Aleya's Pov,
"Dyan ka muna Shiya may pupuntahan muna ako." sabi ko sa kanya at tumango ito. Kelangan kong tanungin si HM tungkol sa mga death treats na natanggap namin.
Pumunta ako sa office ni HM at kumatok. "Come in." sabi ni HM. Pumasok ako, nakita ko siyang busy sa mga papeles niya. Lumapit ako sakanya at tumigil naman ito sa ginagawa niya.
"What can I do for you my dear?" tanong niya habang nakatingin sakin. "Kanina po kasi may natanggap kaming mga death treats ni Shiya at Jess kaso di namin alam kanino nanggaling. " paliwanag ko kay HM. Kumunot ang noo nito na mukhang nalilito sa sinabi ko.
"Ito po." inabot ko sakanya ang papel. Kinuha niya ito pagkatapos ay halatang nagulat siya sa nakita.
"This is bad, nalaman na siguro nila ang tungkol sayo at dinamay nila ang mga kaibigan mo upang gawin silang bitag." sabi ni HM.
"Sino po ba ang may pakana nito?" tanong ko na naguguluhan."Im not sure pero mukhang ang mga taga
Glaquiros na naman ang may gawa nyan" sabi ni HM at tumingin sakin."Gusto mo bang magsanay sa pakikipaglaban Aleya? Hindi lang din nam ito para sa iyong sarili, pati narin ang mga taong guato mong protektahan. " sabi ni HM.
"Im willing to train myself." ani ko."Then good, bukas na magsisimula ang training mo kasama ang mga ellites." sabi niya.
"Elites? Yung mga prinsipe at prinsesa?" tanong ko tas tumango naman si HM. "Hmm i hope it goes good." mahinang bulong ko at nagpaalam.
Lalabas na sana ako ng tawagin ako ni HM. "Aleya..." humarap ako at tumingin sa kanya. "Ano po yun?" tanong ko. "Mag-ingat sana kayo atsaka sa open field pala kayo magsasanay." sabi niya. Tumango lang ako pagkatapos ay lumabas.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ito na siguro iyong unang pagsubok na darating sa buhay ko.
Bumalik na ako ng dorm, wala rin naman akong pasok ngayun. Pagkadating ko sa dorm nakasalubong ko si Vivi kasama si Shiya habang nanood ng TV.
Panood-nood lang sila na hindi iniisip ang mga nangyayari? aba't bahala na nga
"Oh Aleya nandyan kana pala, ano na nangyari sa usapan niyo ni HM? Kwento ka dali na" sabi ni Shiya. "Magsasanay daw tayong makipaglaban kasama yung mga Ellites" sabi ko tapos....
5
4
3
2
1
"Ahhhh!!!! Omaygahd!!!" tili ni Shiya. Fangirl ba toh? hayyy... "Anyare dito?!" biglang sabat ni Jess.
Galing atang kwarto toh kasi gulo gulo yung buhok. "Bat ka ba sumigaw Shiya?!" sigaw ni Jess. Nanaman mga aso't pusa nga talaga. "Ay sorry napasigaw ako... kasi naman magsasanay tayo kasama ang mga Elites eh hehe" sabi ni Shiya ng naka peace sign.
"Totoo ba yun Aleya?" tanong ni Jess. Tumango lang ako bilang sagot. "We better prepare for that practice tho." sabi ko at yun bigla na lang nawala sa panangin ko si Shiya.
Dali-dali akong pumunta ng kwarto na God-only-knows kung anong gagawin ko. Lumabas ako pagkatapos ay nadatnan ko si Jessa na nakaupo sa sofa.
"Kumain na ba kayo?" tanong ko kay Jess. "Not yet" ani nya. "Then I'll cook for us, magluluto lang ako sandali." sabi ko at pumunta ng kitchen.
Nagluto na ako upang may mkin kami, maya-maya ay natapos na din at tinawag ko na yung dalawa.
Tapos ng kumain at ako naman ay nandito sa balcony ng kwarto ko. "This day is such a tiring day...I think tomorrow will be the worst..." sabi ko at pumasok sa kwarto ko.
I read a book 'cauze im not sleepy at all. Im wondering kung ano pa kaya ang matuklasan ko sa mundong ito. Tinignan ko si Vivi na mahimbing na natutulog. Hindi ko alam pero I think this world is my home...
Tapos na akong magbasa pero di pa rin ako makatulog. Ano ba gagawin ko dito? bat di ako makatulog? Ayoko pa naman mapuyat bukas noh may practice kaya. Hayyy buhay mahirap tlaga pagnabubuhay ang isang tao, kelangan mong maghirap para din mabuhay.
May nakita akong libro na galing sa loob ng bag ko kaya kinuha ko ito. 'Magic Spell Book' yan ang nakasulat sa title. Binuklat ko ito at nakita ko ang isang kwentas na kulay pula, mukhang ruby ang kwentas. Di lang isang kwentas kundi isang susi.
"Ano naman toh?" tanong ko at kinuha ang susi. Sinuot ko ito upang di mawala at tinuon ang atensyon sa pagbabasa ng libro.
Isa itong libro tungkol sa mahika kaya sinubukan ko. "Mirrør ďeş qůali aśtrķ idűn" binasa ko ang nakasulat at may lumabas na isang salamin papuntang ibang dimensyon. "Alåš Mirrør dė hýľțæn disãblè rivúšchå" sabi ko at biglang nawala ang salamin.
Binasa ko ito at marami akong natutunang mga spell. Pero may isang spell akong nabasa na "Ang spell na ito ay isang malakas na kapangyarihan, ito ay nagtataglay ng lahat ng elemental na mahika at nakakasira sa buong mundo sa isang iglap lang. Ang mahika na ito ay ipinagbabawal kahit kanino pero may isang tao lang pwedeng gumamit nito ang pinakamakapangyarihan sa buong magic world.
'Prism Light Elemental Sphere'
Ang Prism Light Elemental Sphere ay isang kapangyarihan na pinaghalong rainbow at lahat ng element. Kung sino man ang may kapangyarihan ng lahat ng elements at rainbow ay sya lang ang makakagamit sa mahikang ito" ayan ang naka sulat.
Prism Light Elemental Sphere? Ngayon ko lang ata to narinig. Nagbasa pa ako ng nagbasa. Natutunan ko din kung pano magteleport, magpalutang ng bagay, maging invisible, at marami pa.
"Sana nandito ka na lang Lola..." i missed my Grandma. Tinuring ko na syang ina noon pa. Kamusta na kaya sya? Sana ok lang sya at walang nangyaring masama sa kanya.
Nilagay ko ang libro sa loob ng kabinet ko at napagpasyahan kong gumawa ng liham para kay lola
Dear Lola,
Mamila kamusta kana? I missed you so much, sana dito ka na lang. Maayos ba ang pag aalaga sayo ni Manang? Kung nandito ka lang makikita mo sana ang mga ginagawa ko...At first its hard for me na walang lola na nandito para sakin na nagcocomfort kung matatakot man ako pero nagpakatatag ako kasi sabi mo sakin noon diba na 'Don't let fear ruin you' kaya nilakasan ko ang loob ko and it helps me. Thank you for taking care of me as your daughter Lola, I owe you a lot I love you...
~Aleya
At sa wakas natapos din ako. Bukas ko na to ipapadala kay Lola. Napagod na ako at natulog. This day is long and be ready for tomorrows practice...
******************************
Sorry ulit late update na si author. Busy kasi sa school life family kaya minsan na lang ako nakakapagsulat pero i indeed say na tatapusin ko ang book na toh. Tsaka salamat sa mga sumuporta sa book ko at marami-rami na din ang views kaya keep updated. Tsaka congrats sa book nato kasi naabot na din sa chapter 10 hahaha. Pavote na din please, Labyah...
Sa susunod na kabanata....
(Ps. Gawa-gawa ko lng ang mga spells kaya wala talagang ganyan na language hehehe)
BINABASA MO ANG
Magi Academy : The Lost Powerful Princess (No Update)
FantasiaThis Girl named ALEYA FRELLA TAYLOR, mabait,medyo cold,bullied at palaban. Isang simpleng babae na naging isang di pangkaraniwang babae. Hindi nya alam ang tungkol sa kanyang pagkatao pero nang dumating ang panahong nalaman nya kung ano sya at sino...