[28]

153 3 0
                                    

sofia

natapos ko ng ayusin yung gamit ko kasi maya maya susunduin na ako ni zild dito samin para nga sa practice nung cotillion.

im a little bit excited pero mas nananaig yung kaba ko, feeling ko mapapagalitan ako or something kasi diba nga parehas kaliwa paa ko.

ilang minuto ang naka lipas narinig ko na ang busina muna sa sasakyan ni zild. kinuha kona ang bag ko pati ang house keys.

sinigurado kong naka lock na ang pinto at naglakad nako papunta sa kotse.

"hello beautiful" bati sa akin ni zild pagkabukas ko ng pinto. sinuklian ko naman siya ng isang malaking ngiti.

pag pasok ko sa kotse ay may kinuha siya sa backseat. roses, inabot niya sa akin.

"kasing ganda mo" he smiled, kinuha ko naman ang flowers na binibigay niya.

"thank you, you don't have to give me such things" nahihiya kong sagot

"from now on masanay ka na" he said while looking at the road kasi kung hinde baka mabangga kami diba

hindi ko nanaman alam kung anong mararamdaman ko sa mga pinag sasasabi niya. lagi mo nalang pinapabilis tibok ng puso ko benitez!



hindi naman kalayuan yung place kung saan kami magpapractice at hindi rin masyadong matraffic kaya nakarating kami don agad.

pinagbuksan ako ni zild ng pintuan sa kotse. binilisan ko ang pagbaba dahil nahihiya ako, kahit matagal niya ng ginagawa 'to hindi parin ako masanay sanay.

nauna siyang maglakad at sinusundan ko lang siya. sumakay kami ng elevator, priness niya ang number 4.

pag bukas ng elevator nag lakad kami (malamang) dumiretso, kumanan tas kumanan ulit.

pag pasok ko sa pinto na kita ko agad si blaster, waw ang aga niya ha? agad ko rin naman siyang binati "uy ter" kaway ko sakanya

"hi madam!" kumaway naman siya pabalik. lumapit ako sakanya at dun umupo sa tabi niya. saktong 5pm lang naman ang oras at isang tao nalang ang hinihintay.

wala pa si koi at arisa sabi nila maya maya nalang daw sila pupunta para icheck kami.

matapos ang ilang minuto, bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang isang napakagandang babae. kulot ang buhok niya, hindi rin katangkaran, pero napaka amo ng mukha niya sobrang baby face.

lumapit siya dun sa bakla, yun ata yung magtuturo saming sumayaw, may sinabi siya.

"okay dahil nandito na kayong lahat mag sstart na tayo" pag tawag niya sa atensyon namin

tumayo na kaming lahat at binulungan ko si blaster "nako po sir mukhang yun yung partner mo" tinuro ko yung babaeng kulot gamit yung nguso ko

"ganda niya no" dagdag ko pa. bakit koba 'to sinasabi sakanya.

nagkibit balikat siya at sinabing "mas maganda ka" tapos ngumiti

blaster naman! ayan ka nanaman eh, pinapabilis mo nanaman yung tibok ng puso ko. tama na please.

naputol ang usapan namin ng tawagin na ako ni zild dahil kami nga ang magkapartner. at tama ako! yung kulot nga kapartner ni ter.

"do you all know each other here?" tanong nung bakla

umiling naman kami.

"okay listen up, it's better if magkakakilala kayo so introduce yourselves" utos niya sa amin

nauna na si zild "hello everyone, i'm zild"

sumunod naman ako "i'm sofia" nginitian ko sila

"i'm blaster" tumango siya

nights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon