[20]

139 5 0
                                    

blaster

dalawang araw na nakalipas simula nung naka uwi kami galing kala sofi. dalawang araw na rin nakalipas simula nung nangyari ang di ko inaasahang gagawin ko.

hindi parin yon mawala sa isip ko, at alam kong hindi yon natatandaan ni sofi. pero seryoso kaya siya ginawa niya nung gabing yon?

ay lasing nga pala siya non. pero, ako ba seryoso ba ko?

"kailangan mo ng salbabida?" tanong sakin ni unique at bumalik naman ang isipan ko sa realidad

tinignan ko siya "mag suswimming ba?" seryosong tanong ko

"parang nalulunod kana kasi dyan sa mga iniisip mo, kanina kapa tulala"

biglang bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin ni koi sa pintuan.

dumating na si zild at kuya badj, last rehearsal na namin ngayon dahil bukas na ang first gig namin sa route 196.

magkahalos kaba at excitement ang nararamdaman ko pero pangarap ko naman to, at kasama ko pa ang best friend ko.

"lets start" mando ni zild sa amin at nag simula na ang rehearsal.

unang kakantahin namin ang kantang sinulat ni zild na 'where have you been, my disco?' kami nalang ang nag arrange at nag improve ng kanta.

sunod naman ang 'ilaw sa daan' na sinulat ni koi pagkatapos ang 'hey barbara' huli naman ang sinulat namin ni koi at sofia na 'mundo'

apat na kanta lang ang kakantahin namin pero marami pa kaming winowork out na songs agad.

pagkatapos namin mag praktis kumain kaming apat sa jollibee.

"zildjan ano iyo?" tanong ni koi kay zild

"zild nalang please. one piece chicken, thigh part plus upgrade my drink to coke float" sagot nito

tumango naman si unique.

"ikaw kuya badj?" tumingin naman kami kay kuya badj

"ganon nalang din" simpleng sagot ni kuya badj

hindi na ako tinanong ni koi dahil alam niya nanaman siguro kung ano oorderin ko, syempre the usual lang.

habang iniintay namin si unique maka order hindi ko mapigilang di mag mag salita.

"oo nga pala guys may isasama ako bukas" sabi ko sakanilang dalawa

"oh really, who?" tanong ni zild sakin

"malalaman mo din bukas"

"ako isasama ko girlfriend ko" singit ni kuya badj

"yes may lovelife pala!" sagot ko habang medyo natatawa tawa

"syempre no! di ako basta basta" pagbirong sagot ni kuya badj

"isama ko kaya sister ko?" tanong ni zild

"sure! para naman may mga support tayo bukas diba. kahit isang barangay pa isama niyo"

hindi namin maitago ang excitement naming lahat, pagkatapos naman naming kumain umuwi na si badj at zild.

"ano tol uwi na din ako" paalam sa akin ni unique

"oh sige, dadaan pa ako kila sofia" sabi ko sakanya. binigyan niya naman ako ng ngiting nakakaloko.

"bakit?" takang tanong ko

ngumiti pa siya lalo "hmm wala naman"

binatukan ko siya "loko loko"

nag part ways na kami kasi iba yung jeep na sasakyan niya sa jeep na sasakyan ko.

mas nauna akong umalis kesa sakanya.





***




"sofi" katok ko sa pinto niya

"wait lang" sigaw niya sa loob

pag bukas niya ng pinto nagulat ako dahil naka tuwalya lang siya, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sakanya pero im trying my best okay!?

"hoy ano tatayo ka nalang dyan? bilisan mo naliligo ako!" hinatak niya ko papasok at sinarado na ang pinto

"wag mo nga ako titigan ng ganyan" sabi niya at tuluyan ng pumasok sa loob ng banyo

"di ko alam parang pang model pala katawan mo" pagbibiro ko

"ugok!" sigaw niya mula sa banyo

inintay ko siya matapos maligo, malamang.






"ano sadya mo?" tanong niya habang nag susuklay ng buhok

"iimbitahin sana kita"

"wow ang formal naman, pwede mo naman akong itext" sabi niya at natawa ng konti. umupo siya sa tabi ko.

"bukas na ang first gig namin as a band" masigla kong balita sakanya. kitang kita ko na sobrang laki ng ngiti niya.

"HALA? OH MY GOD CONGRATS!" niyakap niya ko, sobrang higpit.

"SOBRANG PROUD KO SAYO" naarte pa siya na parang naiiyak iyak pero nananatili siyang naka yakap sa akin.

"salamat BEBE"

"h-ha? bebe ka dyan" kinalas niya ang yakap niya sa akin

"wow! ikaw kaya unang tumawag sakin niyan" balik ko sakanya

"gusto mo naman?"

ngumiti lang ako at nag kibit balikat.

"so, san na nga yung gig niyo?" tanong niya

"sa route 196, 7pm. hatid kita pauwi dito don't worry" sabi ko para pumayag siya kahit late na matapos

"sure i'll be there before 7! gusto ko may reserved seat ako don ha" natatawang sabi niya

"oo, gusto mo dun kapa sa tabi ko habang nag gigitara ako" biro ko sakanya at binatukan niya naman ako!

"loko loko!" bulyaw niya sabay pinisil pa ang ilong ko

"nasasanay kang saktan ako ah!" pag rereklamo ko

"hindi naman kita sasaktan, hinding hindi" seryosong sabi niya, na para bang may pinapahiwatig siya.

"joke lang! paniwala ka naman" tapos ginulo niya pa ang buhok ko

nag pout na lang ako at pinatong ko ang paa ko sa table

"di kapa ba uuwi?" tanong niya

"pinapauwi mo na agad ako?"

"hindi naman sa ganon, tinatanong ko lang"

tumawa naman ng onti dahil akala niya ata nagagalit ako.

"hindi sige, uuwi nako" pag papaalam ko sakanya "pahinga kana" ngumiti ako at pinisil ang ilong niya

hinatid niya naman ako hanggang sa pintuan nila at dumiretso na ako umuwi sa amin.

hindi agad ako naka tulog dahil sa totoo lang nae-excite talaga ako para bukas.

napagtanto ko na madaling araw na kaya pinilit ko nalang pumikit para makatulog.

nights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon