[34.1]

130 7 0
                                    

blaster

matutuwa ba ako o malulungkot? iiyak ba ako o tatawa?

hindi ko na rin alam.

hindi ko pa magawang kausapin si sofia dahil nagkarambola na ang mga iniisip ko. hindi ko alam kung paano ko bubuo-in at paano ko sisimulan.

parang nasa-suffocate ako dito sa kwarto ko, binuksan ko ang bintana para maka langhap ng hangin.

napatingin ako sa kalangitan, nagsalita ako na para bang kausap ko ang mga tala.

naalala ko yung gabing lumabas kami ni sofia, nung gabing naisipan kong ituloy ang pag sulat nung kantang sinimulan ko para kay crystal.

itinigil ko ang pag susulat non noon dahil nga sa nangyari. pero diba sabi ko rin non nakahanap ako ng bagong inspirasyon. siya kasi yon.

matagal ko ng alam sa sarili ko na unti unti na akong nahuhulog kay sofia, pero napangunahan ako ng takot.

natakot ako na baka pag sinabi ko sakanya mag bago ang lahat, natakot ako na baka pag nagkagusto rin siya sa akin hindi ko masuklian yung pag mamahal niya, natakot ako na baka mawala siya sa akin.

natakot ako, naduwag ako.

hanggang sa pilit kong ikinakaila sa sarili ko na wala lang 'to, baka dala lang ng emosyon dahil tumira kami sa iisang bahay.

pero hindi doon natapos ang nararamdaman ko, mas namiss ko pa siya nung umalis ako sa apartment niya. mas lalo ko pang hinahanap hanap ang presensya niya.

ang tanga ko. dahil sa takot ko hinayaan kong pang may umaligid sa kanyang iba. hinayaan ko pang may mag mayari sa kanyang iba.

at duon, duon ako sinampal ng sarili ko. mahal ko nga siya higit pa sa kaibigan.






tumingin ako sa orasan, malalim na ang gabi. pero hindi ito naging sagabal para puntahan ko si sofia ngayon.

"sofia" sambit ko habang nakatok sa pintuan

pagbukas niya ay nakita ko ang mata niyang nagmumugto. niyakap niya ako bigla.

"sorry" sabi ko habang hinahaplos ko ang buhok niya

"para saan?" tanong niya

"para sa lahat lahat" sabi ko at hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya. ayoko na siyang bitawan, gusto ko nalang siyang yakapin hanggang mapunta sa akin lahat ng kalungkutan na dinadala niya.

ilang segundo pa ay kumalas na siya sa pagkakayakap. pinaupo ko siya sa sofa at kumuha ako ng tubig.

inabot ko sa kanya ang isang basong tubig at umupo na rin ako sa tabi niya.

nakatingin lang siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin o hinihintay niya ako magsalita.

i cleared my throat "hindi ko talaga ginusto na magkaganito, ayoko din naman masira ang friendship natin, friendship nating lahat." sabi ko

"blaster" hinawakan niya ang balikat ko "hindi mo kasalanan ang nangyari, wala kang kasalanan na kahit ano. ako ang nag desisyon nito nagpakatotoo lang ako." sabi niya at ngumiti

ang saya na makita siyang nakangiti ulit. this time alam kong totoong masaya siya.

naputol ang usapan namin ng biglang may kumatok sa pintuan.

sinabi ko kay sofia na ako na ang magbubukas ng pintuan.

pag bukas ko nito bumungad sa akin si zild na naiyak, mukhang nagulat siya. nung una ay akala ko magagalit siya dahil nandito ako pero hindi.

"si sofia?" tanong niya habang natulo ang luha sa kanyang mga mata

binuksan ko ng mas malaki ang pintuan at tinuro si sofia. agad naman itong tumakbo papunta kay sofia at yinakap ito.

"sorry, sorry, sorry" paulit ulit siyang nag sosorry kay sofia habang walang humpay parin ang pagiyak niya

umupo lang ako sa dining table at kinalikot ko nalang ang cellphone ko habang nag uusap sila.

hinayaan ko nalang muna sila, nag earphones ako para di ko marinig pinag uusapan nila.

sa sobrang tagal nilang mag-usap muntik na akong makatulog.

"pare" tawag sa akin ni zild

lumapit ako sa kanilang dalawa at umupo din sa sofa.

"sinabi na si sofia ang lahat lahat. wag na wag na wag mo siyang sasaktan at papabayaan." sabi niya sa akin habang nakatitig mabuti sa aking mata

"sobrang sakit man nito para sa akin pero naniniwala kasi ako na kung mahal mo ang isang tao, hahayaan mo siya kung saan siya masaya." pinilit akong ngitian ni zild, tango lang ang sinagot ko sa kanya.

binaling niya ang tingin niya kay sofia "i love you" sabi niya at muli niyang niyakap si sofia

"salamat sa lahat zild" sambit ni sofia

nights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon