well, well, well. Tignan mo nga naman, bagay na bagay kayo ah?" Sarkastiko kong sabi habang pinipigilan ang luha ko.
Hindi deserve ng gagong ito ang luha ko. Hinding hindi.
"Isang basura at isang malanding basurera. Perfect couple," I smiled pero tuluyan ng tumulo ang luha ko.
Nanatili akong nakangiti habang pinupunasan ang pisngi ko dahil nagsunod sunod na ang luha ko.
"Hi, Bitch, masaya ka na ba? Ikaw, Jake? Masaya ka na ba? Kasi ngayon, wala ng ako. Wala ng ako na maghihigpit sayo at wala ng ako na magiging balakid sa p*tangina niyong relasyon. Masaya na ba kayo?" Dagdag ko pa.
Patuloy ang pagluha ko kaya naman halos gusto kong sampalin ang sarili ko. Kakasabi ko lang na hindi dapat ako umiiyak para sa gagong to pero tinatraydor ako ng mga mata ko.
"Sige. Mauuna na ako. Malaya ka na, Jake," sabi ko bago ako tumalikod at naglakad paalis.
End of flashback
"Ate? Okay lang po ba kayo?"
Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang isang boses ng batang babae. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Punyemas, iniiyakan ko nanaman ang gagong yun.
"Ah, oo, okay lang ako," pinunasan ko ang luha ko at hinarap ang batang babae saka ngumiti.
"Wooow, ate, ang ganda mo naman po," tila nagningning ang mga mata niya ng makita ako.
Kahit anong ganda naman, nakukuha pa ring ipagpalit.
"Hahaha! Nako, sigurado ako, kapag lumaki ka na, magiging mas maganda ka pa sa akin," ngumiti akong muli sa batang babae.
"Talaga po? Waa," sabi niya.
"Teka, naliligaw ka ba?" Tanong ko ng mapansing wala siyang kasama.
"Waaah, si Kuya nga pala," naiiyak na sabi niya.
"Nawawala ka nga," I said.
"Teka, ano bang itsura ng Kuya mo?" I asks her.
Tumingala siya sa akin bago sumagot, "Pogi po siya," sagot niya.
Hindi ko napigilang mapatawa.
"Yun po kasi lagi niyang sinasabi," sabi niyang muli.
Tumayo ako at hinawakan siya at sinabing, "Halika, hanapin na natin ang pogi mong kuya, baka nandito lang yun sa tabi tabi."
--
"Waa, nagugutom na po ako," reklamo niya sabay hawak sa tyan niya.
Mag iisang oras na simula ng maghanap kami. Malaki kasi itong park at maraming tao kaya mahirap maghanap.
"Halika, punta muna tayo saamin? Kain muna tayo," niyaya ko siya at agad naman siyang tumango.
Nagsimula na kaming maglakad pauwi sa bahay. Siguro naman papayagan ni Mama na kumain doon si Kate. Mabait naman si Mama eh.
--
Alex's Point of View
Sinabunutan ko ang sarili ko habang patuloy na naghahanap.
"Ang tanga mo, Aleeeeex!" Inis na sabi ko sa sarili ko.
Mukha na akong tanga dito pero who cares? Tae. Mapapatay ako ni Mama kapag nalaman niya 'to.
Nawawala kasi si Kate. Bwisit na mga babae kasing yan.
Flashback
"Waaaa, kuya, gusto ko ng ballons!" Turo ni Kate sa manong na nagtitinda ng lobo.
"Sige. Eto oh bumili ka, bilisan mo ah, dito lang ako," I smiled saka siya inabutan ng 20 pesos.
Umalis siyang tumatalon talon pa. Tinignan ko lang siya ng may humarang. Nakita ko ang tatlong babae na namumula.
"Eeeehhh, oemjiiii! Tara kuyyaaaaaaa!!" Bigla niya akong hinila sa kung saan.
"Teka, teka, teka miss! Yung kapatid ko!" Sigaw ko pero mas malakas ang mga tili nila.
Bigla silang naglabas ng phone at saka nagselfie kasama ako. Ngumiti ako ng matapos na agad at makabalik ako doon. Nakailang shots na rin kaya natataranta na ako. Malayo na kasi itong narating namin.
Nang matapos, aalis na sana ako kaso hinila muli ako ng babae at sa palagay ko ay pinicturan ako.
Bakit ba kasi ang gwapo ko eh?
Matapos nun ay tumakbo ako agad pabalik pero wala na dun si Kate. Wala na rin si Manong na nagtitinda.
"Sheet of paper," tanging sambit ko nalang.
End of flashback
Bwiiiissssiiiiiittttt!! Ugh.
Tumingin ako sa paligid at napagpasyahan kong umuwi nalang muna. Magpapatulong na ako kay Mama, bahala na, bahala ng mapagalitan. Mas madaling mag hanap kapag may kasama ka.
Naglakad ako paalis. Ilang minuto matapos ang paglalakad ay may nakita akong pamilyar na dalawang babae.
Pink shirt, white shorts at braids.
"KATEE!!" Sigaw ko ng mapagtantong si Kate nga ang bata.
Agad lumingon si Kate at tumakbo papalapit sakin. Niyakap niya ako agad at nagsimulang umiyak.
"Waaaaaah, kuya! Saan ka ba kasi pumunta? Bakit bigla kang nawala? Buti nalang nakita ko si Ate Therese!"
Bigla akong nanigas ng marinig ang pangalan na iyon. Kumalas ako sa yakap ni Kate at tumingala. Tila huminto ang mundo ko habang unti unti akong tumatayo.
Shet. Ang ganda.
Nakasuot siya ng gray shirt at isang short na hindi sobrang ikli, sakto lang. Ngumiti siya sa akin.
"Ah, Ate Therese? Siya po ang Kuya ko, si Kuya Alex."
Balak ko pa sana takpan ang bibig ni Kate pero huli na. Sheeeeett.
Lupa, kainin mo na ako, now na! Don't worry. Masarap ako. >.<
"Alex?" Takang tanong niya.
"HOOOY! KATE! ALEX! UWI NAAAA!"
Tila gusto kong umiyak ng marinig ang sigaw ni Mama. Hinila ko si Kate paalis.
"Salamat uli, ate Thereseee!!" Sigaw pa ni Kate.
Phew! Saved by the bell!
--
Author's Note:
At nagkita na nga po sila. YEEEEEEEY.Vote. Comment. Share.
Facebook: Cassandra Joy Mapanao

BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Cerita PendekCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.