Chapter 12: Meet the Elites

3.3K 118 1
                                    

Aleya's Pov,

Andito ako ngayon sa labas ng dorm. Kakagising ko lng kasi, mainit sa loob kaya pumarito muna ako.

"Aleya? kain na tayo" sabi ni Jess. "Ok" sumunod na ako kay Jess papasok. Kumain lang kami tapos naglinis. Naligo na ako kasi may training pa kami diba.

Nagsuot na ako ng uniform. Ay nga pala pinalitan na yung uniform ng school so ito yun plain white turtle neck tshirt w/blue netted tshirt na may logo at light brown skirt. Di ba ang init lng. Tinali ko yung buhok ko into messy bun.

Tsaka ako bumaba pagkatapos kung magbihis. Pagkababa ko nakita ko sila na nakabihis na din. "Gusto ko tong bagong uniform natin ang soft ng netted shirt" sabi ni Shiya. "Yeah right" cool na sabi ni Jess.

"Oh maya na kayo mag talo dyan may training pa tayo tsaka weekend naman ngayun so pati bukas may practice pa ata" sabi ko. "Tapos na kami" sabi nila.

Then lumabas na kami ng dorm at pumunta sa open field na sinabi ni HM.

"Makakasama natin yung mga Ellites" sabi ko. "Ay naku di na ako makapaghintay makita si Shim baby ko" Shiya chirrped.

Nga pala fangirl ni Shim kaya possesed hay naku.

Nakarating na kami at nakita namin si HM na papalapit sa amin. "Buti nakarating na kayo ang mga elites na lang ang hihintayin. Umupo muna kayo doon" sabi ni Hm at tinuro ang mga bato.

"Seriously?" bulong ni Shiya pero rinig ko naman. Pumunta na kami at umupo. Mga ilang minuto lang dumating na ang mga ellites pero ang nakakagulat lang eh...













...Ang mga kaibigan kong si Aquia at Jen.

0.0

Nang makalapit na sila nakita kong nagulat din sila. "A-Aleya?" sabay na tanong ni Aquia at Jen na gulat. "Aquia at Jen? Pano?" naguguluhan na talaga ako.

"Magkakilala kayo?" tanong ni HM. Aquia, Jen at Ako ay tumango. "Saan?" tanong naman nila Jess at Shiya. "Sa mortal world" diretso kong sabi. "Hmm may mission kasi sila dun at yun ay hanapin ka" sabi ni HM.

"Aleya we missed you" sabi nila at niyakap ako. "Namiss ko din kayo Aquia at Jen" sabi ko at kumalas sa pagkayakap.

"So can we start?" tanong ni HM. We all nodd. Nagpuwesto na kami. "Kailangan nating sanayin kung paano niyo makokontrol ang kapangyarihan niyo" sabi ni HM. Pero wala pa naman akong kapangyarihan...

"Ahmm HM eh pano ako wala akong kapangyarihan?" tanong ko. "Lalabas din yan hija kaya nga kayo nagtraining" sabi ni HM.

Alam nyo naman si Van diba? Oo kasali sya sa training kasama itong Rez at Shim ata.

Nagsimula na kami. Bali kahit ano na magic yung ipapalabas namin eh ako naman nahihirapan kasi wla nman akong magic kaya nagsanay muna ako sa sandata ko.

Tinignan ko silang nagsasanay. Kontroladong-kontrolado na talaga nila ang kapangyarihan nila.

"Aish bat ba kasi wala akong magic?" mahina kong sabi. Biglang namanhid ang paa ko at napaupo ako. Mukhang napansin ni HM na nakaupo ako kaya lumapit naman sya.

"Ano nangyari hija?" tanong nya. "Na manhid po ata yung binti ko HM" sabi ko at minasahe ang aking binti.

"Aquia pwede bang tulungan mo kami dito?" sigaw ni HM. Lumapit naman si Aquia. "May problema ba HM?" tanong nya. "Na manhid yung paa ni Aleya, pwede bang gamutin mo?" tanong ni HM. Tumango naman si Aquia at nilapitan ako. Pinatong niya ang kamay niya sa mga paa ko at biglang umilaw. Unti-unting nawawala ang sakit hanggang sa nakatayo ulit ako.

"Thanks Aquia" sabi ko."No probs Bes" sabi nya at lumakad palayo para magsanay ulit. "Okay ka na ba Aleya?" tanong ni HM. Tumango lng ako at nagsanay ulit a akong sandata. "Kung di mo pa alam ang pangalan ng sandata mo Aleya iyan ay 'Sword of Light' pero Skylight Sword ang pinangalan ng Reyna" sabi ni HM at bumalik sa pwesto nya kanina.

Habang  nagsasanay ang lahat sa kanilang mahika at ako naman sa sandata ko ay may biglang sumabog.

Napatigil ang lahat sa pagsasanay at hinanap ang direksyon kung saan sumabog. "Sa mystical forest nanggagaling ang pagsabog" sabi ni Jen. Pinuntahan namin ang mystical forest at hinanap kung saan nagmumula ang pagsabog.

Nang nahanap na namin bigla kaming napatigil at nagulat. "Sino na naman ang may pakana nito?" gulat na tanong ni HM.

Lumapit kami sa lupang halos kainin ng pagsabog. 20 ft ang lalim ng lupa kung saan nagmula ang pagsabog.

"Sh*t ang lalim" sabi ni Rez. May narinig akong kaluskus sa may puno malapit sa akin. Nagtaka ako at lumapit. Hindi naman nila napansin yung presensya ko kaya nakapunta ako ng mabilis.

Sinilip ko ang likod ng puno at nagulat na lang ako sa nangyari. Pinulupot ng lalaki ang kamay nya sa leeg ko at tinutok ang isang dagger.

"S-sino ka?" tanong ko. "Shhh sumama ka lang sakin at hindi kita papatayin" sabi ng lalaking nakatakip ng itim. Sh*t pano nato? Isip Aleya......

Bigla kung sinipa ang alaga nya at napasigaw naman sya sa sakit at nabitawan ako kaya pagkakataon ko nang makatakas.

Lumabas ako sa likod ng puno para humingi ng tulong sa mga kasama ko pero ng makalabas na ako ay wala na akong nakitang anino nila.

"Hoy bumalik ka dito babae ka!" sigaw ng lalaking balak akong patayin. Sumugod sya sakin at agad naman akong nakaiwas ng patamaan ako ng dagger nya.

Sunod-sunod na atake ang ginawa nya at inilagan ko lng. May galos lng ako sa pisngi. Umatake naman sya at di ko yun naramdaman, ng paparating na sya sakin hinarap ko sa kanya ang kamay ko at nagulat na lang ako dahil biglang bumulagta sa sahig ang lalaki. Napansin ko din na umiilaw ang kamay ko ngunit nawala rin ito.

Inulit ko ang ginawa ko sa lalaki, hinarap ko ang kamay ko at nagulat ko sa nangyari.......



May lumabas na ilaw sa kamay ko papunta sa puno at sumabog.

M-may k-kapangyarihan ako?

Di ako makapaniwala sa nangyari. "Aleya!" may narinig akong sumigaw ng pangalan ko at napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ang mga kasama ko papalapit sakin.

"Ano nangyari? Saan ka ba nagpunta? Ok ka lng?" sunud-sunod na tanong nila Aquia, Jen, Shiya at Jess. "Hinay hinay lng walang kalaban. Tsaka nandyan lng ako sa likod ng puno kanina pero paglabas ko wala na kayo." sabi ko. "Sino yang nakahiga sa lupa?" tanong ni Van. "Ang lalaking nagtangkang kumuha sa akin at patayin ako..." sabi ko.

Nilapitan ni Shim at hinawakan ang kamay nito para hanapin ang pulse ng lalaki. "He's dead...." sabi ni Shim. "Teka sa Glaquiro yang damit na yan diba HM?" tanong ni Rez kay HM. "Oo at sya ang 5th ninja ng Glaquiro, si Daimon" sabi ni HM.

"Ikaw ba may gawa nyan Aleya?" tanong ni Jess. Tumango ako. "Paano? eh ninja yan " sabi ni Shiya. "Di ko din alam pero bigla na lang syang natumba ng iharap ko sa kanya ang kamay ko....at biglang umilaw tapos may lumabas na liwanag sa kamay ko..." ani ko.

Nakita ko ang gulat at may halong pag alala sa mata ni HM. "Ang liwanag na yan ay ang kapangyarihan mo. Ikaw ay isang Light elementalist......" sabi ni HM.

Ako? Light Elementalist???

******************************

Sorry ulit late na naman ako ng updated hahaha palagi na lng ako late update so ano ba reaction nyo sa chapter na ito? lame? yeah kakatamad magisip ng pangyayari kaya magbabasa muna si author ng books about fantasy kasi konti pa lng yung alam ko eh.........

Leave likes or comments about this book jebal
Support nyo nalang ako muahh labyah MATLPP readers.

Comment lng kayo kung may idea kayo sa mga chapters ^_^

Magi Academy : The Lost Powerful Princess  (No Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon