[22.1]

137 5 0
                                    

sofia

"u-unique kamusta?" nauutal na bati ni arisa kay unique. halata sa mukha niya na kinakabahan siya at tinignan ko si unique. mukhang masusuka na siya sa kaba anytime soon.

"okay lang" walang ekspresyon sa kanyang mukha

"wait you know unique too?" tanong ni zild

"kuya he's koi"

kita ko ang gulat sa mukha ni zild "y-you mean nikkoi?"

"wait, so arisa magkapatid kayo ni zild?" singit ko naman

"ah oo. di ko alam na magkakilala pala kayo."

"no. ngayon lang kami nagkakilala actually" sagot ni zild

ngayon pa lang bumalik yung drummer may kasamang babae tsaka si crys at ter. di ko maiwasang hindi ma badtrip.

ano kaya ginawa nila? san kaya sila nag punta? teka ano ba karapatan ko para malaman yon

umupo na silang lahat sa table ganon parin. sa kaliwa ko si zild at sa kanan ko naman si unique. katabi ni zild si arisa, katabi naman ni unique si badj tsaka yung girlfriend niya. then si ter na at crys.

parang walang nangyari ah? magkatabi na ulit? magkausap na ulit? galing naman

tinuon ko nalang ang atensyon ko kay unique dahil mukhang kanina pa siya di mapakali "okay ka lang ba?" bulong ko sakanya

"ikaw, okay ka lang ba?" tanong niya sa akin pabalik. hindi ako sumagot at tinignan ko nalang siya.

"parehas lang tayong di okay" ani niya

lord, gusto ko na po umuwi. inaamin kona na nasasaktan na po talaga ako sa nakikita ko. kanina pa ko nag titimpi dito sa babaeng to. baka di ako makapag pigil at hilahin ko nalang ang buhok nito.

"so sofia" tawag ni zild sa atensyon ko "any thoughts about our set kanina?" tanong niya

"super galing niyo! lalo na si koi syempre" tumingin ako kay koi at ginulo ang buhok niya

"kuya badj si sofia nga pala, bestfriend namin ni BLASTER" pagpapakilala ni unique sa akin sa drummer boy

"hi kuya badj" naka ngiti kong bati kay kuya badj tsaka sa girlfriend niya

"hi sofia! nice to meet you, lagi ka nakukwento ni blaster" nagulat naman ako sa sinabi ni kuya badj

"h-ha? parang hindi naman!" dipensa ni blaster

nagkaroon ng panandaliang katahimikan. tumawa naman si koi para basagin ito.

nag order si kuya badj ng isang bucket ng san mig lights (a/n: not sponsored hahaha) wala kaming ibang ginawa kundi mag inom at magkwentuhan.

mukhang napaparami na kami ni koi ng inom dahil sa nararamdaman namin ngayon. hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni arisa noon pero kita ko sa mga mata niya na masakit.

naging komportable na din ako makipag usap kay zild at feeling ko close close na kami kahit ini-english niya kami.

nakikitawa din sila crys at ter. pero si ter parang lasing na lasing na.

"ter tama na kaya?" kuha ko sa boteng hawak niya

"last one nalang madam" hirit niya

"let him drink sofia, wag ka magpaka nanay dyan" sabat ni crys

"let him? papauwiin mo siya ng ganyan?" pataray kong sagot

"hayaan mo siya mag saya" tinaasan niya na ko ng boses

nights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon