Blaster
Nagising ako dahil sa tilaok ng manok at narinig ko rin na nagsalita si Unique. Dahan dahan akong tumayo at napalingon ako sa direksyon kung nasaan silang dalawa.
Magkayakap sila.
"Fia" lumapit ako sakanila
Kitang kita ko parin ang lungkot at takot sa kanyang mga mata. Hindi ko kayang makita siya ng ganito. Kung hindi dahil sakin, hindi sana 'to nangyari sakaniya. Wala na kong tamang nagawa sa buhay ko.
"Fi, sorry ulit"
Kinalas ni Sofia ang pagkakayakap niya kay Unique at humarap sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi at tinitigan niya akong mabuti.
"Ter wala ka namang kasalanan. Hindi mo kailangan humingi ng tawad dahil wala ka namang ginawang mali. Aksidente ang nangyari" inexplain niya sa akin. Hindi ko parin maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari.
Ibinaling niya naman ang kanyang paningin kay Unique "Salamat" sincere niyang sabi kay koi.
Tumango lang ito at ngumiti ng abot hanggang tenga.
"Hindi ko maimagine ang mangyayari sakin kung wala kayong dalawa. Hindi ako mag sasawang pasalamatan kayong dalawa"
Nagluto ako ng breakfast naming tatlo, pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin si unique na uuwi na muna siya dahil hindi rin siya nakapag paalam sa mama niya.
Lumipas ang ilang oras ay hindi parin nagsasalita si Sofia. Nabobother ako dahil hindi naman siya ganito, sobrang daldal niya at gusto kong mabalik ang dating Sofia. Yung masigla at palangiti. Ngayong araw kasi isang beses lang ata siya ngumiti.
Kinagabihan hindi parin kami nag uusap pero wala pang ilang segundo ay binasag ni Sofia ang katahimikan.
"Mabuti pa kalimutan ko iyong nangyari no?" Tanong niya sakin habang naka higa siya sa kama at ako naman ay naka upo sa sofa.
"Mas maganda nga kung kakalimutan mo ito para hindi kana nagkakaganyan"
"Pero natatakot ako, pano kung bumalik siya? Pano kung mangyari ulit yon"
"Hinding hindi ko hahayaang mangyari yon. Hangga't nandito ako, wala ng makakapanakit sayo" muli kong nasilayan ang ngiti sakanyang mukha.
"Tulog na tayo tapos simba tayo bukas, ano sa tingin mo?" Yaya ko kay Sofi "then kain tayo sa labas" dagdag ko pa
"Hmm, good idea!" Rinig ko excitement sa tono ng pananalita niya
***
Kinabukasan maaga ako nagising para ipagluto ulit si Sofia ng breakfast at nagtimpla na rin ako ng kape para sa aming dalawa.
Pinilian ko na rin ulit siya ng damit niya na panigurado akong magugustuhan niya. Isang white loose polo and pants lang. Mahilig kaming dalawa sa mga polo kaya matchy matchy ulit kami, pero sa akin itim.
Mas masaya ako pag magkasama kami ni Sofia, lahat ng problema ko nakakalimutan ko makita ko lang siyang nakangiti. Hindi ko na rin masyadong iniinda ang sakit na nararamdaman ko matapos akong hiwalayan ni Crystal, pinipilit ko na siyang kalimutan.
Mabilis lang kami natapos ni sofi mag ayos, agad kaming nag tungo sa church para mag simba. Pagkatapos ng misa ay dumiretso kami sa isang mall para kumain. Nandito kami ngayon sa Jollibee, eto ang paborito naming dalawa.
"Madam anong gusto mo?" Tanong ko sakanya
"The usual nalang po" sagot niya
"Sige ako na bahala, maghanap kana upuan natin"
BINABASA MO ANG
nights with you
أدب الهواةngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan