Chapter 13: Memory

1.4K 43 7
                                    

Chapter 13
Memory.
❌❌❌




"Mommy! Daddy!", paulit ulit kong sigaw habang humahagulgol na sa kakaiyak. Hindi ko na matandaan kung bakit ako nandito. Hindi ko rin alam kung anong lugar ito. Sobrang dilim ng paligid.

Wala akong ibang iniisip kundi sina Mom at Dad. Paanong nangyari ang lahat? Kasasabi lang kanina ni Anty Petunia na patay na sila. Dalawang linggo silang hindi umuwi, tapos biglang dumalaw ang Dambuhalang iyon para ibalitang patay na sila! Hindi ko matanggap! Hindi totoo iyon! Bukas na raw gagawin ang burol. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayri!

Nangako sila sa'kin! Nangako silang pag-uwi nila ay mamasyal kami sa amusement park! Bakit kailangan nilang mawala? Wala na ba talaga sila?

Sobrang lamig...

Nakatulog ako dahil sobrang giniginaw na ako...

Pero wala akong balak tumayo sa kinauupuan ko...

Wala akong balak na lumabas mula rito sa madilim na sulok...

Natatakot ako...

Natatakot ako na baka totoo ang lahat! Sana hindi totoo ang lahat!

Nang biglang nagbukas ang pintuan at sumilay sa'kin ang isang nakakabulag na liwanag...

Isang anino... lalaki... hindi ko siya kilala...

It must have been due to my crying that my vision became so blurry... Pero dinig na dinig ko ang mga katagang sinabi niya!

"Nandito ka lang pala Arice! Kanina pa kita hinahanap!", nag-aalalang tugon niya.

At bigla na lamang niya akong niyakap nang sobrang higpit. Nagtataka ako dahil hindi ko siya kilala, pero lalo lang akong naiyak nang tinapik tapik niya ang likod ko.

"Mommy, Daddy! N-nasan na kayo? Huwag niyo akong iwan!", humahagulgol kong paulit ulit na iniiyak, habang mahigpit kong niyayakap ang stranger na ito. Pakiramdam ko ay teddy bear lang siya na pwede kong iyakan kahit kailan ko gusto.

"Arice, sobrang lamig mo na. Kailangan mo nang umuwi.", saad ng kayakap ko.

"P-pero... sina Mom at Dad... Uuwi na ba sila?", kumawala siya mula sa aming yakapan at hinaplos haplos niya ang pisngi ko sabay titig sa'kin...

Malalim na itim ang kulay ng kanyang mga mata...

"Arice..."

At nag-aalalang tingin ang binibigay niya sa'kin...

"Patawarin mo ako..."

Nag-umpisa na rin siyang maiyak...

"Patawarin mo ako..."

At hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari...

Pero mukang kilala ko na kung sino ang batang lalaking iyon...

Seven years later...

Nagising akong kumikirot ang sakit sa aking ulo. Una kong naaninag ang pamilyar na kisame sa Black room.

"Lawrence...", tawag ko sa kanya at dagli naman siyang sumulpot sa tabi ko.

"Arice?", hinaplos haplos niya ang buo kong mukha sabay titig na titig siya sa'kin.

"Law...", hindi ko pa rin makapaniwalang tugon sa kanya. Hindi ko akalaing makikita ko pang muli ang mga malalalim niyang itim na mga mata. Napangiti na lang ako sa kanya.

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon