[15]

171 7 1
                                    

sofia

"musta naman pag tatrabaho sa jabee?" tanong ni koi sakin.

inaya niya kasi ako mag kape kape sa labas kaya ngayon nandito kami sa starbucks. treat niya nanaman.

"okay naman" humigop ako sa inorder kong strawberries & cream na paborito ko. bigla kong naalala si arisa.

"may co-worker nga pala ako arisa pangalan, mutual friends kayo sa fb. sino yon?"

napatigil siya saglit at napatingin sa akin.

"a-ah si arisa, kaschoolmate ko lang yon" nauutal niyang sagot. bakit parang kinakabahan siya eh tinatanong ko lang naman.

inalis kona sa usapan namin si arisa dahil bigla siyang nailang pero patuloy paring nabagabag sa isip ko kung talagang schoolmate niya lang si arisa.

hindi ko nalang tinanong dahil baka masyadong personal. baka jowa niya yun na tinatago niya shet! or baka naman crush niya hahahaha hay nako nikkoi

"alam mo nga pala yung kantang sinusulat dati ni ter para kay crys?" tanong niya sa akin habang inilalabas ang notebook galing sa bag niya

tumango naman ako.

"naka gawa ako ng pwedeng chorus sa kanta" binuklat niya ang notebook at iniabot sa akin

"aking sinta
ikaw na ang tahanan at mundo
sa pagbalik
mananatili na sa piling mo
mundo'y magiging ikaw"

muli nanaman akong na mangha. ang gagaling nilang mag sulat ng kanta! how to be them po?

gumuhit ang mga ngiti sa aking labi "ang ganda, mas maganda yan pag kinanta niyo ng dalawa"

"hay small thing sofi" sabay hinawi niya ang buhok niya

"nabuo nga pala kami ng banda may naka discover kasi samin dalawa ni ter pagkatapos nung last na tugtog namin sa isang cafe na" dagdag niya pa. mukhang maganda ito ah!

"ay iba na kayong dalawa ah! pero di sakin yan nabanggit ni ter" nakaktampo naman

"sabi ko kasi sakanya secret muna habang di pa naman sure" inabot kona pabalik yung maliit niyang notebook

"ah, pero good luck ha! wag niyo naman akong kakalimutan pag ka sumikat na kayo" nag pout ako at nag puppy eyes

"pacute ka" ginulo niya ang buhok ko

"sino ka nga ba ulit?" pagbibiro pa neto

"loko!" binatukan ko siya "hindi pa man din nag sisimula ang yabang na"

"ganon talaga pag pogi" tinaasan niya ako ng kilay at nag hand gesture ng 'pogi'





matapos ang mahabang pag tambay namin sa starbucks sa wakas naisipan na rin ni nikkoi na umuwi na kami

"kaya ko na nga sarili ko" pag pupumilit ko sakanya

"hatid na nga kita"

"kulit oh! sayang sa pamasahe"

"okay lang yon! dali na tara na!" hinatak niya ako na parang bata pasakay sa jeep

wala nanaman akong nagawa diba. siya naman lagi na susunod eh. pero okay na din na may kasabay pauwi, nakakatakot din kasi daan samin wala kasing street lights yung iba don kaya madilim.

nights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon