Chapter 8: The Past

3.7K 124 2
                                    

Aleya's Pov,

          I woke up early in the morning. And go to the restroom then clean myself. Inaantok pa ako pero di na ako makatulog. Inaayos ko nalang yung kama at pumunta sa labas.

5:24 am palang kaya konti pa ang mga tao ngayon.

Pumunta ako sa Library upang magbasa tungkol sa digmaan noon. Naghanap ako ng naghanap hanggang sa nakita ko ito. Kulay ginto ang pabalat nito at may nakasulat na 'Skylorias Kingdom' . Ito ay libro tungkol sa kaharian ni Princess Zashrille noon bago siya pinanganak.

Kinuha ko ito at binuksan. Pagbukas ko nagulat na lamang ako dahil walang laman ni isang letra ngunit ilang saglit lang ay bigla itong umilaw kaya napatakip ako ng mata sa nakakasilaw na liwanag.

Nawala ang ilaw ilang saglit lamng at muli kung ibinaling ang tingin sa libro. Nagulat ako ng may nakasulat na dito.

'Skylorias Kingdom'

        Ito ay ang kaharian kung saan nakatira si King Ace at Queen Casstriane. Sila ang namumuno sa kahariang ito. Mapayapa at mababait ang mga tao dito ngunit isang digmaan ang naganap at sa kasamaang palad ay buntis si Queen Casstriane kay Prinsesa Zashrille.

        Gustong makuha ni Haring Larius si Prinsesa Zashrille dahil siya ang pinakamalakas sa lahat ng kaharian sa Magic World. Biniyayaan kasi ang Prinsesa Zashrille ng lahat ng elemento sa magic world ng tatlong dyosa. Ang 'Phyra Goddesses', sila ay si Phyrine, Phyrisse at Phyrille.

         Nagdiwang ang kaharian noon pero biglang natigil ito dahil sumabog ang ilang bahagi ng kaharian. Agad na ibinilin ni Queen Casstriane ang prinsesa na itakas ito at dalhin sa mundo ng mga mortal. Matapos ang pangyayaring iyon, di na nakita pa muli sina Haring Ace at Reyna Casstriane.

Inilipat ko ang pahina kung saan may nakasulat na 'The Past' at sinimulan kong banasahin yun.

'The Past'
    
       May dalawang magkapatid na Prinsipe, sina Prince Ace Dairon Hyndrei at Prince Larius Kairon Hyndrei. Itinuring nila ang isa't isa na matalik na magkaibigan. Lagi silang magkasama at nagtutulungan kahit saan.

Isang araw may nakita si Prince Larius na isang magandang Prinsesa, iyon ay si Prinsesa Casstriane Nixxie Mendix. Si Prinsesa Casstriane ay nakatira sa Brytiana Kingdom, kaharian ng mga Light elementalist.

Lihim na niligawan ni Prince Larius si Prinsesa Casstriane. Lagi silang nagkikita sa sekretong lugar. Hanggang sa naging sila. Masaya sila sa kanilang pagsasama pero napalitan ito ng lungkot at galit.

Hindi matanggap ni Prince Larius na ipapakasal si Prinsesa Casstriane kay Prince Ace. Dahil doon, galit na galit ang prinsipe. Pinaglaban ni Prince Larius si Prinsesa Casstriane pero itinakwil siya ng kanyang ama at pinaalis sa palasyo. Hindi na pinaglaban ni Prinsesa Casstriane si Prince Larius dahil pinagbantaan siya na papatayin si Prince Larius kapag hindi sumang-ayon si Prinsesa Casstriane.

Nangibabaw ang galit ni Prince Larius kay Prince Ace dahil di niya inaasahan na magagawa ito ng kapatid niya na itinuri niyang matalik na kaibigan.

Mula noon, sumanib si Prince Larius sa Glaquiro, Kaharian ng Dark elemetalist at kasalukuyang kaaway ng mga kaharian sa Magic World.

Ang namumuno sa kahariang ito ay si King Jyro ang pinsan ni King Thyron, ama ni prince Ace at Larius. Tinuring ni King Jyro si prince Larius na kanyang anak matapos itong itakwil sa sarili nitong pamilya. Nagdaan ang ilang taon at inilipat ni King Jyro kay Prince Larius ang Kaharian nito upang pamumunuan ito hanggang sa susunod na henerasyon.

Nabalitaan ni Haring Larius na ipinanganak na ni Prinsesa Casstriane si Princess Zashrille Khinsley Graey Hyndrei.

Nagplanong maghasik ng lagim si Haring Larius sa kaharian ng Skylorias ng mabalitaan niya iyon. Nilusob nila ang kaharian at walang awang pinatay ang mga tao doon. Nang malaman ni King Larius na nawawala ang prinsesa, kinuha niya ang Hari at Reyna kapalit ng sanggol. Mula noon, di pa din nila alam kung nasaan sina Haring Ace at Queen Casstriane.

Teka Casstriane? Naalala ko bigla ang pangalan na iyon at pumasok sa isipan ko si Brin, Queen Cas, Casstriane at Prinsesa Zashrille.

Napahawak na lamang ako sa bibig aking dahil unti-unti ko nang nalalaman ang mga katotohanan sa mundong ito.

*Kkrrriiiinnnggg *

Biglang nagbell, hudyat na magsisimula na ang klase. Di ko man lang namalayan ang oras at mabilis na lumabas ng library papunta sa silid-aralan.

Nasa harapan na ako ng classroom. I sighed. Detention here I come. Pumasok na ako at tinignan silang lahat. Si Ms. Hailey pala ang teacher ngayon, Science teacher.

Tumigil si Ms. Hailey sa pagsulat. "Why are you late Ms. Taylor?" tanong nya. "Nand---" biglang naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at....WTF?! Si Mr. Yabang LATE?!

"Ms. Taylor and Mr. Fralia go to detention room after class, please take your seats." sabi ni Ms. Hailey.

Malas nga naman. Kasama ko pa si Mr. Yabang don.  =w=

Umupo na ako at nakinig sa klase. Mayamaya lang ay kinalabit ako ni Shiya, seatmates kami.

"Oh?" tipid kung tanong. "Bat ka ba late?" tanong ni Shiya. "Library." tipid kung sagot ulit. "oohkey..." sabi niya at nakinig muli sa klase.

1 hour passed

"Class dissmiss." sabi ni Ms. Hailey. Nagsilabasan na yung mga studyante at naiwan kami ni Mr. Yabang kasama si Ms. Hailey. "You two why are you late?" tanong niya. "Pumunta po ako ng Library." sabi ko. "And you Mr. Fralia?" tanong niya. Tinignan ko ang aking katabi. Wow ah! Nakapamulsa pa at chill lang, parang sanay na malate ang isang 'to. "Sa garden natutulog Ms." sagot niya. "Ok you can go now to detention class." utos niya at lumabas na kami.

Habang naglalakad kaming dalawa biglang may bumato sakin. Leche. Sinong mapangahas na nagbato sakin?! "Sino yun?!" inis kung sigaw. Tinignan ko si Mr. Yabang at sumisipol pa aba't!

"Hoy Mr. Yabang bat ka ba nambabato?  Ano bang problema mo?!" singhal ko. Tumigil siya at tumingin sakin. "What? Wag ka ngang mamintang Miss." sabi niya. Napakuyom ako. "Nagsisinungaling kapa!" sigaw ko. "Hoy wag ka ngang sumigaw, ang lapit lang natin sa isa't isa. Sisigaw ka pa dyan." sabi niya.

"Ba---" naputol na naman ang sasabihin ko. Tinakpan niya kasi ang bibig ko dahil ang ingay ko daw.

Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa Detention room. Pumasok na kami at may sumalubong samin na matandang babae. "Iha, Iho detention ba kayo?" tanong niya. "Opo." sabi ko. May inabot siya samin na papel, kinuha ko ito. "Detention Slip yan, may isang oras kayo dito. Wag lang gagamit ng mahika. Sge ingat kayo." sabi ng matandang babae tsaka umalis.

Pumasok kami sa detention room. Napahinga na lamang ako ng malalim.

Umupo ako sa isang silya at pinagmasdan ang paligid. Simple lang ang classroom na ito. Puro white lahat. Mukhang nasa langit ka pero ako sa hell, may kasama kasi akong demonyong mayabang dito.

Tinignan ko siya, natutulog. Buti pa nga matulog na lang ako. Matutulog na sana ako ng may tumabi sakin. Tinignan ko ito at siya na naman.

This Day is the worst day of my life! May Demonyong mayabang ang tumabi sakin.

******************************

Sorry sa late updated. Magpupublish ako ng dalawang chapters in one day. Support po kau. Lame sya sorry. Thank you sa lahat ng readers ng MATLPP. Bye love u all.

[ Miss A: Sa mga old readers ng book ko paalala lang na binago ko yung mga wrong grammars ko noon. Pagpasensiyahan niyo na, im just a mere grade 7 student back then when i start writing this story hehe peace to all (*'▽'*)♪ ]

Magi Academy : The Lost Powerful Princess  (No Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon