blaster
nagising ako at tumingin sa paligid. napagtanto kong hindi ko pala 'to kuwarto. umupo ako sa kama at dun ko lang narealize na nandito ako sa kuwarto ni crys.
tumayo ako agad at bumaba sa sala.
"gising kana pala" nakangiting bungad niya sa akin
"b-bakit ako nandito?" takang tanong ko
wala akong masyadong maalala kagabi bukod sa tumugtog kami at nag inuman. hindi ko na maalala mga pinag usapan namin pero alam ko lasing kaming lahat.
pumasok bigla sa isip ko na nandon si sofia kagabi. paano kaya siya nakauwi? baka hinatid ni koi
"you wanted to stay here" sagot ni crys habang nag luluto "don't worry, ikaw at ako lang ang nandito" ngumisi siya
"w-wait d-did w-we?" nauutal kong tanong, alam kong gets niya na kung ano ang gusto kong itanong.
hindi siya sumagot, tinignan niya ako at ngumiti ng napakalaki habang patuloy na nag luluto.
"you gotta be kidding me" hindi pwede! hindi maari! hindi ako naniniwala
"no, darling" tanging sagot niya
"uuwi na ko" kinuha ko ang bag ko at akmang bubuksan ko na ang pintuan ng bigla siyang mag salita ulit
"subukan mong lumabas, sasabihin ko kay sofia" pananakot niya sa akin. nanlaki ang mata ko at tumigil ng ilang segundo habang hawak ko parin ang door knob.
pagkatapos kong magisip saglit, binuksan ko ang pinto at lumabas na ng bahay nila.
wala na akong time makipag gaguhan sakanya. tapos na kami at hindi na maibabalik ang dati.
pumara ako ng tricycle at naisipan ko namang dumaan muna kila sofia bago ako umuwi para icheck siya kung ano nangyari sa kanya.
"oh bakit nandito ka?" gulat na sabi niya
"good morning" medyo tinakpan ko ang bibig ko dahil naalala ko di pa ako nag totoothbrush
kahit di niya pa ako pinapapasok pumasok na ko agad sa loob. laking gulat ko naman ng nakita ko nandon si zild naka upo sa sofa.
"uy ter, what happened last night?" natatawang tanong niya. well ako hindi ako natatawa.
pumunta muna ako sa sink para mag mumog at mag mouthwash dahil wala naman akong dalang toothbrush. pinag timpla ako ni sofia ng kape at naka upo ako ngayon sa sofa katabi ni zild.
"wala" sagot ko sa tanong niya. di ko alam pero nabadtrip ako nung nakita ko siya na nandito. ganon naba talaga agad sila kaclose ni sofia para pumunta punta dito?
walang nag sasalita sa aming tatlo matapos ang usapan na yon. tanging audio lang galing sa tv ang maririnig mo pati ang tunog ng electric fan.
"zild, i think you should leave muna. may kailangan lang kami ni blaster pagusapan" sabi ni sofia habang naka tingin siya sa cellphone niya na parang naiiyak na siya
"are you alright?" tanong ni zild ka sofia. tumango lang siya at nag paalam na si zild.
"b-bakit fi?" kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari
"lalaksan ko na ang loob kong sabihin to sayo" tinignan niya ang aking mga mata. kita kong nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata "kelan kaba matututo?" tanong niya sa akin
"bakit ka ba bumabalik sa isang tao niloko ka? hindi kapa pagod masaktan? naalala mo nung gabing nagkita tayo nung hiniwalayan ka niya? halos mamatay kana sa lungkot non ter! ayaw na ayaw kita nakikitang malungkot, ayaw kitang makitang nalulungkot" kasabay ng mga salitang binibigkas niya ay ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata
'ganito niya ako kamahal' sabi ko sa aking isipan
wala akong ibang magawa kundi yakapin siya ng mahigpit. lahat ng bagay na ikinasasaya ko gagawin niya para sa akin. yumakap naman siya pabalik.
"sorry sofia" hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang mga luha na patuloy dumadaloy sa kanyang makinis na pisngi
"nabigla lang ako kagabi, parang tumalon yung puso ko nung nakita ko siya. parang naramdaman ko yung unang beses ko siyang nakita. parang--" hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil parang mali ito
"mahal mo paba siya?" seryosong tanong niya sa akin
hindi ako umimik.
ang tanga mo talaga blaster! hindi ka marunong mag desisyon.
"you don't have to explain kung oo. basta tandaan mo pinag sabihan na kita." kumalas siya sa pag kakayakap sa aking tagiliran
tumayo siya at pumunta sa ref para kumuha ng tubig at uminom.
alam ko sa sarili kong hindi ko na mahal si crys, pero iba lang talaga yung naramdaman ko nung gabing yon. hindi ko lang maamin sa kanya dahil sa tingin ko... nahuhulog na ako kay sofia.
mas mahalaga sa akin ang friendship kesa sa anupamang relationship dyan. ayoko siyang maging girlfriend dahil baka dumating ang araw na hindi kami mag kaintindihan at madamay pa pati ang pagkakaibigan namin.
natatakot ako dahil siya nalang ang nandyan sa akin, ayokong mawawala pa siya.
"siguro kailangan na nating magpahinga" suggestion niya
"sige uuwi na muna ako. salamat." pag papaalam ko sakanya
bawat hakbang pa layo sa kanya pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko.
'duwag mo blaster'
katagang nag lalaro sa aking isip.
hindi ko man lang kayang ipag laban ang nararamdaman ko para sakanya. pero hangga't nandito ako iingatan at aalagaan ko siya.
to koloKOI:
pare asan ka? ano na nangyari sayo
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan