Chapter 6
Matched.
❎❎❎10 Years Ago
(Beatrice at 7 years old)"Trice sige na, akyat ka na sa stage, dadating din si Daddy...", pagmamaka-awa ni Mom.
"Ayoko! Wala pa si Daddy! Mom naman!", reklamo ko na mangiyak ngiyak na. "Hindi ako pupunta sa stage hangga't wala si Dad!", nagtatampong bulalas ko.
"Dadating din iyon Trice... sige na...", sinubukan niya akong itulak palabas ng backstage patungo sa stage pero ayaw ko talaga. Nakakibit balikat at nagmumuktol akong hindi gumalaw.
Kanina pa naghihintay ang mga tao sa akin, pero determinado akong hindi umpisahan ang concert ko nang wala si Dad. Ilang buwan ko rin itong ponaghandaan para sa kanya tapos hindi rin lang siya pupunta? Ayoko! Mas mabuti pang hindi na ito matuloy kung wala din lang siya!
Nang bigla na lang na may humalik sa pisngi ko galing sa likod ko, at amoy pa lang niya, alam ko nang si Daddy iyon! "Daddyiiiii!", nasisiyahan akong niyakap siya at dagli naman niya akong binuhat.
"You grumpy little snow white!", nanggigigil na kiniliti pa niya ako. "Bakit daw ayaw mong umpisahan ang concert mo? Ha?"
Humahagikhik akong sinagot siya, "Kasi Daddy ang tagal tagal mo!"
"Hinintay mo talaga ako, ha?"
"Upo!"
"I can't miss my own daughter's first concert, can I?", kunyare ay sumeryoso ang mukha ni Dad.
"You should not! I forbid it!"
"Kayo talagang mag-ama!", saway sa amin ni Mom. "Napaka-tigas ng mga ulo ninyo! Alam mo na ngang birthday ng anak mo, male-late ka pa! At ikaw naman, Trice...", bumuntong hininga na lang si Mom pero ganyan ang itsura niya kapag nagseselos siya sa amin ni Dad. Hehehe...
Dagli naman siyang hinatak ni Dad sa baywang at hinalikan sa bibig, na napa-face palm na lang ako para pumikit. "Yuuuck!", reklamo ko pa. Hindi na ako nasanay!
"I miss you...", bulong pa ni Daddy sa tainga ni Mom na dinig ko kasi buhat buhat pa rin niya ako. "I miss you both.", dagdag pa niya sabay ngiti sa'kin.
Niyakap ko si Dad sa batok niya at niyakap niya kaming dalawa ni Mom, bale ginawa nila akong palaman. "I miss you too Daddy!", wika ko. "I love you so much!"
"I love you.", sagot niya sa'kin at alam kong kay Mom siya nakatitig.
"I love you too." , bulong naman ni Mom.
Ilang saglit din naming tinamasa ang yakapan namin bago napagdesisyunan ni Mom na sawayin na kami dahil masyado na kaming cheesy at may concert pa ako na dapat ganapin.
Ibinaba ako ni Dad at nasisiyahan akong natakbo palabas ng stage! Pagkakita sa'kin ng mga tao ay nagpalakpakan agad sila. Umupo ako sa harap ng piano at inumpisahan kong tumugtog...
Ganoon kami kasaya noon! Sobra! My childhood memories are perfect because of them. My parents in every possible way made me feel loved. Tandang tanda ko pa nga ang tinugtog kong piyeso sa piano noong 7th Birthday ko. Concert iyon kung saan pinanuod lang naman ako ng mga tao na tumugtog sa piano.
It was F. Chopin Nocturne in C sharp minor postcriptum.
Hindi ko na kayang tugtugin iyon ngayon dahil antagal ko nang hindi nakahawak ng piano, maliban sa malaking white piano sa Piano room sa bahay ni Lawrence... Iyon muli ang pagkakataon kong nakahawak ng piano, at syempre kapag dumadaan ako sa mall, minsan nilalaro ko iyong nga piano na for sale doon.
BINABASA MO ANG
Dominated by Law [Escala Empire #1]
General FictionWARNING: SPG | A thrilling combination of sex, slavery, and savage murders | - - - Simula nang mamatay ang mga magulang ni Beatrice Hale Cinder ay naging miserable na ang kanyang buhay, kaya naman isinumpa niya nang buong puot ang mga may sangkot sa...