Load-Chapter 14

123 10 0
                                    

Alex's Point of View

Bumaba ako matapos kong gawin ang morning rituals ko. Bitbit ko ang cellphone ko. Sumisipol ako habang pababa ng hagdan nang makita ko si Mom at Kate na bihis na bihis.

"Ma? Kate? Saan ang punta niyo?"

Napalingon naman silang dalawa sa akin. Ngumiti si Mama at Kate bago sumagot.

"Salon," maikling sabi ni Mama.

"Girl thing," dugtong pa ni Kate.

"Okay, ingat!" Sabi ko nalang sabay wave.

Umalis na sila pero wala pang ilang minuto ay bumalik si Mama.

"Oh, ikaw na bahala sa tindahan ah?" Bilin ni Mama.

Natawa naman ako at nag-thumbs up nalang. Matapos nun ay umalis na sila nang tuluyan. Binuksan ko ang dvd atsaka namili ng magandang papanoorin. Nang makapili ay agad ko itong isinalang.

Pumunta akong kusina para maghanda ng kakainin pero mukhang hindi na kailangan. Nasa lamesa kasi ang ilang stack ng pancakes. Meron pa ngang note. Siguro akala nila late akong gigising.

Nakalagay sa note na aalis sila. Pero no need na nun dahil naabutan ko naman sila. Kinuha ko ang plato at ang syrup na nasa tabi lang nito. Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang tumbler ng malamig na tubig.

Pumunta na akong salas at sakto naman dahil nagsimula na ang movie.

Isusubo ko na sana ang pancake na hawak hawak ko nang makarinig ako ng boses mula sa labas.

"Pabili,"

Agad kong pinause ang movie at saka tumungo sa labas ng pinto, dumiretso ako sa tindahan.

"Ano po yun?" Tanong ko sa isang matandang lalaki.

"Isang Marlboro lights nga."

Inabutan ko siya agad ng isang stick. Tinanggap ko ang bayad at hinintay siyang makaalis. Nagtaka pa ako nang makitang papunta ito sa gawi nila Therese.

--

Therese's Point of View

"Papa?"

Napalingon sina Mama at Papa sa akin. Nasa hagdan ako nang makita kong naguusap sina Mama at Papa. Hindi ko alam pero naluluha ako.

"Anak..."

Parang may sariling control ang mga mata ko. Tuluyang tumulo ang mga luha ko. Pero naalala ko ang ginawa niya sa amin. Agad ko itong pinunasan.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong.

Parang biglang nag-flashback sa akin lahat ng nangyari simula nung iniwan niya kami. Ang dalamhati ni Mama, ang pananakit sa akin ni Mama dulot ng sobrang sakit, ang araw araw kong pagtatanong sa sarili ko kung bakit kami iniwan ni Papa, ang bawat gabing humihiling ako sa Diyos na bumalik siya, ang bawat gabing pag-iyak ko.

Pero narito siya sa harap ko. Nasa harap ko lang.

Naglakad ako patungo kay Mama at saka siya marahang hinatak.

"Anak, anak sorry," sabi ni Papa.

Nag-init yung dugo ko. Kalahati sa akin ay ang pagkamiss sa kaniya pero ang kalahati ay inis. Naiinis ako.

"Sorry? Sorry, Pa? Alam mo ba ang nangyari nung nawala ka? Tapos ano sa tingin mo? Isang sorry mo lang, okay na? Okay na na iniwan mo kami? Okay na na nasaktan mo kami ng sobra?" Sarkastiko kong pahayag. Ang sakit.

"Itinapon mo kami na parang wala lang, Papa. Tapos babalik ka na parang walang nangyari?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit.

Ako yung labis na naapektuhan. Dati, gustong gusto kong harapin si Mama at sabihing hindi porket iniwan kami ni Papa ay magkakaganon na siya, pero itinago ko yun. Kinimkim ko lahat. Pakiramdam ko ng mga araw na iyon ay bitbit ko ang mundo. I'm so hurt that time. Physically and emotionally.

"Anak, anak sorry. Hindi ko dapat kayo pinagpalit hi--" pinutol ko na ang sinabi niya.

"Pero anong ginawa mo, Papa? Pinagpalit mo pa rin kami, iniwan mo pa rin kami! Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan namin ni Mama," tumulo ang luha ko pero pinunasan ko ito.

Hindi ko maiwasang isumbat sa kaniya lahat kasi ang tagal tagal kong kinimkim lahat ng sakit.

"Anak, babalik na siya sa atin, kasi--"

Gulat akong napatingin kay Mama. Napailing iling ako habang sunod sunod na tumulo ang luha ko. Sunod sunod na para bang gripo.

"A-ano? Ma! Pagkatapos niya tayong iwan, tatanggapin mo siya ng ganun-ganun nalang?! Ganun nalang, Ma?" nag-crack ang boses ko dahil na rin sa pag-iyak.

"Anak, nagkamali lang ak--" pinutol kong muli ang sasabihin ng Ama kong iniwan kami.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko," malamig kong saad.

"Anak, let's just give him one more chance, hindi lang naman ikaw ang nasaktan noon anak," umiiyak na saad ni Mama.

I've reached my point. Humagulgol ako.

"Ma, sobrang nasaktan ako. Sobrang sobra to the point na muntik na akong magpakamatay pero inisip kita, Ma! Nung mga panahong sinasaktan mo ako, nung mga panahong nakikita kitang lasing, nung mga panahong umiiyak ka, nasasaktan rin naman ako Mama. Hindi lang physically kundi pati emotionally. Alam mo bang gabi gabi akong umiiyak, gabi gabi kong tinatanong kung bakit tayo iniwan ni Papa, gabi gabi kong tinitiis yung sakit ng katawan ko. Araw araw kong tinitiis lahat ng sumbat, masasakit na salita, sampal at tadyak mo sakin. Sobra akong nasaktan at nahirapan tapos ngayong nakabangon na tayo at masaya na, tatanggapin mo muli ang lalaking naging dahilan ng lahat?"

Umiiyak ako habang sinasabi ko yun. Naninikip na rin yung dibdib ko. Nalabas ko na, nalabas ko na yung mga hinanakit na kinimkim ko sa loob ng tatlong taon.

Hindi ko na kinaya at umalis ako. Bumalik ako sa kwarto ko at humagulgol sa sulok. You can't blame me. 1 year akong sinaktan ni Mama. 1 year.

Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Alex.

--

Alex's Point of View

*kriiinggg krriiiinggg*

Napatingin ako sa cellphone ko at napangiti nang makitang tumatawag si Therese. Agad ko itong sinagot at hininaan ang volume ng tv.

"Hi, Future Girl--"

"A-alex, alex, p-pwede bang pumunta sa, s-sa bahay niyo?"

Nabalisa ako nang marinig ko ang paghikbi ni Therese.

"Anong nangyayari, Therese? Bakit ka umiiyak?"

"Please...pwede b-ba?"

"Oo naman, susunduin ba kita?"

"H-hindi na. Papunta na ako."

*tooot toooot toooot*

Nag abang ako sa harap ng gate habang hindi mapakali. Maya maya lang ay nakita kong tumatakbo palabas si Therese mula sa bahay nila.

Namumula ang buong mukha niya at umaagos ang luha mula sa kaniyang mga mata.

"Therese, anong nangyari?"

Tanong ko nang makapasok kami sa loob ng bahay. Niyakap niya ako bigla.

"Shh, I may not know what's happening pero magiging maayos rin ang lahat. Ilabas mo muna lahat ng luha mo tapos sabihin mo sa akin kung anong problema, okay?" Sabi ko habang pinapat ang likod niya.

Tumango siya habang patuloy na umiiyak.

--

Author's Note

Nakapag update rin ng mahaba. Jusko dayy! 6 chapters left! Yayks! Im so proud of mah selp!

Vote. Comment. Share.

Facebook: Cassandra Joy Mapanao

Load. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon