Chapter 17: Romance

1.2K 31 3
                                    

Chapter 17
Romance.
❌❌❌



Paulit-ulit kong kinalabit ang baril. Nang maubos ang bala nito ay dagli akong naglagay muli, tsaka ko ikinasa. Inayos ko ang aking mga kamay, deretso ang aking tingin sa pag-tigpo sa maliit na kulay pulang nasa gitna ng mga bilog. Iniisip kong ulo iyon ng taong nagpa-patay sa mga magulang ko. Sa kanya ko gagamitin ang mga natutunan ko sa pamamaril. Sa walang pusong taong iyon! Kinalabit ko ulit ang baril hanggang sa maubos ang bala.

Nang-ga-galaiti ako! Napudpod na ang aking mga ngipin sa pagtitimpi.

Lalo na nang maramdaman kong pumulupot ang mga kamay ni Law sa baywang ko mula aking likod at inumpisahan niyang halikan ako sa leeg. Ibinaba ko ang baril tsaka ko tinanggal ang mga headgears.

Tinulak ko siya at iniwan. Dumeretso akong nagtungo sa kwarto ko. Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Law. Wala akong pake-alam.

Niyakap ko ang aking unan at nagtalukbong ako sa kumot. Narinig kong nagbukas ang lagusan, tumingin ako, at si Law ang pumasok. Lalo akong nagtalukbong sa kumot ko. Ayo'ko sa kanya.

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama. Tsaka bigla niya akong dinaganan. I groaned as a protest. "Go away.", dagdag ko.

"Let's go eat.", bulong niya. Hindi ko makita ang itsura niya dahil sa kumot pero ramdam kong naka-ngiti siya. Naiinis ako lalo. Hindi ba siya nakaka-ramdam na naiinis ako?

Naiinis ako sa ginawa niya kanina! My chest is tightening everytime I remember how he looked at Shaira. Sa akin lang dapat ang ganoong mga tingin, dahil iyon ang sinabi ko sa kanya bilang kapalit ng virginity ko. 'Di ba? I mean, hindi sa nagseselos ako. Pero ayo'ko lang na hindi tumutupad sa kasunduan ang mga naka-sundo na! Iyon lang 'yon. Bakit ako? Tinutupad ko naman 'yong kasunduan namin ah.

Akin siya dahil nakuha niya ang virginity ko. Sa kanya ako dahil tutulungan niya akong mahanap ang mga pumatay sa mga magulang ko. Tinutupad ko iyon. Kay Law lang ako!

"Hindi ako gutom. Go away, please.", pigil sa inis na muling saad ko.

Mabilis niyang tinanggal ang kumot mula sa'kin, at lalo niya akong dinaganan. Tinulak ko siya  pero sobrang bigat niya kaya hindi siya nagalaw. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng leeg ko.

"Let's make you feel fine then.", sambit niya kaya inumpisahan niya ulit ang paghalik.

"No...", protesta ko. Tinutulak ko pa rin siya. Hanggang sa dumako ang kanyang mga halik sa shoulder blade ko. "I said no! Law naman e!", at mabilis niyang itinaas ang t-shirt ko, pero agad ko din lang ibinaba at gumulong ako palayo, sabay tulak sa kanya.

Bumaba ako ng kama sa kabilang gilid. Paglingon ko sa kanya ay naka-kunot noo na siya. Mabilis akong naglakad palayo. Pumunta ako sa rooftop. Ito na ang favorite place ko sa bahay.

Tahimik ko nang pinagmamasdan ang mga bulaklak nang maramdaman ko ulit ang halik ni Law sa leeg mula likod ko. Agad akong tumayo palayo at hinarap siya.

"Anong ginagawa mo?", pagalit ko nang bulalas sa kanya. At lalong nagbangga ang kanyang mga kilay. His eyes are clearly confused. Hindi talaga siya makaramdam. "Sabing ayo'ko!", sinisigawan ko na siya. Hindi ko sinasadyang sumigaw. Hindi ko sinasadyang magalit. Ni hindi ko alam kung bakit ako nagagalit. I just keep on remembering how he kissed her hand, and I don't like that same lips to kiss me!

"May nagawa ba akong mali?", nagtatakang tanong niya.

"Ayo'ko lang...", mahinang depensa ko nang hindi ko mapagtanto kung ano nga ba ang ginawa niyang mali. At alangan namang bulyawan ko siya dahil lang sa isang halik. Hindi naman ako ganoon ka-immature para magalit lang sa isang halik, hindi ah! He can even have any girl he wants, wala akong pake, basta akin siya!

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon