FRIENDS?

1.6K 59 32
                                    

Aga's POV

Nakasunod lang ako kay Lea na mabilis na naglalakad papunta sa opisina niya. Gusto ko na lang maiyak sa lahat ng mga nangyari. Napuyat ako kahapon. At ‘yung tatlong araw na honeymoon na sinasabi ko? Ayun! Isang araw lang! Hindi man lang ako binigyan ng araw upang sumaya. Naiiyak na lang talaga ako kapag naaalala kong hindi ako nakatulog kahapon, to be exact kanina. Hindi man lang ba niya ako pasasalamatan? Grabeng pagpipigil ang ginawa ko kagabi! Hindi niya ako naiintindihan! Walang makakaintindi sa akin! Wala! Maski ikaw! Ni-isa, wala! Halata naman siguro sa eyebags kong parang black eye na na napuyat ako sa pagpipigil ‘di ba? Ano ba naman kasing klaseng wine ‘yun? Malaman-laman ko lang kung sino ang nag-imbento ‘non ibubuhos ko sa kanya lahat ng galit na iniipon ko sa mundo! Huwag lang ‘yang makadaan-daan sa kanto namin kundi nako—maghahalo ang balat sa tinalupan!


"Hala, bakit ang laki ng eyebag ni Sir?"

"Oo nga."

"Baka grabeng puyat ang inabot."

"Oo nga. Baka nakailang rounds. Hihu"

"Hindi naman sa tingin ko. Tignan mo ‘yung lakad ni Ma'am, edi sana iiki-ika ‘yan."

Kung alam niyo lang kung anong nangyari.

T_T

Lea's POV

Lumingon ako kay Aga na nakatulala sa pinto ng opisina ko. Actually, opisina namin. Kasi nga iyon ang dahilan niya kay Lolo.

"Hoy!"ako

Sigaw ko before I snap my finger in front of his hell face. Anong nangyari rito at ganyan ang mukha? Grabeng eyebags naman ‘yan, eyebags pa ba ‘yan?

He started glaring at me kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"Hoy, at bakit mo ako tinitignan nang masama? Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa akin."ako

Mahina kong bulong sa kanya dahil nasa pintuan pa rin kami. Mahirap na, pati mata nagiging tainga kapag nandito ka.

"Wala. Tss!"Aga

Nauna siyang pumasok at tumungo sa office table niya. Huwag niyang sabihin na dahil sa matigas na sofa ‘yun?

"Ma'am?"

Lumingon ako sa tumawag sa akin at tinaas ang kilay ko.

"Yes?"ako

I asked my secretary, Joan. Yeah, tinatandaan ko na ang pangalan nila dahil nadala na ako.

"Nandito po si Mister Garcia at Miss Gonzaga."Joan

I creased my forehead and tried to remember who might be these people.

"Who are they?"ako

"Don Samuel actually recommended them to be part of our new project, kung naaalala niyo po."Joan

I just nodded although hindi ko talaga maalala ang mga pangalan nila. But I can remember Abu recommended persons about our new big project.

Let's Drink and Get MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon