Aleya's Pov,
"What should we do now?" tanong ni Rez. "Well have to plan first" i said. "Exactly" sabi naman ni Jessa/Jess.
"Well have to gather information about this City para malaman natin at maplanohan kung paano natin mapoprotektahan ang lugar na ito" sabi ko sa mga kasama ko.
"We can now spread and gather info. Me and Jen, Shiya and Aquia, Rez and Jessa, Van and Shim" I said and we separated ways.
~~~~~~~~~Meanwhile~~~~~~~~~~
"Can you know all the possible entrance of our enemies Jen?" tanong ko. "Yup wait a minute..." at may tinype si Jen sa Holograpic computer niya.
"There!" sabi niya at pinakita sakin. "Ok, now we have to ask some people here or maybe the highest person that leads this city" sabi ko.
"Why not?" a smile painted on Jen's face. Nagtanong kami sa isang babaeng witch na nagtitinda ng prutas. "Pwede po bang magtanong, alam nyo po ba kung saan nakatira ang pinuno ng bayan na ito?" tanong ko sa witch na nagtitinda.
"Opo, nandoon siya nakatira" sabi ng babae at tinuro niya ang isang malaking palasyo na kulay itim. "Its...creepy" tumatawang sabi ni Jen.
" Salamat po" I thanked and we head to the gate of the palace.
Papasok na sana kami ng biglang hinarangan kami ng dalawang guwardiya ng palasyo.
"Hindi kayo maaring pumasok sa lugar na ito" diretsong sabi ni guwardiya.
" This is important, well have to ask the leader of this city. Can we now enter the palace?" tanong ko.
"Sandali, anong kailangan niyo sa mahal na reyna?" tanong ng isang guwardiya.
" We have a news from the leaders of Magi Academy and we have to deliver it from the cities here in magic world" sabi ni Jen. Nagbulungan ang dalawang guwardiya. Pagkatapos non.
" Maaari na kayong pumasok" sabi nito at pinapasok kami.
Kahit itim lang ang makikita namin sa loob, maganda pa rin ito.
Nagtanong kami sa isang babaeng naka coat na brown.
" Excuse me po, saan po makikita ang mahal na reyna?" tanong ko.
"Sumunod po kayo" sabi nito at nagsimulang maglakad kaya sumunod rin kami.
Pumasok kami sa isang malaking silid na tila ito ang sentro ng palasyo. Nakita namin ang isang napakagandang babaeng naka coat na itim at nakaupo sa trono wari'y ito ang reyna.
"What can I do for both of you darling?" tanong nito habang nakangiti.
"We're students from Magi Academy and we've been sent here to protect this city from the glaquiro. Leaders from Magi Academy just knew about the glaquiro's plan..." pagsisimula ko.
"...Patago silang pumapasok sa mga bayan at nilulusob ito. We have to take some actions to prevent people from dying unto this coming war. Kailangan naming balaan ang mga mamamayan upang makahanda ang mga ito." dugtong ni Jen.
"At panghuli, kaya kami narito dahil ito ang unang lulusubin ng mga glaquiro at kailangan namin kayong balaan" sabi ko at napansin kong tumayo ang reyna.
"Salamat sa mga babalang inyong hinatid. Ipapautos ko na ang mga kawal para maghanda" Sabi ng reyna.
"Ms. Fritzy, ihanda mo ang mga kawal natin at ipaalam mo ito sa mga punong ministro natin" utos ng Reyna kay Ms. Fritzy at tumango naman ito tsaka umalis.
"Salamat po mahal na reyna sa pakikinig niyo sa amin. Aalis na po kami" sabay na sabi namin ni Jen.
Umalis na kami sa palasyo. Kinontact na ni Jen ang aming mga kasama.
******************************
Shim's Pov,Nandito kami ngayon ng asungot na si Kiefer sa isang resto sa bayan. Alam niyo ba kung bakit hindi kami nagkalap ng inpormasyon?
Simple lang naman. Nagugutom ang unggoy -__-
~~Chum~~Chum~~Chum~~
"Pede bang tumahimik ka kapag kumakain? Nakakairita na kasi yang mga tunog mo habang kumakain ka" sabi ko kay Van.
"Nagsalita si tanda" Parinig nito sa akin. "Aba't gag---" naputol ang sinabi ko ng may narinig akong nag-uusap sa kabilang mesa.
"Master, may nalaman akong impormasyon tungkol sa pagdating ng mga ellites dito sa bayan..." mahinang sabi ng lalaki.
"Siguraduhin niyong hindi nila malalaman ang mga plano natin" sabi ng lalaking naka blacksuit.
Sh*t.
Alam na nilang nandito kami. Kailangan kong ipaalam ito sa mga kasama ko.
"Van. Pstt~" mahinang tawag ko kay Kiefer. "Oh?" tanong nito sakin.
"Napapansin mo ba yung dalawang lalaki sa kabilang mesa? yung naka blacksuit na lalaki tas may kasama?" pabulong na tanong ko sa kanya.
"Bat ka bumubulong? at sinong mga lalaki?" nalilitong tanong nito. Hayyy nako utak baboy talaga tong lalaking toh tsss
"Seriously Van? Sineseryoso mo ba ang ginagawa natin?" tanong ko. Chill lang ako pero deep inside, naiirita na tlaga ako.
"Joke lang tanda, oo napansin ko nga. Bakit ano bang meron sa kanila?" tanong niya. "Narinig ko ang sinabi ng lalaking nakablack suit na kailangan hindi natin malaman ang mga plano nila" pabulong na sabi ko na hindi pinahahalata.
Van glance for a second to the two creepy guys. Napatingin din ako at napansin kong tumayo sila at papunta sa labas.
"Sundan natin sila..." mahinang sabi ni Van sa akin. Tumango ako at tumayo na kami.
Sinundan namin sila at nalaman naming papunta ito sa madilim na gubat sa timog.
Nagtago kami sa likod ng malaking bato. "Contact them" sabi ko sakanya. Agad naman itong tumugon sa sinabi ko.
May ability si Van na kontakin ang mga kasama namin.
"Guys we need all of you here. Nandito kami sa likod ng malaking bato malapit sa timog bahagi ng bayan malapit sa kakahuyan. Bilisan niyo" sabi ni Van.
******************************
Aleya's Pov,"Aleya! Halika dito, may natanggap ako galing kay Van na pumunta daw tayo sa timog bahagi ng bayan malapit sa malaking bato. Kailangan nating magmadali" Sabi ni Jen sa akin.
Tumango ako at nag umpisa na kaming maglakad papunta sa lokasyon nila.
Mga ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami. Nakita namin sila at nilapitan.
"Buti at nakarating kayo, may impormasyon kaming nalaman habang kumakain sa isang resto dito sa bayan..." pagsisimula ni Shim.
"Oo at narinig namin na may pinaplano silang hindi maganda" dugtong ni Van.
"Kailangan na nating umaksyon kaagad, baka maunahan pa nila tayo" wika ni Shim.
"Kung gayon, kailangan nating gumawa ng plano upang hindi nila tayo mamataan" sabi ni Shiya.
"Jen, pwede mo bang maduplicate ang mapa ng Witch City?" tanong ko.
"Oo pero kailangan ko ng original copy" sabi ni Jen.
"Bumalik tayo sa mahal na reyna" sabi ko sakanila. Nagtingin-tingin naman sila at napagdesisyonan na ipagpatuloy.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Done na! Update na ang chapter 21yieee lol btw sorry guys kung matagal akong naka pag update
tsaka wala rin akong gana ngayon pero wag kayo mag alala nagbabasa pa lang ako ng mga fantasy story para makakuha ako ng mga ideya ^__^Mag ingat kayo guys
tsaka salamat sa 9k viewers ng book >///<Bye Guys!!!
Dont forget to leave some votes and comment ^___^
BINABASA MO ANG
Magi Academy : The Lost Powerful Princess (No Update)
FantasyThis Girl named ALEYA FRELLA TAYLOR, mabait,medyo cold,bullied at palaban. Isang simpleng babae na naging isang di pangkaraniwang babae. Hindi nya alam ang tungkol sa kanyang pagkatao pero nang dumating ang panahong nalaman nya kung ano sya at sino...