Chapter 20: Confused

1.1K 22 5
                                    

Chapter 20
Confused.
❌❌❌






Pinakita na ni Lawrence ang totoong anyo niya. Ang kanyang totoong hangarin sa'kin... Isa akong bihag dito. Isang bihag na pinag-bibigyan niya lang para makuha ang gusto. Dahil ang gusto lang naman talaga niya? Iyong laro...

Larong ni hindi ko alam ang patakaran. Larong ako ang King at siya ang Master, laro na siya ang komo-kontrol at ako ang kontrolado. Hindi ko maiwasang isipin na siya talaga ang kalaban ko. Siya ang pumatay sa mga magulang ko. At hindi na dapat ako nagbu-bulag-bulagan. Madami na akong proof na siya ang salarin.

Una, siya ang batang lalaking naka-hanap sa'kin noong naligaw ako sa isang madilim na silid. Hindi ko lang panaginip iyon, pero totoong nangyari. May ibig sabihin iyon. Paano niya ako nakilala samantalang ni hindi ko siya kilala nang mga panahong iyon?

Pangalawa, anong dahilan niya at humihingi siya ng patawad sa'kin? Trip niya lang? Imposibleng trip lang iyon. Bawat hakbang pa man din sa larong chess ay may ibig sabihin.

Pangatlo, si Andrea. Sinabi ni Andrea na si Law ang pumatay sa kanyang mga magulang. Paanong magkaka-mali si Andrea, when she risked her life just to have her revenge! Hindi malayong mangyaring si Law din ang pumatay sa mga magulang ko.

Pang-apat, he kidnapped me! Bakit? Para lang ba protektahan ako sa mga iba pang nag-ha-habol sa yaman namin? Hindi, dahil isa siya sa mga iyon. Kagaya niya lang din si Anty Petunia na gusto akong angkinin.

Pang-lima, plano niya ang lahat ng ito. Plano niyang paibigin ako. Plano niya ang mapa-mahal ako sa kanya. Plano niya ang ihulog ako sa bitag niya. Plinano niya ang lahat ng ito!

Dahil kahit ganito siya, kahit kinukulong niya ako, kahit naka-posas ako ngayon dito sa kama na nangangawit na talaga ang aking mga braso, kahit na sinasaktan niya ako... Kahit ang sakit-sakit na... Hindi ko maiwasang isipin na patawarin siya...

Plano niyang paibigin ako para wala na akong choice kundi ibigay na lahat sa kanya! Pati kaluluwa at puso ko!

This is absurd! How can I love someone who can hurt me this bad? How could my heart flutter everytime he does something, even every little thing? How can I feel something so spectacular to someone who will never feel the same in return?

I need to unlove him...

Kailangan lang hanapin ko sa kaibuturan ng aking puso ang galit...

Galit sa lahat ng maaaring ginawa niya!

Kailangan kong maka-takas! Kailangan ko siyang layuan bago pa man din mawala ako sa sariling katinuan at tuluyan akong maging parang asong sunud-sunuran sa kanya!

Sinubukan kong maka-wala... Alam kong nagkaka-pasa na ako, halos mabali ang mga buto ng aking mga kamay... At dahil sa sobrang pagod ay ni hindi ko namalayang nakatulog pala ako...

Nagitla akong nagising nang may humaplos sa aking pisngi. Halos mapatalon ako sa takot!

"Arice?", ang mga mata ni Law ang bumungad sa'kin.

Napansin kong hindi na ako naka-posas, kaya umayos akong bumangon at sumandal sa headboard. Hindi ako maka-tingin nang deretso sa kanya. Nang idampi niya ang palad sa balikat ko ay nabatid kong nangi-nginig pala ang buo kong katawan. Lumuluha akong hindi mapigilan. Natatakot ako sa kanya...

Pumikit ako nang hinaplos niya ang buhok ko... Pakiramdam ko ay ilang saglit pa ay sasaktan na naman niya ako!

Hinuli niya ang mga kamay ko at hinawakan sabay haplos, nakaramdam ako ng hapdi doon dahil marahil sa mga pasa ko...

"H-hindi ko sinasadya.", garalgal ang kanyang boses. Nakaramdam ako ng kirot sa kanyang tono.

Kaya lakas-loob kong minulat ang aking mga mata para tumingin sa kanya.

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon