Chapter 28: Cursed

667 17 2
                                    

Chapter 28
Cursed.
🌹🌹🌹

Nakarating kami ni Law sa Connecticut. Isang malaki at malawak na gusali ang tinuluyan namin. It's one of the buildings here in the city. Sa pinaka-tuktok kami tumuloy.

Pagkapasok ko pa lang ay manghang-mangha na ako sa lugar. Masyadong makabago ang disenyo. Parang akong nasa ibang dimensyon ng mundo. Parang isang abstract na painting ang lugar.

"Law! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa kung gaano ka kayaman!"

"This is yours, actually."

"Ha?" Lalo akong napanganga.

"Nakapangalan sa'yo ang bahay na ito. Everything here is yours. Mula parking lot, hanggang sa lahat ng pwede mo pang madiskubre dito."

"No way."

Nginitian niya ako at nilapitan, sinapo niya ang magkabila kong pisngi, "Everything for my baby."

Hinalikan ko siya, "Thank you Law."

Kumain kaming dalawa ng hapunan matapos kong bisitahin ang lahat ng parte ng gusali. Mula first floor hanggang dito sa penthouse. Masyado kasi akong na-excite! Ang pinaka-tumatak sa'kin ay 'yong mga kainan at bilihan na nasa first to third floor. May Starbucks at iba't ibang klase ng restaurants. 'Yong mamahalin na restaurants talaga!

Dito sa may dining area kami kumain ni Law. Nag-take out ako sa lahat ng restaurants na nakita ko kaya madaming pagkain ang nasa long table namin.

Ngumisi siya nang makita ang mga binili ko, "We have a cook here, you know. Hindi mo naman kailangang bumili sa labas."

"Na-excite kasi ako masyado. Sorry. Tsaka, alam mo ba. Walang take-out sa mga resto na 'yon. Pero nong sinabi kong para kay Lawrence Escala, ayon! Pinagbigyan ako." Humalakhak ako. Hindi ko maitago ang saya.

"Sige, pero sinabi ko na sa'yo." Isang pitik ng kanyang mga kamay ay lumuwa mula sa kung saan ang tatlong tao. Dalawang babae at isang lalaki.

"Ito si Wanda, siya ang taga-luto mo. Galing pa siya ng Paris. She's one of the best cooks. Ito naman si Violet, siya ang housemaid dito. At siya naman si Jazz, siya ang butler mo."

Tumango-tango ako habang pinagmasdan ko silang tatlo.

Si Wanda ay mukhang nasa 40's na dahil sa namumuong mga white-gray hairs niya. Si Violet naman ay parang 30's dahil sa wrinkles. Si Jazz, well, parang nasa 20's lang dahil sa matipuno niyang pangangatawan. Gwapo rin. Nginitian ko sila. Tapos ay umalis na.

"Hindi ko naman sila kailangan Law. Tsaka parang, these are all too much. Kayang kaya ko naman mag-luto para sa'ting dalawa. At maglinis. Kayang kaya ko 'yon. Kahit nga sana, kahit sa maliit lang tayo na bahay. Tsaka, bakit may butler pa? Ayo'ko namang sabihan pa ako ng mga kaklase natin na masyado akong pampered, spoiled brat, or something. Law... Kaya nating mabuhay kahit sa simpleng paraan lang. Parang hindi rin lang tayo naiba niyan sa bahay sa Pilipinas e."

"Nagawa mo pa talagang mag-reklamo. Ayo'ko lang na mahirapan ka. Gusto ko, palagi kang masaya at stress free."

Natawa ako sa kanya, "Masaya ako basta kasama kita Law. Wala nang iba pa akong hihilingin."

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. My favorite kiss.

"I love you," he gently whispered.

"I love you too."

Tapos ay tinitigan niya ako. Parang may kung ano siyang gustong sabihin pero hindi lang masabi.

"Ano 'yon Law?"

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon