[40]

108 6 0
                                    

blaster

isang buwan. isang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon di ko parin malaman ang rason bat siya umalis.

iniwan niya kami at ang aming mga katanungan. hindi ko alam bakit hindi ko kayang magalit. dahil ba para ko na siyang kapatid? dahil ba matagal na kaming magkaibigan? o dahil hindi naman niya talaga gustong umalis?

alam kong may mas malalim ka pang dahilan koi, iintayin ko ang araw na magkikita tayong muli at handa mo na sabihin samin ang lahat. lalo na kay arisa.

bumalik ako sa realidad nang lumabas na si sofia sa mula sa cr.

"sa wakas!" naka ngiti kong sambit habang nakatingin sa babaeng ngayon ay nasa harapan ko na.

"do i look fine?" tanong nito sa akin. mukhang hindi siya kuntento sa kanyang suot pero she look so stunning!

"you look the best" i answered with a big smile on my face. hinila ko siya papunta sa akin at niyakap.

"i love you" bulong ko sakanya. sinuklian niya ako ng isang halik sa pisngi na lalong ikinali ng aking ngiti.

"let's go?" i asked her. tumango naman ito at agad na kinuha ang bag niya. nauna akong lumabas para palamigin na ang kotse habang sinasarado niya ang pinto ng apartment niya.

habang nag dadrive ako ay biglang tumunog ang aking cellphone, napatingin ako don at agad ko naman itong sinagot. naka bluetooth ang phone ko sa sasakyan ko para di na ko mahirapan pa.

"asan na kayo ter?" tanong nito sa kabilang linya

"malapit na" maikli kong sagot

"saan nga yung malapit na?" medyo inis niyang tanong na ikinatawa naming dalawa ni sofia

"bilang ka ng 1 to 1000 nandyan na kami" pag bibiro ko na mukhang hindi umepekto dahil paghinga lang ang narinig ko sa linya





***





"thank god dumating na rin kayo!" medyo inis niyang sabi pero sinuklian parin namin siya ng ngiti

"you look stunning tonight, sofia" pag compliment niya

"how about me?" singit ko naman at nag pose ng onti, showing off my red outfit. pero inirapan niya lang ako. okay, im starting to get pissed na din.

"let's go, nandon na sila sa loob"

inalalayan ko si sofia papasok duon sa resto kung san magkikita kita kami nila badjao at zild. kasama ni kuya badj si ate aimee at kasama naman ni zild si arisa.

date night 'to actually, dapat kami lang ni kuya badj pero nag pumilit si zild na isasama niya daw si arisa para di ito malungkot.

simula kasi nung gabing nag paalam si koi ay hindi na namin siya muling na kita. kahit si arisa wala na rin kontak sa kanya. lumipat na rin sila ng bahay kaya hindi na talaga namin alam kung nasaan siya.

hindi pa namin siya sinusubukang hanapin dahil una, hindi naman siya nawawala. hindi ko maikakaila na hindi ko parin tanggap ang pag alis niya ng ganon ganon na lang.

kahit naman hindi kami pumayag ay wala rin naman kaming magagawa, diba? nabaling ang atensyon ko kay sofia ng hawakan niya ang aking kamay.

"mukhang malalim nanaman ang iniisip mo" nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. alam kong ayaw niya ko nakikitang ganito pero hindi ko maitago na nalulungkot talaga ako dahil iniwan ako ng best friend ko na itinuring kong parang isang tunay na kapatid.

para bang isang malaking parte ng buhay ko ang nawala dahil sa pag alis niya.

tumikhim si zild "sana hindi lumilipad ang isip ano" sambit niya habang naka tingin sakin.

"may isip ba?" pagbibiro pa ni kuya badj na ikinatawa ng lahat pero nag make face lang ako.

"eto si kulot nakisama na nga lang ang sungit pa" pang aasar ko kay zild na mukhang epektib dahil inirapan niya ako.

"shall we order?" arisa asked. tumango naman kaming lahat kaya sumenyas na siya sa isang waiter para maka-order na.

"yung pinaka mahal nga na dish niyo" pagyayabang ko "hunnycrunts" pag babanta sakin ni sofia. sinuklian ko lang siya ng isang ngiti.

"ikaw na mamili para sakin" sabi ko sa kanya.

pagkatapos naming umorder biglang naging tahimik ang paligid. sa tingin ko yung iniisip nila ay yun din ang iniisip ko. baka gusto nilang magtanong, na gusto ko rin naman pero hindi ko magawa.

"isang buwan"

napalingon kaming lahat kay zild sa sinabi niya, alam ko na agad kung anong tinutukoy niya. kita ko sa mata niya ang lungkot.

"ang bilis" tumawa siya ng peke "kamusta na kaya siya?"

nananatili ang kanyang tingin sa table habang nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata. walang nakibo sa amin at walang nais mag salita. para kaming namatayan.

"excuse me" sabi niya sabay tumayo at dumiretso sa rest room. nagkatinginan kaming lahat pagkaalis ni zild. wala paring na imik pero ang mga mata ng bawat isa ay tila nag sasalita.

saktong pagbalik ni zild ay dumating na rin ang pagkain. dito na rin nagsimulang mag bago ang mood. nagbibiro biro si badjao tungkol sa pagiging 'single' nito, tinatanong niya kung mayroon na bang natitipuhan na bago.

"ay nako baka mauwi na nga lang sa bass guitar yan si kuya" pagbibiro pa ni arisa na inirapan naman ni zild.

"the truth is i like someone" naka ngiting aso pa ito habang sinasambit ang bawat salita.

"but im not quite sure if i really do like her" dagdag niya pa.

nakita ko ang pagkabigla sa reaksyon ni arisa "do i know her?" she asked.

ngumiti lang si zild na parang 'oo' ang kanyag sagot.

natapos naman ang gabi ng masaya. ilang araw na lang ang natitira sa rest day namin dahil sa susunod na buwan ay sunod sunod na ang gig namin.

hinatid ko si sofia sa kanila ngunit hindi muna ako umuwi at doon na rin muna ako tumambay.

nights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon