Chapter 4: We met again

4.5K 138 2
                                    

Aleya.

Bumangon ako ng maaga at naligo. Nagbihis na ako ng uniform at nagluto ng makakain. Tulog pa kasi sina Shiya at Jessa.

Habang naghahanda sa mesa may narinig akong sigaw sa labas at boses iyon ng mga babae. I didn't mind that scream so I continue what I did.

'Aaahhh!!!' sigaw ng mga babae. Nairita na ako at lumabas. Pagkalabas ko may nakita akong lalaki sa sahig at may galos sa gilid ng labi.

Lumapit ako ng konti at nagulat.

Siya naman?! Susuntukin na sana ni Mr. Yabang 'yong lalaki pero natigilan siya at tumingin sa direksyon ko. Nagulat din siya at nagsmirk. Yabang talaga nito!

Umayos siya at naglakad papunta sakin. "Hoy! Bakit mo ba sinuntok yung lalaki ha?" tanong ko pero hindi siya nakinig at naglakad papunta sakin. Nasa harap ko na siya at  nakangiti ng mapang-asar.

"Nagkita na naman tayo baby~" sabi niya at ngumiti ng mapang-asar. "Anong sabi mo? Baby? Ako? Asa ka! F*ck you! Bumalik ka nga sa pinanggalingan mo!" sigaw ko sa kanya.

"Defensive much? May gusto ka sakin noh? aminin muna. Amin amin din pag may time." sagot nya at tumawa.

"Ako magkakagusto sayo? Asa ka! Mukha ka ngang baliw dyan eh." pasinghap na sabi ko pero patuloy pa din siyang tumawa. "Bahala ka sa buhay mo." sambit ko at naglakad pabalik sa dorm namin pero bago pa ako makapunta doon hinila niya ang braso ko at napatingin kami sa isa't isa.

Ang lapit na namin sa isa't isa at na amoy ko sya. Ang bango niya at ang gwapo....Putek! ano na naman nangyari sakin.

Nagpumiglas akong makawala sa kanya pero ang higpit ng kapit niya. Napalunok naman ako at nakita ko siya na nakatingin sa labi ko. Lalapit na sana sya pero may tumawag sakin.

"Aleya!" sigaw ni Shiya at napatingin ako sa kanya. Nagulat si Shiya sa nakita. Akala siguro neto maghahalikan kami, malabong mangyari yun.

Nagpumiglas naman ako sa pagkakapit niya at binitawan naman niya ako. I gave him a death glare at naglakad papunta kay Shiya. Kinuha ko ang kamay niya at hinatak papasok ng dorm.

"Uy! Teka nga wag mo naman akong kaladkarin!" sabi nya at binitawan ko sya. "Ano ba nangyari kanina? Bakit ang lapit niyo ni Van? Kayo na ba? Ha? Pls sabihin mo~" pamimilit niya at kumikinang ang kanyang mga mata na para bang naghintay sa sagot ko.

"Never akong papatol sa kagaya niya. Yabang kaya non." sabi ko. "Defensive. Alam kong magiging kayo halata sa mukha mo~ yieee" panunukso niya at tumawa.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan hinding-hindi magiging kami noh. Kumain na nga lang tayo." inis kong sambit at umupo.

Kumain na kami, pagkatapos ay pumunta kami ng sabay sa silid.

Pumasok kami at umupo sa bakanteng upuan sa likuran. Nakita kong nakatingin ang ilan sa aming kaklase at nag bubulungan. Di ko na sila pinansin. Mayamaya ay dumating na ang guro namin.

"Goodmorning class may bago pala tayong studyante. Pls introduce your self." sabi ni teacher Daine. Tumayo naman ako.

"Hi Im Aleya Frella Taylor call me Leya or Ella." sabi ko at umupo. Nagsimula na ang klase namin sa Science.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Class dismiss." sabi ni Ms.Daine. Lumabas kami isa-isa upang pumunta sa training room. Doon kasi next subject namin.

Pumasok na kami. Sinalubong kami ng babaeng matangkad na nasa thirties.

"Hi Aleya, Im Mrs. Yzane. May magic ka ba?" tanong nya. "I don't know." sabi ko. "Ok lang yan, bago ka kasi rito kaya di mo pa alam ang mahika mo. Sumama ka sakin pupunta tayo sa weapon room." sabi niya at lumakad papalayo, sinundan ko siya.

Nakita ko ang isang bakal na pinto at doon kami pumasok. Pagkapasok kulang bumungad sakin ang maraming sandata.

Namangha ako sa mga sandatang nakita ko.

"Pumili ka ng sandata mo, iha. " sabi ni Mrs. Yzane. Tinitignan ko muna ang mga sandata bago ako pipili. Nang may nakakita akong bow at arrow, kinuha ko iyon pero biglang naglaho.

"Nakalimutan ko palang sabihin na may sandatang nakatakda sayo. Halika sundan mo ako." sambit niya.

Sumunod ako sakanya. Nakarating kami sa isang pinto na ginto. Pumasok kami at may nakita akong espada na lumilitaw. Lumapit ako at biglang nagulat ng mapagtantong lumulutang ito papunta sakin.

"Yan ang ' Skylight sword ', pagmamay-ari yan ni Queen Casstriane noon." paliwanag ni Mrs. Yzane .

Tumingin ako kay Mrs.Yzane. Tumango lang sya. Tinaas ko ang kamay ko para makuha ang sandata. Di naman ako nabigo dahil nakuha ko ito. Lumiwanag ito ng napakalakas kaya napatakip ako at nang unti-unting nawala ang liwanag ay may lumitaw na isang violet baby dragon.

Tiningnan ako mula sa taas at pababa. Pinagmasdan ko lang siya at bigla siyang yumakap sa akin. Nagulat ako at mayamaya ay napangiti na lang ako.

******************************

Sorry nabitin sa next chapter nyo nalang basahin. Pls vote and comment. Sorry kung Jeje ako magsulat. I hope u enjoy reading. Labyu guyz...

Follow: kimhoyeon_123

[ Miss A: Sa mga old readers ng book ko paalala lang na binago ko yung mga wrong grammars ko noon. Pagpasensiyahan niyo na, im just a mere grade 7 student back then when i start writing this story hehe peace to all (*'▽'*)♪ ]

Magi Academy : The Lost Powerful Princess  (No Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon