Don Samuel's POV
Pagkapasok ko ng eroplano ay nagtinginan sa akin ang lahat ng mga pasahero. Sheeet! Ang pogi ko talaga—
"Ah, Don Samuel. Marami pa pong pasaherong naghihintay sa likod ninyo."
Tinitigan ko naman ng masama ‘tong isa kong body guard. Basag trip ‘to, buti pa si Baldosters sinusuportahan ako sa kahanginan ko. Hindi kasi siya nakasama eh, majonda na kasi. Hihi!
"Ah, Don?"
Inikot ko ang mga mata ko at nagpatuloy sa paglalakad para makapunta sa upuan ko. Swabeng-swabe lang akong naglalakad habang hawak hawak ang walking stick ko nang makita ko ang batang makakatabi ko.
"Sir, punta na po kami sa seats namin."
I looked at these two na nasa likuran ko at kinunutan sila ng noo.
"Aba, malamang. Alangang kandungin ko kayo."ako
Napakamot naman sila sa batok nila kaya napangisi ako. Ang lakas talaga ng karisma ko kaya pati lalaki tinatamaan sa akin.
I sat on my seat as they went to their seats. Kung nagtataka kayo, babalik na kasi ako sa Pilipinas. Nakakasawa na kaya rito! Kapogian ko na lang talaga ang hindi nakakasawa.
*pogi pose*
I grinned and look at this young lady beside me who's reading a book. Tumingin ako sa unahan at sumandal sa upuan ko. Isa rin pala sa dahilan ko kung bakit ako uuwi kasi magbu-boom boom challenge kami ni Baldo. Sure ako sasakyan ‘nun ang trip ko, ito kasing dalawa mga jubebe eh.
I saw on my peripheral view na tumingin sa akin ‘yung bata kaya lumingon ako sa kanya. She just forced a smile at me at tumingin ulit sa binabasa niya. Halos maglaglagan naman anv lahat ng ngipin ko nang makita ko na ang makapal na librong binabasa niya pala ay Encyclopedia. Wow! Petmalu!
"Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the fasten seat belt sign. If you haven’t already done so, please stow your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in an overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt and also make sure your seat back and folding trays are in their full upright position."
I looked at the flight attendant who's in front at dito ulit sa batang katabi ko. Humarap ako sa kanya kaya tumingin ulit siya sa akin. Numiti ako, ‘yung labas pati wisdom tooth. She smiled back and put the book on her lap.
"Why, Sir? May I help you or something?"
Ay, ano ba ‘yan, English ispukening. I just smiled again. Kumamot ako sa ulo ko at nag-isip kung ano kayang pwede niyang itulong sa akin. May I help you raw eh.
"Ahh, can you... ahh..."ako
Iniikot ko ang tingin ko at nakita ko ang walking stick ko na nakangiti sa akin, nanlalandi na naman eh.
"Ah, pakisandal naman nitong walking stick ko diyan."ako
She raised her brows na para bang nagulat at hindi makapaniwala. Ay, English-era nga pala.
"I'm sorry, hija. I was just about to sa—"ako
"Pilipino ka rin po?"
Mangha niyang tanong kaya naitaas ko na lang ang dalawang kilay ko. Pilipino pala siya! Pero bakit mukha siyang may lahi? Tapos may kamukha pa siya, hindi ko lang mahinuha kung sino.
"Ahh, oo. Pilipino rin ako. Mukha ba ‘kong may lahi?"ako
Nakangiti kong tanong sa kanya na ikinatawa niya. Aba, hindi naman maipagkakaila na nagkakalapit kami ni pareng Keanu Reeves.