[32]

152 7 1
                                    

matapos ang araw na umamin sayo si blaster, bumalik ang pagiging close niyo. kumbaga parang walang nangyaring aminan o ano.

kayo parin ni zild pero medyo hindi na kayo nag kakasama dahil busy din siya sa school. halos tuwing may practice nalang kayo ng cotillion nag kikita.

at sa pag lipas ng mga araw mas maging close pa kayong apat nila blaster, unique at arisa na parang sobrang unbreakable na ng samahan niyo.

madalas kayong nakain sa the cabin's yung resto na natipuhan niyong apat.

dalawang araw bago ang kaarawan ni arisa pero wala ka pang damit. meron na yung pang cotillion syempre, dahil pareparehas kayo non at pinatahi yung damit na yon.

hindi ka naman masamahan ni arisa sa pag pili ng damit kaya trinay mong kontakin si zild para naman makapag bonding kayo.

sofia

to my zild:

"babe samahan mo ko mamaya after class"

from my zild:

"baka matagalan ako :("

to my zild:

"it's okay hihintayin kita"

it's been over three months simula nung una kong nakilala si zild. things might have went fast pero one thing's im sure. that he loves me.

umuwi muna ako pagkatapos ng klase namin, nagpalit ng damit at nag pahinga saglit.

habang naka higa ako, tinignan ko ang lock screen ko. litrato naming dalawa ni zild. kuha namin ito nung unang gabing nagkita kami.

hindi ko maiwasang mapaisip. mahal ko nga ba siya o kailangan ko lang siya dahil na papasaya niya ako? naiinis ako sa sarili ko.

nag intay ako.

30 minutes.

1 hour.

1 hour and 30 minutes.

2 hours.

napatungin ako sa orasan 6pm na, baka abutin na ako ng closing time hindi pa rin siya nadating.

to my zild:

"babe, ako nalang mag isa :) dumiretso ka nalang sa bahay ninyo at mukhang marami kang ginawa today"

pag ka send ko ng message ay tumayo na ako at nag ayos ng onti. sakto pag bukas ko ng pinto ay may lalaking bumungad sa akin.

"hello madam!" bati ni ter ng may ngiti sa labi, napangiti din naman ako.

"halu! uy tatambay kaba? sorry aalis kasi ako eh"

hindi ko na siya pinapasok sa loob dahil anong oras na nga sinarado kona ang pinto, at sinabayan niya ako sa paglalakad.

"samahan nalang kita" sabi niya sa akin

"buti namaaan hay" napabuntong hininga ako

"asan si zild?" tanong niya

"uhm... busy siya ngayon eh" pinilit kong ngumiti kahit medyo nalulungkot na talaga ako sa nangyayari sa aming dalawa.

tinignan lang ako ni blaster pero di ko ako tumingin pabalik. nakita ko lang sa peripheral vision ko.








nights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon