Chapter 1: Kidnapped

6.2K 100 3
                                    

Chapter_1
Kidnapped
❌❌❌

This is fine. This is right. I'm bound to be miserable...

"Punyeta ka!", bulalas sa'kin ni Anty Petunia. "Isa kang palamunin! Pinapakain ka na nga namin at lahat lahat pero anlakas pa rin ng loob mong sagut-sagutin ako? Kagaya ka lang din ng mga magulang mong mga walang kwenta!"

Yep! Sinasabunutan na ako ng Dambuhalang iyan! Sanay na ako. Dada pa rin siya nang dada nang pinaghihila niya ako gamit ang buhok ko patungo sa attic kung saan ako nanirahan! Doon sa attic kung saan kapag mainit, ay parang impyerno nga sa init, pero kapag malamig, para akong nasa iceland. Iyan ang munti kong tirahan for the past 7 years, since I was 10 years old.

Namatay ang mga magulang ko noong 10 years old ako dahil sa isang malaking pagsabog. Kilala ang trahedyang iyon bilang 'Del Felgene Explosion Incident'. Sabi sa bali-balita, dahil iyon sa mga electrical wires na sira at buhol kaya hindi naiwasang magkaroon ng sunog na siyang nag-hudyat na rin ng pagsabog. Hindi ako naniniwala sa balitang iyon. Foul play.

Tinulak ako ni Anty dahilan para madapa ako sa sahig ng attic. Paglingon ko, sunud-sunod na mga sampal agad ang bumungad sa'kin!

Hindi naman ako umiiyak, at hinahayaan ko lang siya. Sa haba ng panahong ginagawa niya sa'kin ito, parang sanay na ako. Naisip ko na rin namang umalis, magpaka-layu layo, pero hindi ko magawa dahil hinihintay kong mag-18 ako.

Kapag 18 na ako, tsaka ko palalayasin ang Anty ko na iyan dito sa pamamahay namin! Oo, pagmamay-ari ko ang mansyon na ito! Maaari ko nang ipaglaban ang karapatan ko bilang isang karapat-dapat na Cinder kapag 18 na ako!

Syempre, may google naman. Sa google ko lang din naaral ang lahat ng karapatan ko. May mga gadgets akong naka-tago sa ilalim ng kama ko. Nakuha ko ang pambili ng mga iyon sa pamamagitan ng pagnanakaw.

Madali lang namang magnakaw. Minsan sa pitaka ni Anty. Minsan naman sa mismong bank account niya. Frozen kasi ang lahat ng bank accounts ng mga magulang ko. Hindi ko pa sila pwedeng ma-access dahil sa mga issues nila tungkol sa money laundering, na hindi naman talaga ginawa iyon ng mga magulang ko. Kapag nahanap ko ang taong nasa likod ng lahat ng ito, papatayin ko siya!

Yeah, I'm clever I know. Sa tagal ba namang panahon na naging independent ako, natutunan ko na ang mga bagay na hindi ko dapat matutunan. Madali na nga lang rin para sa'kin ang magnakaw ng kung ano sa mall. Is that bad? I think not, sobrang yaman kaya ni Jonathan Escala, may ari ng halos lahat ng malalaking enterprises!

Pero hindi ko pa naman nasubukang pumatay... Grabe, hindi naman ako ganoon.

Siguro malapit na.

Malapit na malapit ko nang saksakin ang Dambuhalang iyan!

Kung kaya ko lang... pero ang totoo niyan, matapang lang naman ako sa loob ng utak ko. Ang totoo niyan, isa akong walang kwentang nerd. Sabi nila nerd ako at weird. Dahil malay ko? Palagi kasi akong nasa library at online world, at wala akong ni isang kaibigan sa school. Public school iyon, na sabi ni Dambuhala ay utang na loob ko pa raw sa kanya!

Anyways, madami akong nagagawa sa online world, kayang kaya kong mag-panggap na kahit sino. Minsan, dito rin ako kumukuha ng pera. Wala lang, pinapadala lang nila. Kakaibiganin ko ang isang tao sa internet, kapag magaan na ang loob niya sa'kin, tsaka ko siya paiikutin sa bitag ko at ayun na! Makukuha ko na ang gusto ko.

Dinabog ni Anty Petunia ang pintuan nang makalabas siya. Kinukulong talaga niya ako rito. Dahil, alam ko, halata naman na plano niyang agawin sa'kin ang lahat ng mamanahin ko. Bantay sarado sila sa'kin ng kalandian niyang si Aswang!

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon