Sofia
Ang bilis ng week na 'to. Totoo nga na pag masaya ka, mabilis ang oras. Never nagkaroon ng dull moment samin ni Blaster buong week at ngayon friday na. Kakauwi lang namin galing school at nagpapahinga lang kami saglit.
"Ano kaya susuotin ko?" Tanong ko kay Blaster
"Uyyy pinaghahandaan pagkikita nila ni Unique" lakas talaga mang asar oh
"Bat nga ba kita tinanong" tinignan ko siya ng matalim
"Masugatan naman ako!" Hinawakan niya ang mukha niya at nagkunwaring tinatakpan ito para di masugatan.
"Dami mong arte sa totoo lang"
"Dami mong sinasabi sa totoo lang" balik niya sakin
Humiga ako sa kama ko at nag scroll scroll muna dahil 8pm pa naman sila magkikita ni Unique. Never ko pang nakakausap ng casual si Unique, panay batian lang kami dahil di naman talaga kami close. Sila lang ni blaster. Di ko alam pero medyo na excite akong mameet siya.
Maya maya pa tumayo si Blaster, tinignan ko siya at binuksan niya ang cabinet ko "Hoy cabinet ko yan ah!?" Sigaw ko sakanya
"Diba nag papatulong ka kung anong susuotin mo? Syempre ayoko namang di ka maganda sa paningin ni unique mamaya" pang aasar niya habang patuloy siyang natingin sa mga damit ko.
Hinayaan ko nalang siya at bumalik ako sa pag sscroll sa twitter.
Tinignan ko ang oras sa aking cellphone at nakita kong 6:30 na. Umupo ako sa kama at tinignan ko ang napiling damit ni Blaster.
"Floral polo and shorts plus white shoes?" Tumingin ako sakanya habang hawak ung damit "Nice choice Mr. Silonga. Alam mo na talaga taste ko" ngumiti ako na abot hanggang tenga
"No problem dear"
"Ikaw ba di ka pa magpapalit?" Tanong ko sakanya
"Mauna kana, mabilis lang naman ako eh"
"Ay sabagay"
Kinuha kona ang damit ko at pumasok ng banyo para magpalit. Nag lagay ako ng make up para naman mag mukha akong presentable mamaya.
Blaster
Chineck ko ang oras, 30 minutes na siya sa banyo? Naka tulog naba siya don?
Kinatok ko siya sa banyo "Panget, what's taking you too long?"
"Wait nalang po sir, saglit nalang"
After about 30 seconds binuksan niya na pinto at ang g-ganda niya.
"So how do I look?" Tinanong niya ko with matching beautiful eyes pa
"Uhm maganda..."
"Talaga?" Ngumiti siya
"Maganda kung binilisan mo kasi anong oras na oh? Malelate na tayo"
"Ay" yan lang ang tanging sinabi niya. Dumiretso na siya para mag sapatos "Mag bihis kana rin" utos niya
Dito na ko nag palit kasi naaalibadbaran ako sa banyo tsaka tshirt lang naman papalitan ko, kanina pa ko naka pants.
Saktong pag ka hubad ko ng tshirt ko napatingin sakin si Sofia.
"HOY! WHY ARE LOOKING AT MY SEXY BODY?" Kunwari ay tinatakpan ko pa ang aking katawan
"Yuck! Anong sexy dyan?" Pag susungit niya
"Sus! Tinitignan mo lang abs ko eh"
"Gago wala kang abs! Magbihis kana" binato niya ko ng sofa pillow
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan