third person's pov
lumipas ang panahon ilang linggo, balik eskwela na rin. nasa kolehiyo na kayo nila blaster, unique at arisa. luckily pareparehas kayo ng eskwelahan na pinasukan kaya naman mas lalo kayo naging malapit sa isa't isa.
sa ilang linggo din na yon ay tinanong kana ni zild kung pwede ba siyang manligaw sayo. pinag isipan mong mabuti iyon at pumayag ka naman. napaka saya niya nung pumayag ka.
sa kabilang dako nananatiling matibay ang friendship niyo ni blaster. bumalik na kayo sa dati. lagi na tambay sila unique sainyo pero madalas si blaster lang lagi.
hindi mo maikakaila na masaya ka tuwing kasama mo si zild. napaparamdam niya sayo kung gaano ka ka espesyal at kung gaano ka kaimportante sa buhay niya na lubos mong pinapasalamat.
"madam!" napalingon ka sa tawag ni blaster. natakbo siya papunta sayo.
nandito kayo ngayon sa school, nag lalakad ka mag isa sa hallway.
"oh bakit?" tumigil ka sa paglalakad at inintay mong makaabot siya sayo
"hatid na kita?" tanong niya sayo ng magpang abot kayo
"asan si unique at arisa?" tanong mo
"ah... may date daw sila" tumawa ng bahagya si blaster dahilan para matawa ka din. para lang kayong mga baliw no?
"ano ka--" hindi mo pa natatapos ang sasabihin mo biglang may tumawag sa pangalan mo
"sofi" sambit niya
sabay kayong napalingon ni blaster at nakita niyo si zild. tumigil kayo sa paglalakad. nagbago rin ang eskpresyon sa mukha ni ter. parang naiinis siya na hindi maipaliwanag.
"uy ter" bati ni zild kay ter at tumango naman ito bilang sagot
"tara na fi?" yaya niya sayo, susunduin ka kasi ngayon ni zild dahil kakain kayo sa labas.
"sige, wait lang" sambit mo. nauna nang maglakad si zild palayo at ibinaling mo naman ang itingin mo kay ter na parang biglang nalungkot.
"sorry ter ah. una na ako, bawi ako next time" sabi mo at pinisil mo pa ang pisngi niya. pinilit niyang ngumiti at sinabing "sige ingat kayo"
tumakbo ka para habulin si zild pero bago mo siya maabutan lumingon ka muna kay blaster at napansin mong parang naiiyak na siya.
gusto mo sana siyang lapitan kaso tinawag kana ni zild at tuluyan na kayong lumabas ng campus.
"magkasama nanaman kayo" malamig na ani ni zild habang nagdadrive
"wala si arisa at unique eh, may date hahahaha" tumawa ka naman kahit walang nakakatawa
"wala naman akong dapat ikaselos diba?" tanong niya sayo
tumingin ka muna sa bintana para mag isip "ano ba yang sinasabi mo" natatawa mong sagot
"answer me" medyo tumaas ang tono ng boses niya na ikina-kaba mo ng bahagya
"o-oo naman" nauutal mong sagot at napahawak ka sa dibdib mo
mayamaya ng makarating kayo sa restaurant na kakainan niyo ni zild ay nananatili kayong tahimik parehas.
pagkatapos niyong um-order ay uminom muna si zild ng tubig bago niya basagin ang katahimikan.
"sorry dun sa kanina, dapat hindi kita pinag taasan ng boses" sambit niya at hinawakan ang kamay mo na nakapatong sa table
"it's fine, i understand you naman" pagsisigurado mo sakanya at hinawakan mo din ang kamay niya
after ilang minutes ng pagkwekwentuhan niyo ay dumating na ang inorder niyong food at kumain na.
pagkatapos non ay hindi na kayo pumunta kung saan saan pa, hinatid kana niya agad sa apartment mo.
"salamat!" hiyaw mo bago ka tuluyang pumasok sa loob ng apartment mo.
pagpasok mo ay hinubad mo agad ang sapatos mo at humiga sa napalambot mong kama. pagod na pagod ka dahil sa dami ng school works na ginawa ngayong araw.
maya maya ay nakatulog kana rin kahit hindi kapa nagpapalit ng uniform mo.
alam mong gising kana pero ayaw mo paring idilat ang mga mata mo, pinipilit mo pang matulog ulit pero biglang tumunog ang cellphone mo kaya napilitan kang icheck ito.
from: awisa
uy siz may announcement ako bukas!!
pagkabasa ko nung text ay napa-isip naman ako kung ano yung 'announcement' niya na yon.
to awisa:
buntis ka?!?!?!
from awisa:
gaga! hahahaha basta mamalaman mo din bukas
napakamot ka nalang sa ulo dahil sa mga pinag sasasabi ni arisa. pa suspense pa di nalang sabihin ngayon. kinakabahan tuloy ako. pero okay na din kung magiging ninang ako.
BINABASA MO ANG
nights with you
Fiksi Penggemarngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan