unique
ngayon lang ata ako nalabas ng bahay mag-isa. yung walang nakabantay sa akin. yung malaya ako. sa totoo lang di ko alam kung saan ako pupunta.
dinala na lang ako ng aking mga paa sa paborito naming kainan, oo, namin.
habang papasok ako ay naka ngiti ako. naalala ko lahat ng kulitan namin dito. tuwing pinipilit ko si arisa na dito kami kumain. buti nalang kakampi ko si ter at sofia.
di rin naman nag tagal naging paborito din dito ni arisa. ano na nga bang balita sa kanila?
pinutol ni mama lahat ng kontak ko sa outside world. nag mistulang pbb house yung bahay namin. ayoko rin naman lumabas dahil hanggang dun lang sa village namin pwede. kahit gusto ko tumakas non sa kalungkutan wala naman akong magawa.
umupo ako sa pinakadulong table. sinaksak ko ang earphones ko pagkatapos kong um-order. maya maya pa ay napansin kong parang may na sulyap sulyap sa akin.
pagkatingin ko ay hindi ako pwedeng magkamali. sila 'to.
hindi ko hinahayaan magtagpo ang aming mga mata. siguro okay na yung makita kong okay sila. hindi pa rin natigil sa pag lingon lingon si arisa kaya pag dating ng pagkain ay binilisan ko na kumain.
ayokong mag iwan ng masakit na alaala dito sa resto na 'to. nagmamadali akong umalis, ni hindi ko na nga inintay ang sukli ko, lumabas na agad ako.
gusto ko silang lapitan. gusto kong yakapin si arisa. gusto kong humingi ng kapatawaran sa kanya sa pag iwan ko sa kanya. pero napagtanto ko na yung 'sorry' ko ay wala namang mababago. nasaktan ko na siya. at kung lalapit pa ako baka mas lalo ko lang siyang masaktan pa.
pagkamalas malas ko ay wala pang dumadaang jeepney papunta sa amin. kung kelan di ko kailangan yung mga ruta ng jeep na 'to tsaka puro yon nakikita ko.
di na ako magkanda aligaga sa kakaintay ng jeep dahil baka pagkatapos ng ilang minuto ay magtagpo pa kami dito sa labas.
nakatutok lang ako sa mga jeep na dumadaan ng may biglang may tumapik sa aking balikat. agad akong lumingon at nakita ko ang isang babaeng naluha sa aking harapan. walang pakundangan niya akong niyakap na ikinagulat ko. akala ko galit siya sa akin.
niyakap ko din siya pabalik, isang mahigpit na yakap. hindi ko mapigilan ang sarili ko. mukhang walang may balak na bumitaw sa aming dalawa.
pinalipas ko ang mahigit kumulang isang minuto bago kami tuluyang magkalas sa pag kakayakap. walang may gustong mag salita sa aming dalawa. walang may gustong mag simula kung anong dapat naming pag usapan.
tila ba ang mga mata lang namin ang nag uusap. tinatanong ako ng mga mata niya kung 'bakit?' natatakot din ako na magtanong siya dahil baka hindi ko namang kayang sagutin at mas lalo ko pa siyang mapaisip.
tinapik niya lang ang balikat ko at pinunasan niya na ang kanyang luha sa pisngi. tumabi siya sa akin at tumingin din sa mga nag daraang jeepney.
"sumakay ka na" tanging pangungusap na lumabas sa kanyang bibig.
tinignan ko lamang siya. di ko namalayang nakatitig na pala ako.
bumusina ang isang jeep sa tapat naming dalawa. kanina tila kating kati na akong sumakay sa jeep pauwi sa amin pero ngayon gusto kong paalisin 'tong jeep na nasa harap ko para dito muna ako sa tabi ni arisa. kahit konting oras pa.
"sakay?" tanong ng jeepney driver.
muli akong sumulyap kay arisa habang naka tingin lang siya sa kawalan, mukhang iniintay niya ang pag alis ko.
pinigilan ko na lang mag salita at sumakay na ako agad sa jeep dahil baka mag bago pa ang isip ko at hindi na ako makauwi sa amin ng tuluyan.
sa huling pagkakataon sinulyapan ko siya. kasabay ng pagtakbo ng jeep palayo ay ang pag tulo ng kanyang mga luha.
pinaiyak ko nanaman siya.
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan