Aleya's Pov,
~///Hiwa doon, Saksak dito///~
Yan ang mga ginawa ko sa halimaw na dragon.
"RRwarrrrRr" ungol ng dragon ng masaksak ko ang puso nito.
Biglang nanghina ang dragon at napatumba din.
"That was easy di man lang ako napawisan" wika ko. Binalik ko na ang sandata ko at nagpatuloy maglakad kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
"Psstt.." natinag ako ng may nag-psst sa akin. "Sino yan?" tanong ko.
Biglang gumalaw ang halamang nasa likuran ko kaya napaatras ako bigla.
Lumabas ang isang kunehong gray. "Aish kala ko kung ano na.." sabi ko.
Ng aakma akong magpatuloy sa paglalakad, may nahagip akong isang anino sa likod ng puno malapit sa nilabasan ng kuneho.
"Sino ka! Magpakita ka duwag!" sunod-sunod na sigaw ko pero biglang nawala ang anino.
Tssk sino ba yon? bat may tao pa dito? akala ko ba ako lng ang mag isa dito.....
I better have to find it out....
******************************
Van Kiefer's Pov,
"Naman oh bat walang halimaw ang nakasalubong ko kanina pa ako paikot ikot dito ah" inis na bulong ko sa aking sarili.
Mga ilang minuto na kasi akong palakad-lakad dito tapos wala namang nangyayari................. hayy naku pag minamalas nga naman oh
Napakamot na lang ako sa batok at umupo sa malaking bato malapit sa akin.
"Makapagpahinga na nga..." humiga ako at umidlip sandali.
~Screetch~
Napamulat ako bigla sa narinig kong kaluskos. "Sinong nandyan?" tanong ko.
Lumapit ako sa may halaman. Tinignan ko ito kung ano ang tunog na iyon at saan nanggaling.
I peck at the bush. Nagulat ako ng nakita ko si Aleya na hawak-hawak ang espada nya na nakatalikod.
'She's so beautiful'~ sabi ng maliit na boses sa utak ko.... Aishhh ano ba yan....pero totoo naman...hoy Kiefer gumising ka ano bang nakain mo tss
Ngumiti ako ng palihim. Pinagmasdan ko siya. Sa di inaasahan ay naapakan ko ang isang sanga ng puno at ito ay lumikha ng tunog na saktong maririnig ni Aleya.
"Shit" mura ko dahil napatingin si Aleya sa direksyon kung saan ako nakapwesto.
"Sino ka! Magpakita ka duwag!" sigaw niya at inihanda ang posisyon sa pakikipaglaban.
Dali-dali naman akong nakalayo sa halaman at nagtago sa puno.
"Wooh, that was close..." sabi ko at nakita kong papalakad na si Aleya papalayo kaya sinundan ko ito palihim.
******************************
Aleya's Pov,
Muntikan na yon
akala ko kung ano na
Nagpatuloy na akong naglakad hanggang sa, di ko namalayang napadpad ako sa isang lugar na ngayon ko lang nakitaIsang lugar na lahat ng makikita mo ay mga abo at madilim na bahagi ng gubat habang ang kalahati naman ay maliwanag at puno ng makukulay na halaman.
"Welcome sa Darklight City" sabi ng boses.
Nagulat ako ng may biglang nagsalita. Lumingon ako at nakita ko ang isang Owl na iba ang kulay, kalahati sa kanyang katawan at puti at yung isa ay itim.
"Paumanhin sa inyo binibini ako pala si Darli, ang taga bantay ng DarkLight City" sabi nito at nag-bow.
"Nakapagsasalita ka?" tanong ko. "Of course, binibini" sabi ni Darli at ngumiti.
"Ano bang maitutulong ko sa iyo binibini?" tanong ni Darli. "Alam niyo po ba ang daan palabas sa dimension na ito?" tanong ko.
"Oo naman binibini pero kailangan mo munang dumaan sa hari ng mga demonyo, si Santi. Siya ang hari ng mga demons sa mundong ito; Siya ang pinakamabangis at mabagsik sa mga demonyo at mahirap din siyang mapaamo..." sabi ni Darli.
"Saan ko po siya matatagpuan?" tanong ko. "Doon sa Hellstone tower" sabi ni Darli habang nakaturo sa isang tore na mataas at napapaligiran ng pulang usok at mga kidlat.
Namangha ako sa aking nakita; mukhang may thrilling na namang magaganap ah. Interesting.
"Bago ka pumunta doon kunin mo ito" sabi ni Darli at may binigay siya sa akin. Tinignan ko ang binigay niya at nakita ko ang isang kwintas na may pendant na pakpak.
"Yan ang Falen Angel Wings Necklace " sabi ni Darli habang pinapaliwag niya ang kwintas sa akin.
" Magagamit mo 'yan sa paglalakbay dahil iyan ang magpoprotekta at yan din ang magtuturo sayo kung saang direksyon ka dapat pumunta" sabi ni Darli.
Nagpasalamat ako at nagsimulang maglakad papuntang Hellstone Tower.
******************************
Van Kiefer's Pov,
Nakita kong may kausap si Aleya pero di ko malaman kung ano ang kinakausap niya kasi nandito ako sa taas ng puno kung saan ay tinatanaw ko si Aleya.
Mukha na ata akong stalker nito
Bumaba ako upang makita kung sino ang kausap niya. Nagtago ako sa likod ng puno.
"Saan ko po siya matatagpuan?" rinig kung tanong ni Aleya. Sumilip ako at nakita ko ang isang kuwago na kinakausap ni Aleya.
Seriously?! Hayssss
"Doon sa Hellstone Tower" sabi ng kuwago. Pupunta pala si Aleya doon? bakit?
...Ay oo nga pala nakalimutan kong mission pala ito hahahaha
Lumakad na si Aleya at sinundan ko siya.
Matapos ang mga oras sa paglalakad at pagsunod sa kanya ay nakarating na kami sa isang malaking pinto sa Tower ng Hellstone.
Di niya alam na nakasunod lang ako sa kanya. Pinagmasdan ko lang siya na pumasok sa isang silid ng tore.
I tiptoed from where I hide to the door of the room after she gets inside in the dark room.
"DAMN!" sigaw ng boses.
Napamura na lang ako ng marinig ko ang boses na sumigaw. Dahil alam kong si Ms. Sungit iyon. Nataranta ako at mabilis akong pumasok sa loob.
This time nalaman ko na rin kung bakit sumigaw si Ms.Sungit.
*****************************
Annyeong!!! Long time no update!Miss ko kayo guyz sana nagbabasa pa kayo nito. sorry kung minsan sa isang buwan na lang ako nakaka pag updated dahil dami ng activities sa school.
Sorry kung maikli lang ang chapter na ito ^_^
bye muna! /blow kisses/
~Miss A~
![](https://img.wattpad.com/cover/130259946-288-k507100.jpg)
BINABASA MO ANG
Magi Academy : The Lost Powerful Princess (No Update)
FantasyThis Girl named ALEYA FRELLA TAYLOR, mabait,medyo cold,bullied at palaban. Isang simpleng babae na naging isang di pangkaraniwang babae. Hindi nya alam ang tungkol sa kanyang pagkatao pero nang dumating ang panahong nalaman nya kung ano sya at sino...