sofia
napagdesisyunan ko na kumuha ng summer job para hindi naman ako puro gala at puro higa sa bahay. nag apply ako sa isang sikat na fast food chain at agad naman akong natanggap.
hindi ko pa ito sinasabi kahit kanino dahil alam ko pag nalaman 'to ng mama ko papatigilin niya ako.
sasabihin non pinapadalhan naman niya ako. oo sapat na yon pero para na akong pabigat. kaya ko na din namang magtrabaho.
bukas na ang first day ng summer job ko, aaminin ko medyo kinakabahan ako kasi first time din to. pero kakayanin ko syempre! ginusto ko 'to eh.
napatingin naman ako sa cellphone ko nung bigla itong nag vibrate.
si mama nag text
"nak bisita kau nxt week dito fiesta, sma mo sila mitchelle"
ah. next week na pala yon? muntik ko ng makalimutan.
pinag isipan ko muna kung pupunta ba ako don o wag nalang kasi nga may summer job na ako pero naisip ko isang beses sa isang taon lang naman to kaya gora na!
tinext ko si blaster at nikkoi kung gusto nilang sumama sa paguwi next week 2 days kami mag iistay don kaya mag paalam na sila.
parehas naman silang um-oo kaya medyo na excite ako. masaya kasi pag mag kasama silang dalawa sobrang nakakatawa sila, nag beblend sense of humor nila. o waw may pag ganon pa!
***
"hi mam welcome to jollibee what's your--" napatigil ako. nagkatinginan kami.
"bat ka napatigil?" ngumisi siya
"can I take your order po?" pagpapatuloy ko
"pa order nga ng isang blaster silonga kasi inagaw mo siya sa akin" what??? hibang naba 'to. anong inagaw?
"as far as I remember wala akong inagaw at ikaw ang nag loko. so mam can I take your order?" ulit ko pa
natawa siya ng bahagya "oh dear sofi, akala mo ba di ko alam na matagal mo ng napupusuan ang boyfriend ko?"
"you mean EX boyfriend?" balik ko sakanya "crys if you want to argue with me this not the right time and the right place so if you're not going to order anything then please leave because you're taking too much time" I calmy said
tinaasan niya ako ng kilay "2pcs chicken joy and 1 choco mallow pie"
"yun lang po mam?"
tumango lang siya at pinaside kona siya para makuha na ang order ng susunod na customer.
bat ba lagi na kaming pinagtatagpo ng tadhana? at bakit nga iba na siya? hindi naman siya ganyan dati ang bait bait niya sakin.
bakit ngayon parang nalabas pa na ako ang may kasalanan bakit sila nag hiwalay eh siya naman ang lumandi.
pagkatapos ng shift ko tsaka ko lang na check yung phone ko at ang dami kong missed calls from blaster.
agad ko naman itong tinawagan pabalik
"SOFIA!" sigaw niya sa kabilang linya kaya medyo nailayo ko ang phone ko sa tenga ko
"po?" paawa kong sagot dahil alam kong galit siya at nag aalala
"where have you been? bat di mo sinasagot texts and calls ko! kanina pa ko nag aalala sayo. pumunta ako sa bahay mo wala ka naman don. di ka man lang makapag text! gano kaba kabusy ha?"
imbis na mainis ako sa mga pinag sasasabi niya ay napangiti nalang ako at napa 'face palm'
"sorry. nag tatrabaho kasi ako" malumanay kong sagot sa napaka dami niyang tanong
"at kelan kapa nag karoon ng trabaho ha?!"
"ngayon lang ako nag start. sorry di ko nasabi at napag alala pa kita"
"hindi ko kakayanin pag may masamang nangyari sayo" wag ka namang ganyan ter, marupok lang ako eh. baka mapaamin pa ako ng wala sa oras niyan.
"sorry na nga ter. promise di na mauulit"
"matitiis ba kita?"
gago kinikilig ako
"lam ko namang hindi hehe oh sige na aayusin ko pa gamit ko eh, babye!"
"ingat ka ha! text me pag nakauwi kana"
"yes po babyeee!" at tuluyan ko ng binaba yung phone call
"boyfriend mo?" nagulat naman ako kaya bigla akong napalingon at tinignan ko kung kanino galing ang boses
"ay hindi po" napatawa ako ng bahagya
"weh? halos marinig ko na nga dito lahat ng pinaguusapan niyo sa lakas ng boses niya sa pag aalala sayo"
"best friend ko lang po yun" pinag patuloy kona ang pag aayos ng gamit ko
"sabay na tayo?" tanong niya sa akin at tanging tango lang ang sagot ko
nag aabang kami ngayon ng jeep, napansin ko naman na napalingon siya sa akin.
"arisa nga pala, ari for short" ngumiti siya. di ko pa nga pala alam pangalan niya.
"im sofia" nag shake hands kami
"summer job mo lang din?"
"oo"
magtatanong pa sana siya kaso dumating na ang jeep na sasakyan ko kaya nag paalam na ako sakanya.
mukhang mag kakasundo kaming dalawa dahil mukha naman siyang mabait.
pagkauwi ko sa bahay agad kong tinext si blaster para naman hindi na siya mag alala.
pagkatapos kong mag dinner chineck ko ang aking facebook at meron akong apat na bagong friend request. puro di ko naman kilala, maliban sa isa.
Arisa Benitez sent you friend request
pano niya agad ako nahanap? chineck ko ang wall niya at nakita ko mutual friends sila ni unique. magkakilala kaya sila personally?
inaccept ko naman ito at inexit kona ang facebook app. binuksan ko naman ang twitter.
@bsilonga:
nahihilo
nalilitosan naman nalilito tong mokong na to? nilike ko nalang ang tweet niya at patuloy na nag scroll scroll pa hanggang sa antukin na ako.
---
Author's Note
short update muna mga mokmok. babawi ako sa mga susunod na chapter promise! sana may nagbabasa parin hehehe
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan