Chapter 3: 2nd Home

5.3K 150 3
                                    

Simula na naman ng panibagong araw. Maaga akong bumangon dahil sabi ni lola malayo yung paaralan.

Inayos ko ang aking higaan at pumunta sa banyo tapos naligo. Nagbihis ako ng bago kung uniform na binigay ni lola.

I look at the mirror. I put my hair into two braided side and put it together. Tapos yung ibang buhok ko ay inilugay kona.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Nakasalubong ko si lola na may bitbit na bag. "Ready ka na Hija?" tanong ni lola. "Yes mom. " sabi ko at ngumiti naman siya. Kumuha ako ng mansanas at kinagat ito. Bumalik na ako sa kwarto at kinuha ang maleta ko tapos bumaba.

Dinala ko iyon papuntang kotse at pinasok sa loob. Nakita ko rin si lola na papunta sa kotse na bitbit ang Black tote bag niya at pumasok sa kotse. Pumasok narin ako, si lola na yung magdadrive dahil di ko naman alam yung daan papunta doon.

Tumingin muna ako sa labas at kinuha ang headphones ko at sinuot. Sumandal ako sa upuan hanggang sa nakatulog.

~Now playing Teenage Dream by Katy Perry.~

(SKL yung isa sa fave kung music xD)

*****************************

"Leya gising na andito na tayo" sabi ni lola. Agad naman akong nagising at inayos ko muna iyong itsura ko pagkatapos ay lumabas ng kotse. Kinuha ko na yung bag at pumasok sa gate. Wow! ang ganda ng school ah mukhang palasyo ang peg.

"Hija, pumunta na tayo sa principal's office." sabi ni lola at sumunod ako sakanya.

Kumatok si Lola at biglang bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang isang babae na nasa thirties na.

"Good morning Catherine." sabi ng babae. "Good morning Ria!" bati ni lola. "Iyan na ba ang apo mo?" tanong ng babae habang tiningnan ako hanggang ulo pababa.

"Oo Ria, si Aleya nga pala. Aleya si Ms. Ria Froster. "Good morning po." bati ko tapos ngumiti naman siya.

"Hi Aleya ang ganda mo sa suot na iyan bagay sa iyo." sabi ni Ms. Ria . Ngumiti naman ako. "Thank you po" sabi ko. "Sge Hija mauna na ako may pupuntahan pa ako, si Ria na bahala sa iyo dito. Mag ingat ka dito." paalam ni lola kaya at lumabas na ng opisina.

"Ang dorm mo pala ay R-23. May kasama ka doon. Pwede mo ng puntahan. Magpaturo ka nalang kay Ms. Laila. " sabi ni Ms. Ria habang nakangiti at may babae namang tumabi sa akin, siya siguro si Ms. Laila.

"Sumunod ka sa kin Aleya." sabi niya at sumunod na ako. Papunta pa lang kami pero agaw atensyon na naman ako.

'Sino yan? Transferree?"

'Ang ganda ni ate ah'

'Yazmaganda nga siya'

'Matalino kaya siya?'

'May bagong pasikat na naman'

'new b*tch'

'Marunong kaya siya ng magic?'

Yun ang narinig ko pero Magic? Nag eexist? "Ms. Laila may magic po ba dito?" tanong ko. "Oo Aleya, ito ay isang magic school kaya ang mga mag-aaral dito ay nag-aaral ng kanilang mga mahika." sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero wala po akong mahika, papanong kinuha niyo ako bilang mag-aaral dito? " tanong ko habang naguguluhan.

"Meron kang mahika Aleya di mo pa lang alam. Nararamdaman ko ito at ......" huminga siya ng malalim.

Magi Academy : The Lost Powerful Princess  (No Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon