Lea's POV
"Eh kasi nga may grand reunion na naganap kahapon."Vice
Bungad sa akin ng kabayo na sa kasamaang palad ay sinasakop na naman ang pwesto ko, chikahan after meeting ba.
Sabay sabay kaming umupo, ako sa swivel chair ko, silang dalawa naman sa visitor's chairs na nasa harapan ko.
"So, Mister Viceral, ano na namang kabulastugan ang ginawa mo at pinapunta ka rito sa guidance? Kumain kana naman ba ng damo sa field?"ako
Maarte kong tanong na ikinaseryoso ng dalawa. Aba bastos. They're just looking at me with their poker faces. I just rolled my eyes. Ang sakit din pala kapag walang tumawa sa joke mo.
"Oh eh ano na nga kasi at bakit nandito na naman kayo?"ako
I diverted the topic so the humiliating scene earlier will be forgotten.
"Bukod sa waley 'yung joke mo eh nandito kami para makibalita. Ganda mo raw kasi, 'te! Binalikan ka ng ex husband mo. Ano, Leangot, kirida ka na ngayon?"Vice
I glared at him when he said that, although medyo may pagka-kirida nga ang dating ko kaya hindi kaagad ako nakapagsalita.
"Grabe ka talagang kabayo ka. Epekto ba yan ng bagong dyed hair mo?"Dawn
Dawn looked at me at humalumbaba sa lamesa ko at bahagyang lumapit.
"Ano ngang nangyari?"Dawn
As I smiled ay lumapit din ng bahagya si Viceral sa akin, di talaga papahuli ang kabayo oh.
"Well..."ako
I smirked at itinaas naman ng dalawa ang mga kilay nila.
"Hindi ba wala si Aga ngayon?"ako
They nodded in unison then grinned afterwards.
"Nasa airport kasi sinusundo ang fianceé niya. Happy na? Tss!"ako
I rolled my eyes and get the folder that Heaven gave me earlier about the meeting that will happen tomorrow.
"Anue?"Vice
Maarte naman siyang tinignan ni Dawn. Pinigilan ko lang talagang tumawa dahil doon. I just really love that face of her, 'yung nakataas na nga ang kaliwang kilay nakakunot pa ang noo. Partida nakaawang pa ang bibig niyan.
"Anong anue? Ngumunguya ka ba ng damo?"Dawn
Vice rolled his eyes at bago pa magbaga ang apoy sa pagitan ng dalawa ay inawat ko na sila.
"Pwede ba."ako
Agad naman silang tumigil. I exhaled while thinking that Aga's fianceé is already here. Naiisip ko pa lang na makikita ko na naman ang babaeng 'yon, makakasalamuha at makakadaupang palad ko na naman, maririnig ko na naman ang boses na nagsasabing babes babes. Naiirita na kaagad ako. At higit sa lahat, naiisip ko pa lang na magkasama na sila ngayon ni Aga ay naiinis na ako. Wala naman akong karapatan pero ang sarap manabunot!
I glared at Vice kaya kaagad na napataas ang kilay niya.
"Ang sarap manabunot!"ako
"Ay, 'te. Huwag ako bago. Ito na lang si Mama Dawn. Mahal 'tong bagong hair ko."Vice
As he flipped his hair ay sinabunutan ko kaagad siya. Pasalamat siya hindi pa ako nanggigigil nang sobra.
"Ang sakit!"Vice
"Kairita!"ako
Hailey's POV
I am smiling while waving my hand to these people that I'm seeing in the hallway since I had the best day yesterday. I just really can't contain my happiness yesterday that it lasts until now. It seems like a dream but it's my reality, it's our reality! I hope palaging ganito.