blaster
"im here!" hiyaw ni koi pagkabukas niya ng pintuan
binatukan naman ito ni sofia dahil sobrang late na ni koi dapat 6am kami aalis 7:30 na
"napaka tagal mo!" inis kong sabi kay nikkoi
"sorry na babe di kasi ako makatulog kanina sa sobrang excite ko tas nung mga bandang mag alas cinco na tsaka ako inantok" paliwanag nito at nag peace sign
"osya-sya tara na" sinukbit na ni sofia ang back pack niya tapos may isa pa siyang hand carry na bag
akin naman isang travel bag lang sakto pang dalawang araw.
si koi? ayun maluwag pa yung backpack niya parang mamaya lang wala na 'tong maisusuot eh.
agad naman kaming naka dating sa sakayan ng bus at sumakay.
unique | sofia | ako
ganyan ang seating arrangement namin, dun kami sa tatluhan umupo syempre. pano kami mag kakasya kung dalawahan lang diba?
"excited na ko!" sambit ni nikkoi na parang nanginginig pa
"halata nga kanina mo pa sinasabi eh" pambabara ni sofia tumawa naman ako
"masama bang maexcite?" pag iinaso ni koi sabay tingin sa bintana
"bakit kaba kasi na eexcite?" natatawang tanong ni sofia
"excited na akong... MAKIKAIN HAHAHAHAHA" napalakas ang boses ni koi kaya sinaway ko siya
"hoy bamboo wag kang sumigaw! baka paalisin tayo dito tignan mo" pananakot ko pa sakanya
"tanga ikaw ituturo ko"
"ay nag mumura? wag ka magmumura" saway ko sakanya
nag make face siya, lakas mangasar!
mayamaya tumahimik na kaming tatlo. si koi busy nag babasa ng libro habang si sofia naman ay naka earphones at nakapikit. ako eto, tinitignan ko lang silang dalawa.
nasabi kona bang sobrang thankful ako sakanilang dalawa? alam ko cheesy pero sa totoo lang silang dalawa yung lagi nandyan para sa akin. kaya pag nawala pa 'tong dalawa na 'to ewan ko nalang talaga.
ilang minuto pa ang naka lipas naka tulog na si sofia. inilipat ko ang ulo niya sa balikat ko para di siya mahirapan.
napatingin naman bigla si koi sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
"ikaw ha" pang aasar nito
"sshh!" pag papatahimik ko sakanya dahil baka magising si sofia
tumango tango lang siya at bumalik na sa pag babasa ng libro.
tinititigan ko ang napaka gandang mukha ni sofia. hindi ako maka iwas ng tingin sa sobrang kagandahan niya.
netong mga nakaraang araw bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakakatabi at nakakausap ko siya. napaka taksil naman ng puso ko!
hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sakanya. pati ba sarili ko niloloko kona? baka alam kona talaga ang sagot di ko lang inaamin sa sarili ko.
***
"HI MAAAA!" ayan si sofia halos mapunit na ang bibig sa laki ng ngiti habang kami dito ni koi medyo naa-awkwardan na. nalimutan niya naba kami dito?
"uy mitchelle sige tuloy kayo" pinapasok kami ni tita sa loob ng sala nila at mukhang siya lang ang tao dito.
"huy asan yung mga handa?" bulong sakin ni unique
mukha ngang walang ka handa handa dito sa bahay nila sofia. akala koba fiesta? parang sa labas nag kakagulo, sa kapitbahay ang daming pagkain pero dito wala.
nag kibit balikat nalang ako kay unique.
nananatili kaming naka ngiti habang nakatayo kasi di pa naman kami pinapaupo.
nakita ko namang paakyat si sofia pero tumigil siya at tumingin sa amin "di na kayo kikilos dyan?"
nagkatinginan kami ni unique. sumenyas naman si sofia na sumunod kaming dalawa sa taas.
"eto kwarto ko dati" inilapag ni sofia ang mga bag na bitbit niya
"dyan niyo nalang din ilagay" turo niya sa tabi ng aparador niya
"mamaya dito nalang kayong dalawa ni unique, tas tabi nalang kami ni mama" dagdag niya pa
tumango naman kami ni nikkoi.
"nak pumunta na kayo don sa tito mo" sigaw ng mama niya mula sa baba
nag ayos muna kami saglit bago kami pumunta don sa tito ni sofia.
pag labas namin ng bahay nila punong puno ng banderitas yung street nila fia. kaliwa't kanan ang mga nag vivideoke at lahat ay bukas ang mga gate na para bang libre ang lahat na kumuha ng pagkain.
ilang bahay lang ang pagitan ng bahay ni tita at ang bahay ng tito ni sofia kaya naka rating agad kami doon.
"oh sofia? ang laki mo na ah" nagmano siya sa tito niya na parang gulat na gulat
"parang hindi naman po" natawa si sofia kaya nakitawa nalang din kami ni unique
"blaster nandyan ka din pala" bati sakin ng tito ni sofia. lumapit ako at nag mano din.
"kayo naba neto ni sofi?" dagdag niya pa na ikinalaki ng mata ko.
hindi ako naka sagot, nagkatinginan nalang kami ni sofia at si koi naman ay pinipigilang tumawa.
"joke lang kayo naman!" bawi ng tito nya at tumawa ng napakalas
"hindi paba tayo kakain?" bumulong nanaman ulit ang demonyo
tinignan ko siya. binigyan ko siya ng tingin na sinasabing manahimik muna siya dyan!
pumasok kami sa loob ng bahay nila at pinaupo kami sa sofa.
"gutom naba kayo?" tanong ni sofia
"FINALLY! OO" malakas na sagot ni unique
bakit parang hindi nahihiya 'tong lalaking 'to? napayuko nalang ako sa hiya dahil marami ding ibang tao dun sa bahay ng tito ni sofia. iba pa ata nilang kamag anak yon dahil nag mamano si sofia eh.
hindi ko naman masyadong close yung mga ibang kamag anak niya. so sofia at ang mama niya lang talaga. oo, kakilala ko pero di ko kaclose.
binigyan kami ni unique ng plato at hinayaan na kamj ni sofia na kumuha ng gusto namin.
marami handa dito sa bahay ng tito niya. agad na kumuha ng lechon si unique, walang pakundangan.
sumandok muna ako ng kanin, kumuha ako ng menudo at karekare. balat ng lechon. marami pang iba pero eto lang yung gusto ko.
may mga dessert din kagaya ng gelatin at leche flan. syempre kumuha ako non.
nakaupo na ako sa dining table pero hinihintay ko pa si koi matapos para sabay kami.
pagharap niya sa direksyon ko nakita ko plato niyang ga-bundok sa rami ang kanin at lahat ata ng ulam kumuha siya.
pagupo niya tinanong ko siya "bibitayin kana bukas?"
ngumiti lang siya ng nakakaloko at nag simula ng kumain kaya ganon din ang ginawa ko.
---
Author's Note
mga mokmok alam nanaman nating lahat kung ano yung nangyari. sana suportahan parin natin silang lahat kahit tatlo nalang sila at supotahan natin individually si unique. alam kong mahirap, alam kong masakit pero kailangan nating kayanin.
suportahan natin sila kung saan sila masaya. suportahan natin kung saan sila liligaya.
mahal na mahal ko parin ang iv of spades pati si unique.
gusto kong mag pa-salamat sakanila pag papasaya sa akin at pag bibigay ng inspirasyon.
BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan