Chapter 21: Almost

1K 26 7
                                    

Chapter 21
Almost
❌❌❌






Pinosas-an nila kami ni Calyx. Gusto ko mang lumaban pero alam kong mas madami sila. Ibig sabihin ay hindi lang pala iisang sasakyan ang humahabol sa amin kanina. Nang makalabas kami ng gubat at bumalik sa main-road ay nakita ko na pati ang mga motor na pagmamay-ari nila. Parang bang may raid o rally talaga silang pupuntahan.

Kung gaano kadami ang mga humabol sa amin ay mas madami na namang mga kalalakihan ang naabutan namin sa isang abandonadong gusali. Mukhang pabrika o pagawaan ng kung ano.

Iginapos nila kami sa mga lubid, sa mismong plastik na upuan. Kanina pa hindi nagsasalita si Calyx sa kanyang kina-uupuan, nasa kabilang pader siya na may kalayuan mula sa'kin. Mukhang nanghihina siya at maputla na dahil sa dugong walang tigil na pag-agos sa kanyang balikat at... ngayon ko lang lubusang napansin, may tama ng bala rin siya sa tagiliran!

Naiiyak ako dahil sa kalagayan niya. Naka-yuko lang siya at hindi gunagalaw, hindi umiimik.

"Calyx!", tawag ko sa kanya. Isang beses gumalaw ang kanyang ulo. "Calyx, huwag kang matutulog. Kapag nawalan ka ng malay...", hindi ko kayang ibigkas ang kinakatakutan ko. "Calyx, kausapin mo ako! Makakatakas tayo rito, kaya diyan ka lang ha? Mahahanap tayo ni Law... Kasalanan ko 'to e. Kung hindi ako nagpumilit na lumabas...", napahikbi na ako dahil sa kaka-iyak. Sanay ako kung ako lang... Ako naman talaga ang sadya nila. Pero nadamay pa si Calyx. Hindi ko kayang makakita ng taong nahihirapan nang dahil sa'kin!

Umangat ang ulo ni Calyx at mukhang hinanap pa ako ng kanyang paningin. Nang makita niya ako, "Arice...", hinihingal niyang umpisa. "H-hindi na ako magtatagal dito..."

Lalo akong napa-iyak. "Don't die yet! Natatakot ako rito kaya 'wag mo akong iwanan!", bulalas ko sa kanya.

Nagitla ako dahil may mga yapak na mukhang papalapit sa kinaroroonan namin... Pero hindi ko inasahan ang sumunod...

"Beatrice Hale Cinder...", bungad ni Andrea.

Namilog ang mga mata ko sa kanya. Nag-iba na ang kanyang itsura. Nawala na ang mga bahagharing nakapa-libot sa kanya. Naka-jacket pa siya ng black na leather, naka-boots pa. Itim na itim na ang kanyang itsura.

"Kuya Calyx?", mukhang sunod na nagulat siya. Umangat ang ulo ni Calyx kay Andrea at sunud-sunod siyang umubo ng dugo!

"Andrea, tulungan mo siya!", natatarantang pagmamaka-awa ko.

Lumapit si Andrea kay Calyx at inalalayan sa pag-upo. Nag-iba ang kanyang ekspresyon. Nag-a-alala siya kay Calyx. "Kailangan natin siyang dalhin sa hospital! Pakawalan niyo siya rito!", utos niya sa mga lalaki at sinunod naman nila siya. "Ang babae lang ang saktan niyo 'di ba? Bakit siya nadamay?!", pagalit niyang bulalas. Agad nilang kinuha si Calyx at inilayo, umalis na sila. Sana talaga sa hospital na siya dalhin...

Sunod na bumaling sa'kin si Andrea, "Kasalanan mo ito! Ikaw lang ang pakay namin. Dinadamay mo pa si kuya Calyx!"

Napa-yuko ako, hindi natigil ang aking pag-iyak, dahil tama siya. Natingin ulit ako sa kanya dahil sinabunutan niya ako. "Papatayin kita 'pag may nangyari kay kuya Calyx!"

"Alam kong nadamay siya dahil sa'kin pero 'wag mo akong sisihin! Kung hindi mo ginagawa ang kung anumang ginagawa mo, hindi ito mangyayari!", buong tapang ko siyang tiningnang masama.

Sinampal niya ako. "Pinatay ni Lawrence ang mga magulang ko! Dapat naiintindihan mo lahat ng ginagawa ko..."

"Pinatay ng mga magulang mo ang mga magulang ko! Nararapat lang sa kanila iyon!"

Nakita ko pa siyang nag-timpi bago ako sinampal muli nang mas malakas pa kaysa kanina. Halos matumba ang kina-u-upuan ko. "Nam-bi-bintang ka!"

Tinapunan ko siya ng tingin. "Andrea, hindi mo kailangang gawin ito. Wala kang mapapala sa paghi-higanti."

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon