Chapter 15: Garden(Part II)

3K 109 4
                                    

Rez's Pov,

Di kami nag-uusap ni Jessa. Naaawkwardan na ako kaya ako na lng ang unang kumausap sa kanya.

"Uhm...Kahapon nga pala...eh sorry ah nabigla lng kasi ako.....kasi di ko naman alam na anlapit na pala ng mukha natin pagkaikot ko" sabi ko habang kamot sa batok ko.

Di sya sumagot at inirapan nya lng ako. Hayy pano ba ako papatawarin nitong babaeng toh ~__~

"Sorry na pleaseee tanggapin mo na gagawin ko lahat ng iutos mo patawarin mo lng ako plsss" pagmamakaawa ko.

Ayoko kasi ng babaeng may galit sakin tsaka sa lahat ng babae sya lng ang unang babae na nakasampal sakin pagkatapos makuha ang first kiss, sa gwapo kung ito andami ngang babae nagmamakaawa parang lng halikan ko sila pero si Jess iba eh

Humarap sya sakin at tinaas ang kilay. Ang taray naman ng babaeng toh

"Weh gagawin mo lahat kahit ano?" tanong nya. Tumango ako. Ano ba naman kasi nasabi ko baka ipapagawa pa ako ng kalokohan ng babaeng toh eh aish

"Ngayong araw lng gagawin ko kahit ano" sabi ko. "Hmm sge ito gawin mo. Ipagluto mo kaming lahat ng pagkain" sabi nya habang ngumiti ng nakakaloko.

"Ok master" sabi ko at umahon na kakalangoy. "Guys ipagluluto daw tayo ni Rez ng pagkain" sabi ni Jessa sa kaibigan nya at kaibigan ko.

Biglang nagsitawanan ang mga kaibigan ko. Umahon na silang lahat at si Van lumapit sakin.

"Bro marunong ka pala magluto? Baka sunog yang ipakain mo sa amin ha" tumatawang sabi ni Van at umalis.

Napabuntong hininga na lng ako kasi DI NAMAN AKO MARUNONG MAGLUTO NOH!

Silang lahat nandoon sa bench kaya lumapit ako sa kanila. "Sa dorm na lng tayo kakain tutal magkakilala na naman tayong lahat eh, 12:00 p.m punta kayo sa dorm namin sa E-31" sabi ko. Nag thumbs up lng si Aleya sakin.

Umalis na kami at pumunta sa kani-kaniyang dorm. Magsisimula na akong magluto.

******************************
Jessa's Pov,

Hahahaha kaya ko piniling ipagawa sa kanya yon kasi naririnig ko ang ibang mga babae na nagbubulungan na hindi marunong magluto si Rez kaya naisip ko iyon.

Tignan natin kung maipagluluto nya kami ng pagkain. Hahahaha

******************************
Shim's Pov,

Buti na lng nakabalik na kami sa dorm kasi nakakainis yung daldal ng daldal sakin tss.

Hulaan nyo sino
si Shiya lng naman di ko akalain na ang kulit pala nya di nauubusan ng salita hayy.

*FLASHBACK*

Lumapit kami sa tatlong babaeng naliligo.

Si Van kinukulit si Aleya. Si Rez naman kinakausap si Jessa. At ako naman ay nakasandal sa bato malapit sa ilog.

"Oi Shim laro naman tayo oh" aya ni Shiya. "Ok ano namang laro yun" tanong ko.

"Hmm.....Habulan sa tubig!" masiglang sambit niya. Hype lng   -___-

"K" sabi ko at pumikit. "Sabi mo laro tayo tapos matutulog ka lng" sabi nya habang naka pout.

Nakikita ko kasi ang nangyayari kahit pikit ang mga mata ko. Isa na rin yung kapangyarihan ko.

"Sge na" pagmamaktol ni Shiya habang niyuyogyog ang balikat ko. "Oo na oo na" sabi ko. "Aleya, Van sali kayo sa amin" sigaw ni Shiya kay Aleya at Van.

Lumapit naman sila sa amin. "Anong laro yun?" tanong ni Van. "Habulan sa tubig" sabi ni Shiya sabay ngiti.

Tss

"Sge!" sabi ni Van at tumingin kay Aleya. "Oh tingin tingin mo dyan" sabi ni Aleya habang naka cross arm. Tumawa naman ng nakakaloko si Van at nag simula na silang maghabulan ni Aleya.

Nagkatinginan kami ni Shiya at biglang lumapit si Shiya sa akin.

Di ko namalayan na kikilitiin nya pala ako kaya di ko napigilan na tumawa.

"Hoy tama na hahahahahah naki- hahahaha kiliti hahahahaha ako dyan" di na ako makapag salita ng maayos sa kiliti.

Tumigil na si Shiya sa kakakiliti sakin. "Humanda ka sakin babae ka" may pagbabanta kung sabi at hinabol sya.

"Wahhhhhhhh!" sigaw nya habang tumatakbo sa tubig. Alam nyo naman na mahina lng pagtumakbo kayo sa tubig at dahil water elementalist ako ginamit ko ang kapangyarihan ko para habulin si Shiya.

"Water Waves." sabi ko at may lumabas na waves at mabilis kong naabutan si Shiya.

"Hoy ang daya mo naman gumamit ka ng kapangyarihan mo" sabi nya at nag pout. Tss pacute -__-

"Bad mo hmp! kainis ka! buti nga water elementalist ka naabutan moko kung hindi lang water kapangyarihan mo di mo talaga ako maabutan." sunod-sunod na sabi nya. Ang daming salita ~__~

"Bahala ka jan." sabi nya at tumalikod sya pero bigla syang nadulas. Buti na lang nasalo ko sya sa mga bisig ko.

Nagkatinginan kami saglit at umiwas sya. "Uhmm s-salamat." sabi nya at bumitaw.

Tinawag kami ni Jessa dahil ipagluluto kami ni Rez ng pagkain. Pftt di naman marunong magluto yon tss ~___~

Umahon na kami. Sinabi ni Rez sa amin na sa dorm namin kakain ang mga babae kaya nagsipuntahan na kami a mga dorm namin.

*END OF FLASHBACK*

Diba ang kulit ni Shiya hayy...

Si Rez naman nandon sa kusina
ayon nagluluto na sya at alam kung paulit-ulit nyang ginagawa ang mga yon kasi minsan walang lasa tpos nasunog pa tpos hilaw. Hayy

Tinignan ko ang orasan. 11:30 a.m na pala. 20 mins. na lng natitira. Tulungan ko na nga tss -___-

Pumunta na ako sa kusina kung saan nagluluto ng sunog na pagkain si Rez hahaha biro lng.

"Tulungan na kita ugok" sabi ko at nagsimulang tumulong. "Ano ba to bro nasunog" sabi ko habang hawak ang kalan na may sunog na sunny side up.

"Eh di naman kasi ako marunong.." sabi nya abay kamot sa batok. Nagsimula na akong tumulong sa pagluluto ng lasagna, fish fillet, scrambled egg at fried chicken.

Pang umagang pagkain naman toh ah -__-

Natapos na din kami at naghanda na si Rez sa mesa. "Salamat bro sa tulong mo" sabi ni Rez at nilagay na ang mga pinggan sa mesa.

Sa totoo lng tinuruan ko lng syang magluto para naman may matutunan.

Sya ang nagluto lahat. Tinikman ko ito.

"Good Job kiddo" sabi ko at bumalik na sa kwarto. Naligo na ako at nagbihis. Nagpahinga muna ako sandali.

Tinignan ko ang orasan at 11:50 a.m na pala. 20mins. lng kami nakapagluto ^___^

******************************
Two updates in one day! So inupdate ko na. Ok lng ba ang chapter na ito? di ba lame or boring? sorry sa wrong typos.
Tsaka tapos ko na ma publish ang gaganap sa mga characters.

Pls Vote....Thank you ^___^

Magi Academy : The Lost Powerful Princess  (No Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon