Chapter 7: Mysterious Traitor

3.8K 132 0
                                    

Aleya's Pov,

  Pinatawag ni Haring Drevlon lahat ng utusan sa palasyo. "Sino sa inyo ang naglagay ng lason sa mga tsaa?" tanong ni Haring Drevlon. Di sumagot ang mga utusan at nagtinginan lang sila. Inilala ko ang nangyari kanina sa kusina. Di iyon utusan kundi isang taga nayon na dumalo sa foundation day.

"Excuse me, King Drevlon but I think its not a maid, its a villager." sabi ko. "So di pala iyon taga rito. Alam mo ba kung anong damit suot niya?" tanong ni Queen Ivory. "Its a women, i think in twenties. She wears a black tshirt and green skirt. Maputi siya at maganda. Meron din po siyang suot na eyepatch. Yun lang po ang nakita ko, mahal na reyna."sabi ko.

"Thanks for the information Ms?...." tanong ni King Sean. "Aleya po." sabi ko. "So your the daughter of Mrs. Taylor?" tanong niya. "Opo." sabi ko. "You can go now and thanks for the caution you give, kami na ang bahala sa problemang iyon." sabi ni Queen Akiesha (mother of Rez). "Walang ano man po." ani ko habang lumuhod sakanila.

Lumabas na ako at nagtungo sa Pixie Garden. Yeah, you read it right its pixie garden kay maraming mga pixies doon na nakatira. Nang makarating na ako sa garden ay naupo ako sa isang bench na katabi ng isang puno.

May nakikita akong iilang mga pixie na nagdidilig ng mga halaman at yung iba ay naglilinis. Nakaka relax yung simoy ng hangin na para bang kalmado ang lahat, pinikit ko sandali ang aking mga mata.

Mayamaya lang nakaramdama ako ng presinsya sa likod ko kaya bigla akong humarap. Nanlaki ang mata ko ng may nakita akong lalaking lumalangoy sa lawa na walang suot pang itaas. Nakita ko rin yung malaki njyang braso at .....wait ano ba ang pinagsasabi ko? Sh*yt. Nababaliw kana Aleya, tigilan mo yan. Sinapak ko ang aking mukha upang magising.

Di ko makita ang mukha ng lalake kasi nakatalikod siya. Mayamaya lang ay humarap siya at nagulat din siya sa nakita niya. Tinitigan kung maigi iyung mukha niya. Teka pamilyar ulit yung mukha ah wait.... mukhang si Mr. Yabang yan. Si Mr. Yabang nga!

"Hoy babae! bat nandito ka sa lawa?!" sigaw niya. Aba't -- "Hoy lalaki! pag-aari mo ba ang lawa na 'to ha?" sigaw ko sakanya. "Tss." napasinghap siya at nagpatuloy lumangoy. Ako naman ay binaling ang atensyon sa mga halaman. Nakakairita talagang mga lalake, porket nagpapahangin lang.

Mayamaya ay nakaramdaman akong may tumabi sakin. Tinignan ko ito at tama nga ako. Si Mr.  Yabang lang naman.

Nakatingin lang siya sa kalangitan habang ako naman ay tinitigan siya. "Staring is rude Miss." sabi nya. "Tss I didn't stare at you, may ibedensya ka ba?" singhal ko. Tumingin siya sakin at nagtama ang paningin namin kaya dali-dali akong umiwas. "Tss." aniya

Ngayon, tahimik lang naming pinagmamasdan ang lawa. "By the way...." pagputol niya sa katahimikan. "Uhmm ano pala pangalan mo?" tanong niya. Ay oo nga pala di pa niya alam pangalan ko. "Aleya." tipid na sabi ko. "K." aniya. "Tss."

"Ako pala si Van Kiefer, Van for short babe." sabi niya sabay kindat sakin. Eww di bagay yang pakindat-kindat.

"Wag ka ngang kumindat-kindat. Hindi bagay sayo. Wag moko matawag-tawag na babe, babe mo mukha mo tsk." sabi ko at tumayo.

"Dyan ka na nga may gagawin pa ako." sabi ko at nagsimulang maglakad papalayo. "Bye babe! ingat ka." pang-aasar niya. "Mukha mo Babe!" inis kong sigaw sakanya. Nakakainis naman oh!

Napagisaipan kung pumunta sa Enchanted Forest. Di naman ako nahirapan kasi nandito lang ito sa likuran ng academy.

Naisipan kong magsanay ng mag isa dito. Kaya pumasok ako sa loob at palakad-lakad. Ilang minuto lang nakaramdam ako ng pagkakabagot, wala man lang halimaw.

Habang naglalakad, may napansin akong kumikinang na bagay. Nilapitan ko ito at kinuha ko tsaka tinignan. Ito'y isang kwintas na may crystal na batong sapphire. Napansin kong may nakaukit na pangalan kaya binasa ko ito. "Casstriane..." bigkas ko.

Sino kaya ang nagmamay-ari nito? Bigla itong umilaw at lumitaw sa ere. Nagulat ako sa nangyari. Biglang lumayo ang kwintas kaya natauhan ako. Mukhang may gusto itong ipakita sakin. Sinundan ko lamang ito hanggang huminto ito at nawala ang ilaw. Bigla itong nahulog ngunit  nahawakan ko ito bago pa bumagsak sa lupa.

Napatingin ako sa aking likuran kung may tao pero wala. Humarap ako at nakita ko ang isang pinto na gawa sa sapphire. Nagtaka ako kung bakit dito ako dinala ng kwintas kaya binukasan ko ito. Dahan-dahan akong sumilip sa loob at nagulat ako sa aking nakita.

"WOW." manghang ani ko. Napadpad ako sa lugar kong saan may mga bulaklak na diamante na iba't iba ang anyo. Yung iba ay emerald, may ruby, pearl, sapphire at kung ano pa. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar sa tanang buhay ko.

Nilibot ko ang lugar hanggang may nakita akong isang aso na mukhang lobo, maputi ang balahibo nito na may iba't ibang kulay na dots sa katawan na parang isang bahaghari sa kanyang katawan.

Tumingin ito sakin at dahan-dahang lumapit. Nakaramdam ako ng kaunting pangamba na baka susugurin niya ako pero hindi iyon ang nangyari. Tumingin lang siya sakin pagkatapos ay lumuhod ito sa harap ko. "Welcome back Master." pagbati niya. "ano? Di ako ang master mo. Nagsasalita ka?" nagulat ako. "Yes." sabi nito at ngumiti. Ang cute niya. "Di ako ang master mo." sabi ko ulit na naguguluhan. "Alam ko, kasi kamukha mo siya." sabi nito.

"Sino ba ang master na sinasabi mo?"t anong ko. "Si Queen Cas ang nag alaga sakin at binigay niya ako sa kanyang anak na si Prinsesa Zashrille, ang bagong master ko pero noong araw na iyon, biglang nagkaroon ng labanan at nabalitaan kung itinakas si Prinsesa Zashrille upang ilayo sa mga Glaquiro." sabi nya. "Ano ang mga Glaquiro?" tanong ko.

"Isa yang kaharian na nagtataglay ng Dark magic, ito ay ang Glaqiuro Kingdom. Ang kaharian ni King Larius. Ang Skylorias Kingdom ay ang kaharian kung nasaan nakatira si Prinsesa Zashrille. Noong isinilang siya, nagkaroon ng digmaan, gusto ng hari ng Glaquiro na makuha si Queen Cas na siyang gagamitin niya sa kanyang pagsakop pero ang prinsesa ay ibinilin niya sa kanyang ina at nagtagumpay naman si King Larius sa pagkuha ni Queen Cas. Di ko na alam ang sumunod na nangyari." sabi niya.

Kaya pala, pero bakit niya kinuha ang Reyna? Para lang ba sakupin ang kaharian o pati narin ang mundo dito?

Madaming bumabagabag sa isip ko sanhi ng pagkahilo ngunit binalewala ko nalang ito. "Sino ka ba at bakit ka napadpad sa lugar na 'to?" tanong niya sakin. "Tinuro ito ng kwintas." sabi ko at ipinakita sa kanya. Napansin kong nagulat siya sa kanyang nakita.

"S-saan mo nakuha 'yan?" tanong niya. "Sa gubat ko ito nakita." sagot ko. "Bakit may problema ba?" tanong ko. "Ah wala." sabi niya. "Ako pala si Brin, prince of wolves" pagpapakilala niya. "Ikaw? prinsipe?" mangha kung tanong. "Yeah prinsipe ako na nagiging tao at lobo." aniya.

"Hmm..." sabi ko. "Ako pala si Aleya, studyante sa Magi Academy." sabi ko. "Eh bakit ka nakapasok dito? Ang makakapasok lang dito ay ang mga royal sa Skylorias, eh ikaw ay isa lamang istudyante." di makapaniwalang sambit ni Brin. "Di ko din alam kung bakit ako nakapasok dito." sabi ko.

"Kailangan ko ng bumalik baka hinahanap na ako." sabi ko tsaka tumayo. "Sge mag inggat ka Aleya, delikado dito at pwede kang bumalik ano mang oras." aniya. "Sge po kamahalan, mauna na ako, paalam!" sabi ko pagkatapos non ay bumalik na ako sa Academy.

Bumalik ako sa dorm at dumiretso sa silid. "Bat ang tagal mong bumalik, saan ka ba nanggaling?" tanong ni Vivi. "Nagpapahinga lang ako at nag-eensayo ng kaunti." sabi ko.

Pumunta na ako sa bathroom at naligo tsaka nagbihis ng pantulog pagkatapos at nahiga sa kama. Nakakapagod kaya naisipan kong matulog.

******************************

Done! sorry ang lame niya. Gagawa pa ako ng moments ng mga characters and abangan ang new characters soon! bye you are free to vote or leave comments

[ Miss A: Sa mga old readers ng book ko paalala lang na binago ko yung mga wrong grammars ko noon. Pagpasensiyahan niyo na, im just a mere grade 7 student back then when i start writing this story hehe peace to all (*'▽'*)♪ ]

Magi Academy : The Lost Powerful Princess  (No Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon