blaster
kakatok palang ako sa pintuan bigla na itong bumukas. bumungad sa akin ang napaka gandang si sofia. i've never seen her like this before. i was mesmerized by her beauty, hindi ko napansin na nakatitig lang ako sa kanya.
"hellooo" pagka-sabi niya non ay bumalik na ako sa realidad.
"you're so beautiful, as always" pag compliment ko sakanya at nakita ko naman siyang napangiti.
mas lalo pang na emphasize ang kagandahan ng kanyang mukha dahil sa make up niya. bagay na bagay sa kanya. suot niya rin yung kwintas na binigay ko sakanya dahilan para lumaki lalo ang ngiti ko.
"magtititigan nalang po ba tayo dito?" mapang asar niyang sabi.
"ah— this way po madam" pag lead ko sakanya ng daan, syempre may dala akong kotse ngayon. alangan ganito ang suot namin tas mag tatricycle lang pala kami. lakas naman ng loob kong sunduin pa si sofia kung ganon.
"you look very very different tonight" sambit ni sofia habang nagdadrive ako.
"hmm bakit? mukha ba akong alien?" napatawa naman siya at hinampas ako ng bahagya.
"baliw! kinocomplimentan na nga kita eh" umirap siya.
"ay compliment ba yon? hihi thank you" sarkastiko kong sagot, hindi na lang siya umimik.
nang makarating kami sa venue, one hour early kami don kasi isang pasada pa raw para sa cotillion. pawisan na si sofia bago pa mag start ang party.
hindi agad kami bumaba ng sasakyan, kinausap ko muna si sofia.
"okay kana ba talaga? handa kana bang makita ulit siya? sila?" seryosong tanong ko.
"oo" ngumiti siya ng konti "nagkaayos nanaman din kami ni zild diba, wala naman siguro akong dapat ikatakot at ikakaba" sagot niya.
hinawakan ko ang kanyang kamay "wag kang mag alala, kahit anong mangyari nandito ako. i always got you!" sabi ko.
bago kami bumaba ng kotse ay nag picture muna kami at pagkatapos non ay dumiretso na kami sa loob. hindi na kami na hirapan dahil na kita agad namin sila arisa.
maganda ang set up. gold ang theme ng party pero required na something red ang suotin para contrasting sa theme.
"oy tol" bati ko kay unique at nag apir pa kami.
"gwapo mo dyan ah" pag pansin niya sa suot ko.
"kaw din mukha ka lang ililibing mamaya" pang aasar ko "KAKX!!" hiyaw niya.
"hi ari! happy birthday!" sabi ni sofia at niyakap si arisa "thank you! you look so stunning, i might cry" sabi naman ni arisa na medyo naiiyak pa kunwari. ganito ba talaga mga babae? joke baka sabihin niyo ano ako eh, ano kayo dyan eh.
"pare" bati sa akin ni zild. "uy" sagot ko naman. nag kawayan lang kami.
pagkatapos namin ng isang pasada sa cotillion sakto ay dumating si kuya badj at ate aimee.
"kuya bbaaddjj! nakaabot ka!" tumakbo si unique papunta kay kuya badj at niyakap ito. natawa naman si kuya badj sa inasal ni unik pero niyakap niya rin ito pabalik.
"pwede bang mamiss ko 'tong birthday ni arisa?" banat ni kuya badj na nagpangiti sa lahat.
magpeperform din pala kami as a band ngayon gabi. oh diba ang dami kong ganap, dancer na nga ako gitarista pa! san kapa diba?
nag sound check muna kami at pagkatapos ng ilang minuto nag simula ng magdatingan ang guests.
pumunta muna sila arisa, sofia at ate aimee sa dressing room para ayusan sila. kasama rin pala don si shanne tsaka yung dalawa pang babae na kasali sa cotillion.
"ano nangyari these past few days?" pag kacatch up ni kuya badj. ano kayang dapat ikwento dito? yung masaya lang o yung totoo? bahala na si koi.
"maganda bukas nalang natin pag usapan yan" sabi ni unik sabay inom ng tubig sa baso.
tinaas ni kuya badj ang kanyang kilay "bakit ano meron?" takang tanong nito.
"wal—" kinut off ni zild si unik "a big misunderstanding, pero naayos na namin" ani nito.
"anong klaseng misunderstanding?" paguusisa niya pa "kuya badj" inakbayan ni unique ito "bukas na natin yan pag usapan, happy happy muna tayo ngayon" masiglang sabi ni unique.
"tagal mo nawala kuya badj" sambit pa ni koi
"oo nga at mukhang miss na miss mo ko" pang aasar ni kuya badj kay koi. nag pout lamang ito.
"ter" mahinang tawag ni zild sa akin dahilan para mapalingon ako. sinenyasan niya ako na sundan ko siya, mukhang kakausapin niya ako. nag paalam muna kami kanila kuya badj at koi.
"i just wanted to tell you that you're one lucky man" sabi ni zild sabay tapik sa balikat ko. hindi ko alam ang isasagot ko dahil kitang kita ko ang kalungkutan sa kanyang mata kahit nakangiti.
"pangako ko na hinding hindi ko siya sasaktan at mamahalin ko siya habang buhay" paninigurado ko kay zild.
"dapat lang, dahil kung hindi ikaw sasaktan ko" pabirong sambit ni zild na medyo ikinatawa namin.
"pero seryoso pare, alagaan mo siya, mahalin mo siya, pasayahin mo siya" seryosong sabi niya at biglang tumulo ang luha niya kaya naman tumalikod siya agad at pinunasan ito.
sa maikling panahon niyang nakilala si sofia hindi na talaga ako magtataka kung bat nagustuhan niya agad ito. mabait siya, matulungin, maalaga, masiyahin, mas iintindihin pa yung iba kaysa sa sarili niya at napaka ganda niya. ilan lamang yan sa mga katangian niya.
mahal na mahal ni zild si sofia kaya hinayaan niya ito sa kung saan siya sasaya kahit masaktan siya.
ngayong ibinigay na sa akin ang pagkakataong maging akin si sofia, hindi kona ito palalampasin pa.
pagkatapos namin mag usap ni zild ay bumalik na kami sa table namin. as usual marami pang wala dahil 'filipino time'.
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan