Load-Chapter 10

119 12 0
                                        

Therese's Point of View

"Alam mo, akala ko nung una ang hinhin mo, mataray ka rin pala. Para kang si Kate," saad ni Alex habang naglalakad kami.

"Yeah, maraming nagsasabi na mukha raw akong mahinhin," tatawa tawa kong amin habang umiiling iling.

"Mukha lang," pahabol niya.

Hinampas ko siya sa braso at saka tumawa.

"Whatever, Mister Mahangin," bawi ko sabay irap.

"Oy, hindi ako mahangin."

"Eh ano lang?"

"Honest."

Natahimik kami kaya napagpasyahan kong basagin ang katahimikan.

"Alex?"

"Hmmm?"

"Taga saan ka? I mean, saan kayo nakatira bago lumipat dito?"

"Taga Street Harmonyyyy! Tuuut tuut tuut tututuuut tuut tuuut."

Huminto siya at sumayaw ng budots. Agad akong napatawa dahil mukha siyang tanga. With facial expressions pa yan.

"Mas maganda ka kapag tumatawa ka."

Napatingin ako sa kanya at kinuha ang natitirang limang piso sa bulsa ko. Halata ang pagtataka sa mukha niya ng ibigay ko iyon sa kaniya.

"Para saan ito?" Tanong niya at saka iniangat ng kaunti ang limang piso.

"Bayad ko yan, sa compliment."

Natawa naman siya ng kaunti.

"Baliw," sabi niya. Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin.

"Hindi ako baliw. Ikaw nga yung baliw dyan eh," depensa ko at saka nag cross arms.

"Baliw sayo."

Napatameme ako sa sunod niyang sinabi. Mukhang natauhan rin siya at agad na napayuko habang kamot ang ulo niya.

Tumawa siya bigla kaya natigilan ako at tumingin sa kanya.

"Hahaha, you should have seen your face, ang cute mo pala mag blush. Kinilig ka noh?"

Sinamaan ko siya ng tingin at inismiran. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ilang sandali lang ay natanaw ko na ang bahay namin. Nakasunod pa rin sa akin si Alex.

"Goodnight, Therese!"

Sabi niya bago isinara ang gate ng bahay nila. Tss. Akala ko pa naman...nevermind.

--

Alex's Point of View

Agad akong tumungo sa kama at dumapa. Holy popcorn! Muntikan na ako dun kanina. Buti nalang at mukhang napaniwala ko siya na joke lang yun.

10:45pm na ng gabi pero si Antok, hindi pa rin ako dinadalaw.

Kinuha ko ang cup noodles at tinignan kung luto na ba. Medyo hindi pa kaya ibinalik ko nalang ito sa side table ko.

Napagpasyahan kong mag-facebook muna habang naghihintay.

*scroll down* *scroll up* *like* *comment* *share*

Matapos ang ilang minuto ay tinignan kong muli ang cup noodle at mukhang okay na naman kaya nagsimula na akong kainin ito.

Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv.

"Watdapak!!"

Nabilaukan ako kaya agad kong kinuha ang tubig at ininom. Paano pagkabukas ko, bumungad agad ang isang multo. My ghad! Papaano na makakatulog ang gwapong si ako? Pinatay ko na agad yung Tv dahil baka mamaya may sumulpot nanaman.

Load. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon