unique
'arisa arisa' hindi mawala sa aking isipan. bat ba nagkaroon kapa ng koneksyon sa isa kong kaibigan? tsaka sa dinami rami ng kaibigan ko kay sofia pa talaga
si sofia benitez, ex girlfriend ko, first heart break ko rin.
minahal ko ng sobra pero kagaya ng kay ter, pinag palit din ako sa iba.
mabait siya kung sa mabait pero bumabalik pa rin lahat ng sakit sa tuwing nakikita ko siya.
ayoko na maging close sila ni sofia na umabot sa punto na napunta pa sa bahay nila ari si sofi.
baka pag nangyari yon mailang na ako na pumunta don.
hindi ako galit sakanya pero naawa din naman ako sa sarili ko. ayoko na masaktang sarili ko no, sawang sawa na ako.
hindi ko malaman sa pogi ko tong nagawa niya pa akong iwan!
pero walang halong biro, minahal ko siya ng buong puso ko. siya lang ang minahal ko ng ganon.
ilang buwan naba nakalipas? 9 or 10 months? matagal na rin pero yung sakit talaga di parin mawala wala.
nasagip naman ako sa pagkakalunod ko sa mga thoughts ko dahil biglang tumunog ang aking cellphone
from bebe b:
bamboo may meeting daw mamaya after lunch papakilala na daw yung dalawa pang magiging kamember natin sa banda
nawala ang kalungkutan sa aking kaisipan dahil sa sobrang excited kong malaman kung sino ang dalawa pang magiging kabanda ko
napatayo na ako ng higaan, pagbaba ko naman ay naka luto na ng umagahan. dinamihan ko ang pagkain para may enerhiya ako mamaya.
mahalaga ang first impression kaya dapat umpisa palang magustuhan na nila agad ako.
dumiretso ako sa meeting place namin ni blaster para sabay kami pupunta don sa pag memeeting-an
"pormang porma tayo ngayon ah" bati ni blaster sa akin
"inggit ka naman"
tumawa lang si blaster at tumuloy na kami sa dapat naming puntahan
***
pag pasok namin agad kong napansin ang dalawang lalaking nakaupo, naka talikod silang dalawa.
yung isa kulot na medyo long hair at yung isa naman sakto lang medyo chubby.
"oh ayan na pala sila" usal ng magiging band manager namin kung sakali
tumayo ang dalawang lalaki at humarap sa amin.
nagkatinginan naman kami agad ni blaster at ngumiti sa isa't isa.
sa tingin ko makakasundo ko 'tong mga 'to. pareparehas kami ng get up eh.
unang nakipag kamay sa akin ang lalaking naka shades, yung medyo chubby "christian gabriel, pero badjao tawag nila sakin"
b-badjao? HAHAHAHAHA pangalan pala yun
"unique, pwede nikkoi pero mas gusto ko kung pogi nalang" natawa naman siya
yan ang sinasabi ko sainyong first impression!
sunod na lumapit naman yung lalaking kulot.
mukha siyang tita na masungit, pero ang ganda niya ah. shet nababakla na ba talaga ako?
"hi im daniel zildjan, zild for short" ay shet englishero
"im unique you can call me nikkoi for short, koi for shorter" tangina tama paba grammar ko, hirap kausapin neto.
natawa naman siya, sa tingin ko mali. napangiti nalang ako.
"looks like magkakasundo sundo agad kayong lahat" singit ni Ms. Reyes, yung soon to be manager namin.
pagkatapos ng short meet and greet namin, umupo na kami at kinausap na kaming apat tungkol sa banda.
di ko malaman bat hindi mapakali kuya mo blaster. naiihi ba 'to?
"ter" bulong ko sakanya
"oh?" nakakunot na ang kanyang noo
"bat di ka mapakali?" tanong ko habang naka tingin parin ako kay Ms. Reyes
"matagal paba 'to?" napa baling naman ang tingin ko sakanya at pinag papawisan na siya
"di ko alam bakit?"
"n-na jejebs na kasi ako" sabay punas ng pawis sa noo niya
pinipigilan kong humagalpak ng tawa dahil sa tingin ko ay matagal tagal pa itong meeting na to.
baka di na siya maka tagal dito pa siya magkalat.
hindi magandang first impression yon diba? hahaha
pagkatapos ng mahabang meeting ay agad na pumunta si blaster sa cr habang ako naman ay nakipag kwentuhan muna sa kanila.
"anong pinagkakaabalahan niyo bukod sa pag tugtog?" tanong ko sakanilang dalawa
"i just got back here from states. i've been here for almost three months." hay englishan nanaman
"di kana nag aaral?" tinagalog kona punyeta
"im going to continue my studies here in the philippines"
hindi silang dalawa nangiti kaya mukhang di sila natutuwa sa pinag gagagawa ko.
"ako naman di nako nag aaral, tapos na ko" sagot ni badjao
"ah ilan taon kana ba?" tanong ko pa ulit
"23 na"
"dapat pala kuya itawag ko sayo, kuya badj" ayun! napatawa ko rin silang dalawa
"asan nga pala yung isa mo pang kasama?" tanong ni zild. lintek! nag tatagalog naman pala talaga siya ineenglish pa ko
"call of nature" pagkasabi ko non ay biglang dumating na rin ulit si ter
kumaway naman siya sa akin na para bang walang nangyari, na para bang napadaan lang siya sa banyo.
"hi guys!" bati nito at umupo sa tabi ko
"hi" sabay nilang bati kay ter
"medyo may emergency lang kaya nawala ako saglit" pagdadahilan pa nito
"we know" patawang sagot ni zild
baka malintikan ako neto kay ter pero buti nalang di na siya nag tanong tanong pa.
matapos ang mahabang kwentuhan namin tungkol sa buhay buhay namin, nagkasundo sundo na agad kami.
para bang matagal na kaming magkakakilala, masaya naman ako na matutupad na ang isa sa mga pangarap ko. ang maka buo ng banda plus points pa na kasama ang best friend ko.
"una na ako koi" tinapik ni blaster ang balikat ko
"sabay na tayooo" pigil ko sakanya
"pupunta pa ako kila fifi" inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya
"oh! tamang tama sama na ako"
"koi next time nalang, may importante kasi kaming paguusapan" seryosong sagot niya sa akin
ano naman kaya yung pag uusapan nila at mukhang seryoso.
hinayaan ko nalang siya at nauna na siyang umalis.
nabored na rin ako dahil nag si-alisan na din sila kaya umuwi nalang din ako sa amin.
***
Author's Note
magiging medyo slow update muna tayo mga mokmok medyo busy lang ngayon. pero promise tatapusin ko 'to! salamat sa mga nag babasa, sana nag eenjoy kayo!
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan