sofia
"okay okay makinig kayong lahat" pag tawag ni tito sa antensyon namin "magkakaroon tayo ng palaro ngayon at lahat ng nandito kailangan kasali"
naghiyawan ang mga taong kasama namin ngayon dito. si unique at blaster naman ay mukhang game na game.
"ang lalaruin natin ay napaka bagong laro! wala pang ibang nakakapag laro nito! tayo palang ang una. PAPER DANCE!" sabay angat ni tito ng mga newspaper na hawak niya
nagtawanan naman ang sambayanan.
"go get your partners!" sambit pa nito sa mic
nagkatinginan kami ni unique pero ngumiti lang siya tas pinartneran bigla ung isa kong pinsan na babae. well yeah, required babae-lalake yung magkaparehas.
lumapit naman si blaster sakin at ang taksil kong puso biglang tumibok ng napakabilis, sana di niya maramdaman.
"hoy partner tayo!" hatak sakin ni blaster
"aray naman ter!" pinalo ko siya sa braso "oo na oo na"
"ayie! galingan mo sumayaw ah. may prize din daw ung magpartner na pinaka magaling sumayaw" natatawang sabi niya
"mukhang kami na mananalo" wika ni unique at bumelat pa samin
"ah mayabang mayabang" pagtataray ko kunwari
nag simula na ang laro at unti unting nababawasan na ang mga kasali, nananatili parin kaming kasali sa laro ni blaster pati na rin si unique at ang pinsan kong si sabrina.
todo bigay sa sayaw ang kuya mo unique at tawang tawa naman ang pinsan ko sa pinag gagagawa niya.
si blaster at ako naman parang mga baliw lang ang pag sayaw pero nananalo parin! o diba
tatlo pair nalang ang natira at sobrang liit na ng papel. tipong isang paa nalang ang kasya at naka tingkayad pa.
"wag ka mag pabigat ah" bulong sakin ni blaster
tumango naman ako, pero sa totoo lang kinakabahan ako. napaka bilis ng tibok ng puso ko. nahihiya ako baka maramdaman niya at magtanong pa siya.
kasabay ng musika ang pag indak naming dalawa. mga ngiti sa aming mukha na hindi mapapantayan. purong kasiyahan lang ang nararamdaman. hindi iniisip kung ano na ang mangyayari kinabukasan. para bang walang nangyaring masakit sa nakaraan.
pagtigil ng kanta bigla nalang akong binuhat ni blaster na para bang bagong kasal. nagulat ako kaya gumalaw, hindi siya naka balanse ng maayos kaya natalo kami.
nakita ko na medyo nalungkot siya
"sorry teeer, ang likot ko kasi natalo tuloy tayo" yinakap ko siya mula sa gilid
bakit. koba. eto. ginawa.
yinakap niya ko pabalik at medyo napatingin ang ibang tao sa paligid namin. buti biglang nadistract sila gawa ng tumugtog na ulit ang musika.
"okay lang madam! laro lang yan" hinagod niya ang buhok ko
umupo na kami sa tabi at ngayon pinapanood naman namin ang determinadong si unique. di ko alam pano niya nakakaya yung pinsan ko sa payat niyang yan.
hindi nga nagkamali si unique, sila ang nanalo at sa sobrang tuwa niya nag yakapan pa sila ni sabrina.
"hokage talaga yang bespren mo no" sabi ko kay blaster habang naka tingin kay unique at sab
tumawa lamang si blaster.
pagkatapos ng palaro umuwi muna kami saglit sa bahay namin para magpahinga dahil mamayang gabi may 'inuman' daw kila tito.
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan