dumating na ang pinaka iintay na araw ni arisa at ng kanyang mga kaibigan. ngayong araw na ang kanyang 18th birthday.
maagang nakatulog si arisa kagabi kaya hindi na sila nakapag usap ng kanyang kuya. sa kabila ng lahat ng nangyari kagabi ay umaasa nalang siya na maayos ang lahat.
kasunod ng pagdilat ng kanyang mga mata ay ang ngiting walang katumbas. nag inat ito at tumayo agad sa kama. bago pa man siya lumabas ng kanyang kuwarto ay may napansin siya sa kanyang side table.
lumapit siya at tinignan kung ano ito.
"letter?" ani niya
agad niyang itong kinuha at binasa.
"baby im sorry sa mga nangyari last night. everything is alright now wag kana mag alala. sana hindi ka galit kay kuya. dapat sasabihin ko 'to sayo kagabi kaso you were sleeping na. happy birthday baby! don't forget to smile -kuya"
sa maikling letter ni zild na iyon ay hindi napigilan ni arisa ang maiyak. agad siyang pumuntang cr para mag hilamos at mag toothbrush.
pagkatapos noon ay hindi na nagdalawang isip si arisa na puntahan ang kanyang kuya sa kwarto nito.
kumatok muna ito ng ilang beses bago pumasok pero akmang bubuksan na din pala ni zild ang pinto kaya sa kasamaang palad tumama ang pinto sa noo ni zild.
"aray!" sambit nito habang nakahawak sa noo niyang natamaan
"oh my god im sorry kuya" natatawang sabi ni arisa at bahagyang niyakap ang kanyang kuya
"no its okay, i should be the one saying sorry right now" sambit ni zild
kumalas naman sa pagkayakap si arisa at umupo silang dalawa sa kama ni zild.
ipinaliwanag lahat ni zild ang nangyari, sinabi niya na rin na nagkapatawaran na sila ni sofia. hindi maikakaila ni zild na masakit parin na hindi na sakanya si sofia.
sinabi na rin ni zild ang tungkol kay sofia at blaster na natanggap din naman agad ni arisa.
matagal niya na daw itong nararamdaman pero iniintay lang ni arisa na si sofia ang magsabi sa kanya.
nang matapos ang mahabang usapan. bumaba na silang dalawa upang mag umagahan. naka receive din si arisa ng morning text mula kay nikkoi.
hindi na maitago ni arisa ang pagka excite sa kanyang kaawaran ngayon. masaya siya dahil naayos agad ang lahat.
sa kabila naman, si sofia ay maaga ring nagising. kahit halos limang oras lang ang kanyang tulog pakiramdam niya ay para bang napaka sigla niya ngayong araw.
kinuha niya ang phone niya upang icheck ang instagram story ni arisa para maging updated kung ano na ang nangyayari.
nakita niya ang litrato nila ni zild habang nag bebreakfast. lalong gumaan ang pakiramdam ni sofia dahil alam niyang okay na si arisa at zild.
ilang minuto pa ang lumipas biglang may nag direct message sakanya at napangiti nalang si sofia ng makita niya kung sino ito.
[ a/n: here's a visual medj tinamad magtype ang tita niyo ♤ ignore the time btw hehe ]
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan