Chapter 5: Vivi

4K 136 4
                                    

Napangiti na lang ako. "Hi Aleya!" sabi ng baby dragon. "Nakapagsasalita ka?!" nagulat ako ng magsalita ito.
Nagsasalita pala ang mga hayop dito?

"Oo." sabi nya at ngumiti. Nag-aalinlangan akong magtanong. "C-can I give you a name?" tanong ko. "Oo naman wala pa din kasi akong pangalan." sabi nito at nalungkot. "Wag kang malungkot, I will give you a beautiful name that will suit for you." sabi ko at ngumiti naman siya.

Halata na babae siya kasi may diamond crown siyang suot. "Vivi nalang itawag ko sayo."sabi ko.

Ngumiti siya ng malaki at pumalakpak pa. "Yehey! Ang ganda ng name ko. " sabi ni Vivi at pumatong sa balikat ko.

Tiningnan ko ulit yung sword. May nakaukit na salita pero di ko maintindihan. Lumabas na kami ni Vivi at nakita namin si Mrs.Yzane. Lumapit ako sakanya at napansin naman niya ako. Nagulat din siya sa nakita.

" Saan mo nakita yang dragon na 'yan?" tanong niya na may gulat na expresyon.

"Lumiwanag kasi yong sandata ko at may lumabas na baby dragon kaya ito siya si Vivi." sabi ko at ngumiti.

Nawala na yung gulat sa mukha ni Mrs.Yzane. Napansin kung napangiti si Mrs.  Yzane.

"Hi Vivi. Bumalik na tayo sa training room, Aleya." sabi niya at naglakad palayo. Sumunod naman ako habang akay-akay ang isang maliit na dragon.

Nakarating na kami at agad na pumasok. Nagulat din 'yong ibang nag ti-training. Lumapit sakin si Shiya.

"Aleya? saan mo nakita yang cute na baby dragon na yan?!" sabi nya. Tiningnan ko si Vivi at nakita kong nagtatago ito sa likod ng paa ko. Natakot ata kay Shiya.

"Wag mong takutin Shiya. Easy lang." sabi ko at huminahon naman siya. "Ok sorry, excited lang naman ako dahil ang cute niya." sabi ni Shiya at tumingin kay Vivi. "Vivi wag kang matakot kaibigan ko siya." sabi ko. Dahan-dahan itong lumapit kay Shiya. Vivi smiled and Shiya too.

Kinarga ni Shiya si Vivi at pumunta sa isang upuan. Sumunod naman ako sakanila. "May sandata kana?" tanong ni Shiya sakin. "Um well yeah..." sabi ko. "Mabuti naman. Anong sandata yung nakatakda sayo?" tanong nya. "Um... silver sword lang naman." sabi ko at nakita kung nagulat siya.

"T-talaga?!" gulat nitong banggit. "Oo" sabi ko. "Buti ka pa sword sakin whip." sabi niya habang nakasimangot at nilaro ulit si Vivi.

"Marunong ka na bang isummon yong sword mo?" tanong niya. "Summon?  di pa, di ko naman alam na kailangan pa itong isummon." ani ko. Kelangan pa talaga isummon?

"Gusto mo magpaturo kay Aquia?" tanong niya. Aquia? Familiar yung pangalan niya ah. Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang dalawang babae na humihingal. Halatang tumakbo. Nakayuko sila kaya di ko nakita ang kanilang mukha.

Dahandahan itong umangat. Nang makita ko ang kanilang mga mukha nakaramdam ako ng iba't-ibang emosyon. Sila? Bakit sila nandito? Anong ginagawa nila dito?

Pinagmasdan ko sila na pumunta kay Mrs. Yzane. Anong nangyayari? Bakit nandito sila? May mahika ba sila?

Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. Nakatingin lang ako sa kanila. "Aleya." sabi ni Jessa at nagulat ako ng kalabitin niya ang braso ko.

"Ay palaka!" nagulat ako. "Ang ganda ko namang sabihan na palaka. Ayos ka lang ba?" tanong ni Jessa. "Sorry may nakita lang kasi akong pamilyar. Mabuti nga lang di ako inatake sa puso dahil ginulat mo ako." sabi ko.

"Ay sorry, lumulutang kasi isip mo, kanina pa ako tawag ng tawag sayo di ka kasi nakikinig." sabi nya.

"Mag sisimula na nga pala yung training kaya halina kayo." sabi ni Shiya kaya sumunod na kami.

Magi Academy : The Lost Powerful Princess  (No Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon