blaster
"love" tawag niya sa akin habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang malambot na kamay.
"hmm?" sagot ko habang naka pako ang aking tingin sa telebisyon.
trinace niya yung mukha ko gamit ang kanyang malambot na daliri na ikinangiti ko naman "ang gwapo mo talaga" pinisil niya pa ang ilong ko.
umayos ako ng upo at hinawakan ko ang kanyang pisngi "matagal na" pabiro kong sagot na ikinatawa niya naman.
"dapat pala hindi ko nalang sinabi"
"don't state the obvious kasi" sambit ko sabay ginulo ko ang kanyang buhok.
"kung panaginip lang 'to sana wag na matapos" sabi niya naman. kumapit siya sa braso ko at inilagay ang kanyang ulo sa akin balikat.
"kahit makatulog ka pa at magising muli... walang magbabago." inangat ko ang kanyang ulo at iniharap sa akin. binigyan ko siya ng isang napakatamis na halik na puno ng pagmamahal.
hindi ko rin na malayan na nakatulog na pala kaming dalawa dito sa sofa, pagkatingin ko sa orasan ay pasado alas dos na ng madaling araw. agad akong tumayo dahil baka masakit na ang hita ni sofia. dahan dahan ko siya binuhat at inilapag sa kanyang kama ngunit nagising pa rin siya.
"matulog kana ulit" nakangiti kong sambit at ti-nap ko ang kanyang ulo.
hindi siya nag salita, basta niya nalang akong hinila papunta sa kanyang kama.
marupok ako.
"dun na ako sa sofa" kahit gusto ko siyang makatabing matulog ay ayoko rin naman.
"matutulog lang naman tayo" pabulong niyang sinabi na halos hindi ko na nga marinig. niyakap niya ako kaya wala na rin akong nagawa. hindi naman talaga ako papalag eh hehe.
hinalikan ko siya sa noo at ipinikit ko na rin ang aking mata dahil antok na antok na rin ako.
***
sofia
"wait lang" sigaw ko ng may kumatok sa pintuan. nagmamadali na akong mag ayos dahil magkikita kami ni arisa ngayon. kakain kami sa paborito kong japanese resto.
pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng si arisa ang bumungad sa akin.
"oh akala ko ba dun na tayo magkikita?" nagtatakang tanong ko.
pumasok siya sa loob at umupo sa sofa habang nagsasapatos na ako.
"na-excite lang" natatawang sambit niya.
"parang ang tagal nating di nagkita ah?" pabirong tanong ko.
nang matapos na akong magsapatos inilock ko na maigi ang lahat ng pinto at bintana. mabuti nalang at hindi traffic ngayon.
agad kaming nakarating duon sa japanese resto. ang tagal na rin naming hindi nakakakain dito. actually, di lang ako ang may favorite dito. kami ni koi. lagi kaming nandito dati, kami nila ter.
pagkapasok namin napakagaan ng pakiramdam ko, napakaraming alaala ang bumalik sa aking isipan. napangiti na lang ako.
"table for two?" tanong nung babae. tumango naman ako.
sinundan namin ang babae at pinapuo kami sa table na bandang gitna. medyo may kalakihan din tong resto na 'to kaya medyo maingay din ang paligid dahil maraming nagkwekwentuhan at nagtatawanan.
napansin ko bigla na parang hindi mapakali si arisa lingon siya ng lingon na para bang may sinusulyapan siya. hindi muna ako nag tanong, tinignan ko ang direksyon ng tinitignan niya.
nagulat ako ng bahagya ng makita na nandito rin pala si nikkoi... at mag-isa lang siya. nakatingin sa menu.
tumikhim ako at napukaw ko naman ang atensyon ni arisa. tinaasan ko siya ng kilay na tila tinatanong ko kung anong balak niyang gawin.
sumulyap pa siya ng isa at nagkibitbalikat. ilang buwan na rin makalipas simula nung huli silang nagkita. simula nung huli namin siyang nakita, dahil nga lumipat na sila ng bahay. at nakakagulat na makita namin siya dito dahil balita ko malayo ang nilipatan nila.
pagkatapos namin umorder, nawala na sa wisyo si arisa. nararamdaman ko na gustong gusto niya na talagang lapitan si koi pero andaming dahilan ang pumipigil sa kanya. naisip ko rin baka hindi pa handa si koi na makipag-usap sa amin ulit.
seryosong nakain lang si koi mag isa. hindi naman sa pag-aano pero kita kong malungkot siya. at ang lungkot din naman talagang kumain mag isa, diba?
"sige na" hindi na napigilan ng bibig ko ang magsalita dahil kanina pa kaming dalawa tahimik.
mabilis siyang umiling, nakita ko ang kanyang mata naiiyak na siya.
"huminga ka nga ng malalim" inabot ko sa kanya ang tubig na nasa table namin "inumin mo 'to"
"n-natatakot ako" nanginginig na sambit niya.
hinawakan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa table "si koi lang yan, si nikkoi pa rin yan." naka ngiti kong sambit.
muli kaming tumahimik nang dumating ang pagkain, seryosong nakain lang si arisa na para bang na kay unique ang kanyang isip. pansin ko ring pinipigil niya ang sarili niyang lumingon pero nabibigo siya.
napansin kong malapit ng matapos si koi kumain kaya napagpasyahan kong sabihin kay arisa "baka matagalan ulit pagkikita niyo."
sumenyas si koi na 'bill out' na. mabilis namang inabot ng waiter sa kanya ang isang resibo at binayaran niya ito. sabay tumayo na rin agad.
tumikhim akong muli para senyasan si arisa pero hindi siya na tingin sa akin, hanggang sa makalabas na si unique ng resto ay wala pa rin siyang ginagawa.
"ANO YON?" napalakas ang pagkakasabi ko na ikinagulat niya.
"bakit ako ang maghahabol?" madiing tanong niya sa akin.
napaisip nga rin ako. pero kesa naman saktan mo ang sarili mo ng ganito. hindi ko na iisipin na paghahabol yon, kumbaga pangangamusta lang.
ilang segundo ang lumipas, kinain din ni arisa ang kanyang sinabi. tumayo siya at tumakbo palabas na resto.
napa-ngiti naman ako ng bahagya at tumuloy sa pagkain.
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan